< Mga Awit 15 >

1 Sinong puwedeng manatili sa iyong tabernakulo, Oh Yahweh? Sinong maaaring manirahan sa iyong banal na burol?
A psalm of David. Lord, who can be guest in your tent? Who may live on your holy mountain?
2 Siya ay lumalakad sa katuwiran at gumagawa ng tama and nagsasabi ng katotohanan mula sa kaniyang puso.
The person whose walk is blameless, whose conduct is right, whose words are true and sincere;
3 Hindi siya naninirang-puri gamit ang kaniyang dila, o nananakit ng iba, o nang-iinsulto ng kaniyang kapwa.
on whose tongue there sits no slander, who will not harm a friend,
4 Ang taong walang halaga ay kasuklam-suklam sa kaniyang paningin, pero pinararangalan niya ang lahat ng may takot kay Yahweh. Sumusumpa siya sa kaniyang sariling kakulangan at hindi tumatalikod sa kaniyang mga pangako.
nor cruelly insult a neighbor, who regards with contempt those rejected by God; but honors those who obey the Lord, who keeps an oath, whatever the cost,
5 Hindi siya naniningil ng tubo sa tuwing siya ay nagpapautang. Hindi rin siya tumatanggap ng suhol para tumestigo laban sa walang-sala. Sinumang gumagawa ng mga bagay na ito ay hindi kailanman mayayanig.
whose money is lent without interest, and never takes a bribe to hurt the innocent. The person who does these things will always stand firm.

< Mga Awit 15 >