< Mga Awit 21 >

1 Nagagalak ang hari sa iyong lakas, Yahweh! Labis siyang nagagalak sa kaligtasan na iyong ibinibigay!
למנצח מזמור לדוד ב יהוה בעזך ישמח-מלך ובישועתך מה-יגיל (יגל) מאד
2 Ibinigay mo sa kaniya ang inaasam ng kaniyang puso at hindi mo pinigilan ang kahilingan ng kaniyang mga labi. (Selah)
תאות לבו נתתה לו וארשת שפתיו בל-מנעת סלה
3 Dahil dinadalhan mo siya ng mayamang mga pagpapala; inilagay mo sa kaniyang ulo ang pinakadalisay na gintong korona.
כי-תקדמנו ברכות טוב תשית לראשו עטרת פז
4 Humihiling siya sa iyo ng buhay; ibinigay mo ito sa kaniya; binigyan mo siya ng mahabang buhay magpakailanman.
חיים שאל ממך--נתתה לו ארך ימים עולם ועד
5 Ang kaniyang kaluwalhatian ay dakila dahil sa iyong tagumpay; iginawad mo sa kaniya ang kaningningan at pagiging maharlika.
גדול כבודו בישועתך הוד והדר תשוה עליו
6 Dahil pinagkalooban mo siya ng mga pangmatagalang pagpapala; hinayaan mo siyang magalak nang may kasiyahan sa iyong presensya.
כי-תשיתהו ברכות לעד תחדהו בשמחה את-פניך
7 Dahil ang hari ay nagtitiwala kay Yahweh; sa pamamagitan ng katapatan sa tipan ng Kataas-taasan siya ay hindi matitinag.
כי-המלך בטח ביהוה ובחסד עליון בל-ימוט
8 Dadakpin ng iyong kamay ang lahat ng iyong mga kaaway; dadakpin ng iyong kanang kamay ang mga napopoot sa iyo.
תמצא ידך לכל-איביך ימינך תמצא שנאיך
9 Sa panahon ng iyong galit; susunugin mo (sila) na parang nasa maalab na pugon. Lilipulin (sila) ni Yahweh sa kaniyang matinding galit, at lalamunin (sila) ng apoy.
תשיתמו כתנור אש-- לעת פניך יהוה באפו יבלעם ותאכלם אש
10 Pupuksain mo ang kanilang mga anak mula sa lupa at ang kanilang mga kaapu-apuhan na kabilang sa sangkatauhan.
פרימו מארץ תאבד וזרעם מבני אדם
11 Dahil hinangad nila ang masama laban sa iyo; bumuo (sila) ng masamang balak na kung saan hindi (sila) magtatagumpay!
כי-נטו עליך רעה חשבו מזמה בל-יוכלו
12 Dahil (sila) ay iyong paaatrasin; (sila) ay iyong papanain.
כי תשיתמו שכם במיתריך תכונן על-פניהם
13 Maitanghal, ka Yahweh, sa iyong lakas; aawitin at pupurihin namin ang iyong kapangyarihan.
רומה יהוה בעזך נשירה ונזמרה גבורתך

< Mga Awit 21 >