< Mga Awit 147 >

1 Purihin si Yahweh! Mabuting umawit sa ating Diyos. Kasiya-siya at nararapat lang na gawin ito.
Lobet Jehova! Denn es ist gut, unseren Gott zu besingen; denn es ist lieblich, es geziemt sich Lobgesang.
2 Nawasak ang Jerusalem, pero tinutulungan tayo ni Yahweh na itayo ulit ito.
Jehova baut Jerusalem, die Vertriebenen Israels sammelt er.
3 Ibinabalik niya ang mga taong dinala sa ibang bayan. Pinalalakas niya ulit ang mga pinanghihinaan ng loob at pinagagaling ang kanilang mga sugat.
Der da heilt, die zerbrochenen Herzens sind, und ihre Wunden verbindet;
4 Siya ang lumikha ng mga bituin.
der da zählt die Zahl der Sterne, sie alle nennt mit Namen.
5 Dakila at makapangyarihan si Yahweh, at walang kapantay ang kaniyang karunungan.
Groß ist unser Herr, und groß an Macht; seiner Einsicht ist kein Maß.
6 Itinataas ni Yahweh ang mga inaapi, at ibinababa niya ang mga masasama.
Jehova hält aufrecht die Elenden; er erniedrigt bis zur Erde die Gesetzlosen.
7 Umawit kay Yahweh ng may pasasalamat; gamit ang alpa, umawit ng papuri para sa ating Diyos.
Stimmet Jehova einen Lobgesang an, singet Psalmen unserem Gott mit der Laute!
8 Tinatakpan niya ang kalangitan ng mga ulap at hinahanda ang ulan para sa lupa, na nagpapalago ng mga damo sa mga kabunkukan.
Ihm, der die Himmel mit Wolken bedeckt, der Regen bereitet für die Erde, der Gras sprossen läßt auf den Bergen;
9 Binibigyan niya ng pagkain ang mga hayop at mga inakay na uwak kapag (sila) ay umiiyak.
der dem Vieh sein Futter gibt, den jungen Raben, die da rufen.
10 Hindi siya humahanga sa bilis ng kabayo o nasisiyahan sa lakas ng binti ng isang tao.
Er hat nicht Lust an der Stärke des Rosses, noch Gefallen an den Beinen des Mannes;
11 Nasisiyahan si Yahweh sa mga nagpaparangal sa kaniya, sa mga umaasa sa katapatan niya sa tipan.
Jehova hat Gefallen an denen, die ihn fürchten, an denen, die auf seine Güte harren.
12 Purihin niyo si Yahweh, kayong mga mamamayan ng Jerusalem! Purihin niyo ang inyong Diyos, Sion.
Rühme, Jerusalem, Jehova! Lobe, Zion, deinen Gott!
13 Dahil pinalalakas niya ang rehas ng inyong mga tarangkahan, pinagpapala niya ang mga batang kasama ninyo.
Denn er hat befestigt die Riegel deiner Tore, hat deine Kinder gesegnet in deiner Mitte;
14 Pinagyayaman niya ang mga nasa loob ng inyong hangganan, pinasasaya niya kayo sa pamamagitan ng pinakamaiinam na trigo.
Er, der Frieden stellt in deine Grenzen, dich sättigt mit dem Fette des Weizens;
15 Pinadadala niya ang kaniyang kautusan sa mundo, dumadaloy ito nang maayos.
der seinen Befehl auf die Erde sendet: sehr schnell läuft sein Wort;
16 Ginagawa niyang parang nyebe ang lana, pinakakalat niya ang mga yelo na parang abo.
der Schnee gibt wie Wolle, Reif wie Asche streut;
17 Nagpapaulan siya ng yelo na parang mumo, sinong makatitiis ng ginaw na pinadala niya?
der sein Eis wirft wie Brocken: wer kann bestehen vor seinem Frost?
18 Ipinahahayag niya ang kaniyang utos at tinutunaw ito, pina-iihip niya ang hangin at pinadadaloy niya ang tubig.
Er sendet sein Wort und schmelzt sie; er läßt seinen Wind wehen: es rieseln die Wasser.
19 Ipinahayag niya ang kaniyang salita kay Jacob, ang mga alituntunin niya at makatuwirang mga utos sa Israel.
Er verkündet Jakob sein Wort, Israel seine Satzungen und seine Rechte.
20 Hindi niya ginawa ito sa ibang bayan, wala silang alam sa kaniyang mga utos. Purihin si Yahweh.
Keiner Nation hat er also getan; und die Rechte, sie haben sie nicht gekannt. Lobet Jehova!

< Mga Awit 147 >