< Mga Awit 22 >

1 Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan? Bakit napakalayo mo mula sa pagliligtas sa akin at malayo mula sa mga salita ng aking paghihirap?
To the Overseer, on 'The Hind of the Morning.' — A Psalm of David. My God, my God, why hast Thou forsaken me? Far from my salvation, The words of my roaring?
2 Diyos ko, maghapon akong nananawagan sa iyo, pero hindi ka sumasagot, at maging sa gabi ako ay walang katahimikan!
My God, I call by day, and Thou answerest not, And by night, and there is no silence to me.
3 Pero ikaw ay banal; ikaw ay nakaupo bilang hari kasama ang mga papuri ng Israel.
And Thou [art] holy, Sitting — the Praise of Israel.
4 Ang aming mga ninuno ay nagtiwala sa iyo; nagtiwala (sila) sa iyo at (sila) ay niligtas mo.
In Thee did our fathers trust — they trusted, And Thou dost deliver them.
5 Dumaing (sila) sa iyo at (sila) ay niligtas mo. Nagtiwala (sila) sa iyo at hindi (sila) nabigo.
Unto Thee they cried, and were delivered, In Thee they trusted, and were not ashamed.
6 Pero ako ay parang isang uod at hindi isang tao, isang kahihiyan sa sangkatauhan at pinagtatawanan ng mga tao.
And I [am] a worm, and no man, A reproach of man, and despised of the people.
7 Silang lahat na nakakakita sa akin ay kinukutya ako; hinahamak nila ako; ang kanilang mga ulo ay napapailing sa akin.
All beholding me do mock at me, They make free with the lip — shake the head,
8 Sinasabi nila, “Nagtitiwala siya kay Yahweh, hayaan natin na iligtas siya ni Yahweh. Hayaan natin na sagipin siya ni Yahweh, dahil nalulugod siya sa kaniya.”
'Roll unto Jehovah, He doth deliver him, He doth deliver him, for he delighted in him.'
9 Dahil kinuha mo ako mula sa sinapupunan; hinayaan mong magtiwala ako sa iyo habang ako ay nasa dibdib ng aking ina.
For thou [art] He bringing me forth from the womb, Causing me to trust, On the breasts of my mother.
10 Ipinagkatiwala na ako sa iyo mula pa sa sinapupunan; ikaw ang aking Diyos simula pa ng ako ay nasa sinapupunan ng aking ina!
On Thee I have been cast from the womb, From the belly of my mother Thou [art] my God.
11 Huwag kang lumayo mula sa akin dahil malapit lang ang kaguluhan; walang sinuman ang tutulong.
Be not far from me, For adversity is near, for there is no helper.
12 Pinaliligiran ako ng maraming mga toro; pinapaligiran ako ng malalakas na mga toro ng Bashan.
Many bulls have surrounded me, Mighty ones of Bashan have compassed me,
13 Binubuksan nila ang kanilang bibig para sa akin na parang isang umaatungal na leon na niluluray ang kaniyang biktima.
They have opened against me their mouth, A lion tearing and roaring.
14 Ako ay parang natapong tubig, at lahat ng aking mga buto ay nalinsad. Ang aking puso ay tulad ng pagkit; natutunaw ito sa kaloob-loobang bahagi ko.
As waters I have been poured out, And separated themselves have all my bones, My heart hath been like wax, It is melted in the midst of my bowels.
15 Ang aking lakas ay parang natuyong piraso ng palayukan; ang aking dila ay dumidikit sa aking ngalangala. Inilagay mo ako sa alabok ng kamatayan.
Dried up as an earthen vessel is my power, And my tongue is cleaving to my jaws.
16 Dahil pinapaligiran ako ng mga aso; napalibutan ako ng samahan na mga mapaggawa ng masama; tinusok nila ang aking mga kamay at mga paa.
And to the dust of death thou appointest me, For surrounded me have dogs, A company of evil doers have compassed me, Piercing my hands and my feet.
17 Nabibilang ko na ang aking mga buto. Tumitingin at tumititig (sila) sa akin.
I count all my bones — they look expectingly, They look upon me,
18 Pinaghahatian nila ang aking mga kasuotan sa kanilang mga sarili, pinagpipilian nila ang aking mga damit.
They apportion my garments to themselves, And for my clothing they cause a lot to fall.
19 Huwag kang lumayo, Yahweh; hinihiling kong magmadali ka para tulungan ako, aking kalakasan!
And Thou, O Jehovah, be not far off, O my strength, to help me haste.
20 Iligtas mo ang aking kaluluwa mula sa espada, ang tanging buhay ko mula sa mga kuko ng mabangis na mga aso.
Deliver from the sword my soul, From the paw of a dog mine only one.
21 Iligtas mo ako mula sa bibig ng leon; iligtas mo ako mula sa mga sungay ng mababangis na toro.
Save me from the mouth of a lion: — And — from the horns of the high places Thou hast answered me!
22 Ihahayag ko ang iyong pangalan sa aking mga kapatid; sa gitna ng kapulungan ay pupurihin kita.
I declare Thy name to my brethren, In the midst of the assembly I praise Thee.
23 Kayo na may takot kay Yahweh, purihin siya! Kayong lahat na mga kaapu-apuhan ni Jacob, parangalan siya! Ipakita niyo ang inyong pagkamangha sa kaniya, kayong lahat na mga kaapu-apuhan ng Israel!
Ye who fear Jehovah, praise ye Him, All the seed of Jacob, honour ye Him, And be afraid of Him, all ye seed of Israel.
24 Dahil hindi niya hinamak o pinabayaan ang pagdurusa ng naghihirap; hindi tinago ni Yahweh ang kaniyang mukha mula sa kaniya; nang umiyak ang naghihirap sa kaniya, dininig niya.
For He hath not despised, nor abominated, The affliction of the afflicted, Nor hath He hidden His face from him, And in his crying unto Him He heareth.
25 Ang aking pagpupuri ay dahil sa iyo sa gitna ng napakalaking kapulungan; tutuparin ko ang aking mga panata sa harap nilang may takot sa kaniya.
Of Thee my praise [is] in the great assembly. My vows I complete before His fearers.
26 Ang mga naaapi ay makakakain at mabubusog; (sila) na naghahanap kay Yahweh ay magpupuri sa kaniya. Nawa ang inyong mga puso ay mabuhay magpakailanman.
The humble do eat and are satisfied, Praise Jehovah do those seeking Him, Your heart doth live for ever.
27 Ang lahat ng mga tao sa lupa ay aalalahanin at babalik kay Yahweh; lahat ng mga pamilya ng mga bansa ay luluhod sa iyong harapan.
Remember and return unto Jehovah, Do all ends of the earth, And before Thee bow themselves, Do all families of the nations,
28 Dahil ang kaharian ay kay Yahweh; siya ang namumuno sa mga bansa.
For to Jehovah [is] the kingdom, And He is ruling among nations.
29 Lahat ng mga mayayaman sa lupa ay magpipista at sasamba; silang lahat na mapupunta sa alabok ay luluhod sa harapan niya, (sila) na hindi kayang panatilihin ang kanilang sariling buhay.
And the fat ones of earth have eaten, And they bow themselves, Before Him bow do all going down to dust, And he [who] hath not revived his soul.
30 Ang isang salinlahi ay darating para siya ay paglingkuran; sasabihin nila sa susunod na salinlahi ang tungkol sa Panginoon.
A seed doth serve Him, It is declared of the Lord to the generation.
31 Darating (sila) at ipapahayag ang kaniyang katuwiran; ipamamalita nila sa mga taong hindi pa naipapanganak kung ano ang kaniyang nagawa!
They come and declare His righteousness, To a people that is borne, that He hath made!

< Mga Awit 22 >