< Mga Awit 149 >

1 Purihin si Yahweh! Umawit ng bagong awit para kay Yahweh; purihin siya sa pagtitipon ng mga tapat!
هَلِّلُويَا. غَنُّوا لِلرَّبِّ تَرْنِيمَةً جَدِيدَةً، تَسْبِيحَتَهُ فِي جَمَاعَةِ ٱلْأَتْقِيَاءِ.١
2 Hayaang magdiwang ang Israel sa kaniya na ginawa silang isang bayan; magdiwang ang mga mamamayan ng Sion sa kanilang hari.
لِيَفْرَحْ إِسْرَائِيلُ بِخَالِقِهِ. لِيَبْتَهِجْ بَنُو صِهْيَوْنَ بِمَلِكِهِمْ.٢
3 Purihin nila ang kaniyang pangalan na may sayawan; umawit (sila) ng papuri sa kaniya nang may tamburin at alpa.
لِيُسَبِّحُوا ٱسْمَهُ بِرَقْصٍ. بِدُفٍّ وَعُودٍ لِيُرَنِّمُوا لَهُ.٣
4 Dahil nasisiyahan si Yahweh sa kaniyang bayan; dinadakila niya ang mapagkumbaba ng kaligtasan.
لِأَنَّ ٱلرَّبَّ رَاضٍ عَنْ شَعْبِهِ. يُجَمِّلُ ٱلْوُدَعَاءَ بِٱلْخَلَاصِ.٤
5 Magdiwang ang mga maka-diyos sa tagumpay; umawit (sila) sa galak sa kanilang mga higaan.
لِيَبْتَهِجِ ٱلْأَتْقِيَاءُ بِمَجْدٍ. لِيُرَنِّمُوا عَلَى مَضَاجِعِهِمْ.٥
6 Nawa mamutawi sa kanilang mga bibig ang mga papuri para sa Diyos at sa kanilang kamay, isang espadang may magkabilang-talim,
تَنْوِيهَاتُ ٱللهِ فِي أَفْوَاهِهِمْ، وَسَيْفٌ ذُو حَدَّيْنِ فِي يَدِهِمْ.٦
7 para maghiganti sa mga bayan at parusahan ang mga tao.
لِيَصْنَعُوا نَقْمَةً فِي ٱلْأُمَمِ، وَتَأْدِيبَاتٍ فِي ٱلشُّعُوبِ.٧
8 Igagapos nila ang mga hari sa kadena at ang mararangya sa mga bakal na posas.
لِأَسْرِ مُلُوكِهِمْ بِقُيُودٍ، وَشُرَفَائِهِمْ بِكُبُولٍ مِنْ حَدِيدٍ.٨
9 Isasagawa nila ang hatol na nasusulat. Ito ay magiging karangalan para sa mga tapat. Purihin si Yahweh.
لِيُجْرُوا بِهِمْ ٱلْحُكْمَ ٱلْمَكْتُوبَ. كَرَامَةٌ هَذَا لِجَمِيعِ أَتْقِيَائِهِ. هَلِّلُويَا.٩

< Mga Awit 149 >