< Mga Awit 20 >

1 Nawa ay tulungan ka ni Yahweh sa araw ng kaguluhan; nawa ang pangalan ng Diyos ni Jacob ang mangalaga sa iyo
Zborovođi. Psalam. Davidov. Uslišio te Jahve u dan nevolje, štitilo te ime Boga Jakovljeva!
2 at magpadala ng tulong mula sa banal na lugar para magtaguyod sa iyo sa Sion.
Poslao ti pomoć iz Svetišta, branio te sa Siona!
3 Nawa maalala niya ang lahat ng iyong mga alay at tanggapin ang iyong sinunog na handog. (Selah)
Spomenuo se svih ti prinosnica, bila mu mila paljenica tvoja!
4 Nawa ay ipagkaloob niya sa iyo ang hinahangad ng iyong puso at tuparin ang lahat ng iyong mga plano.
Udijelio ti što ti srce želi, ispunio sve namisli tvoje!
5 Pagkatapos magagalak kami sa iyong tagumpay, at, sa pangalan ng ating Diyos, itataas namin ang mga bandila. Nawa ay ipagkaloob ni Yahweh ang lahat ng iyong kahilingan.
Radovali se tvojoj pobjedi, u ime Boga svoga dizali stjegove! Ispunio Jahve svaku molbu tvoju!
6 Ngayon alam ko na ililigtas ni Yahweh ang kaniyang hinirang; sasagutin siya mula sa kaniyang banal na kalangitan na may lakas ng kaniyang kanang kamay na maaari siyang sagipin.
Znam evo: Jahve će pobjedu dati svom pomazaniku, uslišit ga iz svetih nebesa snagom pobjedne desnice svoje.
7 Nagtitiwala ang ilan sa mga kalesang pandigma at ang iba ay sa mga kabayo, pero ang tinatawagan namin ay si Yahweh na aming Diyos.
Jedni se hvale kolima bojnim, drugi konjima, mi imenom Jahve, Boga našega!
8 (Sila) ay ibababa at ibabagsak, pero tayo ay babangon at tatayong matuwid!
Oni posrću i padaju, mi se držimo i stojimo.
9 Yahweh, sagipin mo ang hari; tulungan mo kami kapag kami ay nananawagan.
Jahve, daruj pobjedu kralju, usliši nas u dan kad te zazovemo!

< Mga Awit 20 >