< Mga Awit 144 >
1 Purihin si Yahweh, aking muog, na siyang nagsasanay ng aking mga kamay para sa digmaan at sa aking mga daliri para sa labanan.
David’s. Blessed be Yahweh, my Rock, who teacheth my hands to war, my fingers to fight:
2 Ikaw ang aking katapatan sa tipan at aking tanggulan, ang aking matayog na tore at siyang sumasagip sa akin, ang aking pananggalang at siyang aking kanlungan, na siyang nagpasuko ng mga bayan sa ilalim ko.
My lovingkindness and my stronghold, my high tower and my deliverer—mine! My buckler, and he in whom I have sought refuge, —He that subdueth my people under me.
3 Yahweh, ano ang tao na nakukuha niya ang iyong pansin o sa anak ng tao na iniisip mo ang tungkol sa kaniya?
O Yahweh! what is the earthborn, And yet thou hast acknowledged him, —the son of a mortal, And yet thou hast taken account of him:
4 Ang tao ay gaya ng isang hininga, ang kaniyang mga araw ay gaya ng isang dumaraang anino.
The earthborn, resembleth, a vapour, his days, are like a passing shadow.
5 Yahweh, palubugin mo ang kalangitan at bumaba ka; hawakan mo ang mga bundok at pausukin (sila)
O Yahweh! bow thy heavens and come down, Touch the mountains, that they smoke:
6 Magpadala ka ng mga kislap ng kidlat at bulabugin mo ang aking mga kaaway; pakawalan mo ang iyong palaso at ibalik (sila) sa kaguluhan.
Flash forth lightning, that thou mayest scatter them, Send out thine arrows, that thou mayest confound them:
7 Iabot mo ang iyong kamay mula sa itaas, sagipin mo ako sa maraming tubig mula sa mga kamay ng mga dayuhan.
Put forth thy hands from on high: —Snatch me away and rescue me out of mighty waters, out of the hand of the sons of the alien,
8 Ang kanilang mga bibig ay nagsisinungaling, at ang kanilang kanang kamay ay kabulaanan.
Whose mouth, hath spoken deceit, and, whose right hand, is a right hand of falsehood.
9 Ako ay aawit ng bagong awitin sa iyo, O Diyos; sa isang alpa na may sampung kwerdas, aawitan kita ng mga papuri.
O God! a new song, will I sing unto thee, —On a harp of ten strings, will I make music to thee:
10 Nagbigay ka ng kaligtasan sa mga hari; sinagip mo si David na iyong lingkod mula sa masamang espada.
Who giveth victory unto kings—Who snatcheth away David his servant, from the calamitous sword.
11 Sagipin mo ako at palayain mula sa mga kamay ng mga dayuhan. Ang kanilang mga bibig ay nagsisinungaling, at ang kanilang kanang kamay ay kabulaanan.
Snatch me away and rescue me out of he hand of the sons of the alien, —whose mouth hath spoken deceit, and, whose right hand, is a right hand of falsehood: —
12 Nawa ang aming mga anak na lalaki ay maging tulad ng halaman na lumago ng buong laki sa kanilang kabataan at ang mga anak na babae ay tulad ng inukit na sulok na poste, na may magandang hubog gaya ng mga nasa palasyo.
That, our sons, may be like plants well grown while yet young, —Our daughters, like corner pillars, —carved, in the construction of a palace:
13 Nawa ang ating kamalig ay mapuno ng sari-saring bunga, at ang ating tupa ay manganak ng libo-libo sa ating mga bukirin.
Our garners, full, pouring out from one kind to another; Our flocks, multiplying by thousands—by myriads, in our open fields:
14 Pagkatapos ang ating mga baka ay magkakaroon ng maraming anak. Walang sinuman ang makakasira ng ating mga pader; doon ay walang taong itatapon at hihiyaw sa aming mga lansangan.
Our oxen, well-laden; no breaking in and no departing, —and no loud lament in our places of concourse: —
15 Mapalad ang mga tao na may ganitong mga pagpapala; maligaya ang tao na ang Diyos ay si Yahweh.
How happy the people that is in such a case! How happy the people that hath Yahweh for its God!