< Mga Awit 147 >

1 Purihin si Yahweh! Mabuting umawit sa ating Diyos. Kasiya-siya at nararapat lang na gawin ito.
Chvalte Hospodina, nebo dobré jest zpívati žalmy Bohu našemu, nebo rozkošné jest, a ozdobná jest chvála.
2 Nawasak ang Jerusalem, pero tinutulungan tayo ni Yahweh na itayo ulit ito.
Stavitel Jeruzaléma Hospodin, rozptýlený lid Izraelský shromažďuje,
3 Ibinabalik niya ang mga taong dinala sa ibang bayan. Pinalalakas niya ulit ang mga pinanghihinaan ng loob at pinagagaling ang kanilang mga sugat.
Kterýž uzdravuje skroušené srdcem, a uvazuje bolesti jejich,
4 Siya ang lumikha ng mga bituin.
Kterýž sčítá počet hvězd, a každé z nich ze jména povolává.
5 Dakila at makapangyarihan si Yahweh, at walang kapantay ang kaniyang karunungan.
Velikýť jest Pán náš, a nesmírný v síle; rozumnosti jeho není počtu.
6 Itinataas ni Yahweh ang mga inaapi, at ibinababa niya ang mga masasama.
Pozdvihuje pokorných Hospodin, ale bezbožné snižuje až k zemi.
7 Umawit kay Yahweh ng may pasasalamat; gamit ang alpa, umawit ng papuri para sa ating Diyos.
Zpívejte Hospodinu s díkčiněním, zpívejte žalmy Bohu našemu na citaře,
8 Tinatakpan niya ang kalangitan ng mga ulap at hinahanda ang ulan para sa lupa, na nagpapalago ng mga damo sa mga kabunkukan.
Kterýž zastírá nebesa hustými oblaky, nastrojuje zemi déšť, a vyvodí trávu na horách.
9 Binibigyan niya ng pagkain ang mga hayop at mga inakay na uwak kapag (sila) ay umiiyak.
Kterýž dává hovadům potravu jejich, i mladým krkavcům, kteříž volají k němu.
10 Hindi siya humahanga sa bilis ng kabayo o nasisiyahan sa lakas ng binti ng isang tao.
Nemáť v síle koně zalíbení, aniž se kochá v lejtkách muže udatného.
11 Nasisiyahan si Yahweh sa mga nagpaparangal sa kaniya, sa mga umaasa sa katapatan niya sa tipan.
Líbost má Hospodin v těch, kteříž se ho bojí, a kteříž doufají v milosrdenství jeho.
12 Purihin niyo si Yahweh, kayong mga mamamayan ng Jerusalem! Purihin niyo ang inyong Diyos, Sion.
Chval, Jeruzaléme, Hospodina, chval Boha svého, Sione.
13 Dahil pinalalakas niya ang rehas ng inyong mga tarangkahan, pinagpapala niya ang mga batang kasama ninyo.
Nebo on utvrzuje závory bran tvých, požehnání udílí synům tvým u prostřed tebe.
14 Pinagyayaman niya ang mga nasa loob ng inyong hangganan, pinasasaya niya kayo sa pamamagitan ng pinakamaiinam na trigo.
On působí v končinách tvých pokoj, a bělí pšeničnou nasycuje tě.
15 Pinadadala niya ang kaniyang kautusan sa mundo, dumadaloy ito nang maayos.
On když vysílá na zemi rozkaz svůj, velmi rychle k vykonání běží slovo jeho.
16 Ginagawa niyang parang nyebe ang lana, pinakakalat niya ang mga yelo na parang abo.
Onť dává sníh jako vlnu, jíním jako popelem posýpá.
17 Nagpapaulan siya ng yelo na parang mumo, sinong makatitiis ng ginaw na pinadala niya?
Hází ledem svým jako skyvami; před zimou jeho kdo ostojí?
18 Ipinahahayag niya ang kaniyang utos at tinutunaw ito, pina-iihip niya ang hangin at pinadadaloy niya ang tubig.
Vysílaje slovo své, rozpouští je; hned jakž povane větrem svým, anť tekou vody.
19 Ipinahayag niya ang kaniyang salita kay Jacob, ang mga alituntunin niya at makatuwirang mga utos sa Israel.
Zvěstuje slovo své Jákobovi, ustanovení svá a soudy své Izraelovi.
20 Hindi niya ginawa ito sa ibang bayan, wala silang alam sa kaniyang mga utos. Purihin si Yahweh.
Neučinilť tak žádnému národu, a protož soudů jeho nepoznali. Halelujah.

< Mga Awit 147 >