< Mga Awit 148 >

1 Purihin si Yahweh. Purihin niyo si Yahweh, kayo na nasa kalangitan; purihin niyo si Yahweh, kayo na nasa kaitaas-taasan.
Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo ang Panginoon mula sa mga langit: purihin ninyo siya sa mga kaitaasan.
2 Purihin niyo siya, lahat kayong mga anghel; purihin niyo siya, lahat kayong mga hukbo ng anghel.
Purihin ninyo siya, ninyong lahat niyang mga anghel: purihin ninyo siya, buo niyang hukbo.
3 Purihin niyo siya, araw at buwan; purihin niyo siya, kayong mga nagniningning na bituin.
Purihin ninyo siya, araw at buwan: purihin ninyo siya, ninyong lahat na mga bituing maliwanag.
4 Purihin niyo siya, kayong pinakamataas na kalangitan at kayong mga katubigan sa kaulapan.
Purihin ninyo siya, ninyong mga langit ng mga langit, at ninyong tubig na nasa itaas ng mga langit.
5 Hayaan silang purihin ang pangalan ni Yahweh, dahil binigay niya ang utos at (sila) ay nalikha.
Purihin nila ang pangalan ng Panginoon: sapagka't siya'y nagutos, at sila'y nangalikha.
6 Itinatag niya rin (sila) magpakailanman; nagbigay siya ng utos na hindi magbabago.
Kaniya rin namang ipinagtatatag magpakailan-kailan man: siya'y gumawa ng pasiya na hindi mapapawi.
7 Purihin si Yahweh mula sa mundo, kayong mga hayop sa lahat ng karagatan,
Purihin ninyo ang Panginoon mula sa lupa, Ninyong mga buwaya, at lahat ng mga kalaliman:
8 apoy at yelo, nyebe at mga ulap, malakas na hangin, sa pagtupad ng kaniyang salita,
Apoy at granizo, nieve at singaw; unos na hangin, na gumaganap ng kaniyang salita:
9 mga bundok at mga burol, mga bungang-kahoy at lahat ng sedar,
Mga bundok at lahat ng mga gulod; mga mabungang kahoy at lahat ng mga cedro:
10 mga mabangis at maamong hayop, mga hayop na gumagapang at mga ibon,
Mga hayop at buong kawan; nagsisiusad na bagay at ibong lumilipad:
11 mga hari sa mundo at lahat ng bansa, mga prinsipe at lahat ng namamahala sa lupa,
Mga hari sa lupa at lahat ng mga bayan; mga pangulo at lahat ng mga hukom sa lupa:
12 mga binata at dalaga, mga nakatatanda at mga bata.
Mga binata at gayon din ng mga dalaga; mga matanda at mga bata:
13 Hayaang silang purihin ang pangalan ni Yahweh dahil ang pangalan niya lamang ang itinatanghal at ang kaniyang kadakilaan ay bumabalot sa buong mundo at kalangitan.
Purihin nila ang pangalan ng Panginoon; sapagka't ang kaniyang pangalan magisa ay nabunyi: ang kaniyang kaluwalhatian ay nasa itaas ng lupa at mga langit.
14 Itinaas niya ang tambuli ng kaniyang bayan para sa pagpupuri mula sa kaniyang mga tapat na lingkod, mga Israelita, mga taong malapit sa kaniya. Purihin si Yahweh.
At itinaas niya ang sungay ng kaniyang bayan, ang papuri ng lahat niyang mga banal; sa makatuwid baga'y ng mga anak ni Israel, na bayang malapit sa kaniya. Purihin ninyo ang Panginoon.

< Mga Awit 148 >