< Mga Awit 143 >
1 Dinggin mo ang aking panalangin, Yahweh; makinig ka sa aking pagsamo. Dahil sa iyong katapatan at katuwiran, sagutin mo ako!
A Psalm of David. O LORD, hear my prayer. In Your faithfulness, give ear to my plea; in Your righteousness, answer me.
2 Huwag mong hatulan ang iyong lingkod, dahil walang matuwid sa iyong paningin.
Do not bring Your servant into judgment, for no one alive is righteous before You.
3 Hinangad ng kaaway ang aking kaluluwa; ako ay kaniyang ibinaon sa lupa; pinatira niya ako sa kadiliman tulad ng mga matagal ng namatay.
For the enemy has pursued my soul, crushing my life to the ground, making me dwell in darkness like those long since dead.
4 Ang aking espiritu ay nanglulupaypay; ang aking puso ay nawalan ng pag-asa.
My spirit grows faint within me; my heart is dismayed inside me.
5 Inalala ko ang nakalipas, nagnilay ako sa iyong mga gawa; nagmuni-muni ako sa iyong mga katagumpayan.
I remember the days of old; I meditate on all Your works; I consider the work of Your hands.
6 Itinataas ko ang aking mga kamay sa iyo sa panalangin; ang aking kaluluwa ay nananabik sa iyo sa isang tuyong lupain. (Selah)
I stretch out my hands to You; my soul thirsts for You like a parched land.
7 Yahweh, sumagot ka agad sa akin dahil ang aking espiritu ay nanghihina. Huwag mong itago ang iyong mukha sa akin, o ako ay magiging gaya ng mga bumaba sa hukay.
Answer me quickly, O LORD; my spirit fails. Do not hide Your face from me, or I will be like those who descend to the Pit.
8 Hayaan mong marinig ko ang iyong katapatan sa tipan sa umaga, dahil nagtitiwala ako sa iyo. Ipakita mo sa akin ang daan kung saan ako dapat lumakad, dahil itinataas ko ang aking kaluluwa sa iyo.
Let me hear Your loving devotion in the morning, for I have put my trust in You. Teach me the way I should walk, for to You I lift up my soul.
9 Sagipin mo ako mula sa aking mga kaaway, Yahweh; ako ay tumakas sa iyo para magtago.
Deliver me from my enemies, O LORD; I flee to You for refuge.
10 Turuan mo ako na gawin ang iyong kalooban dahil ikaw ang aking Diyos. Nawa ang iyong mabuting Espiritu ay pangunahan ako sa lupain ng katuwiran.
Teach me to do Your will, for You are my God. May Your good Spirit lead me on level ground.
11 Yahweh, para sa kapakanan ng ngalan mo, panatilihin mo akong buhay; sa iyong katuwiran ilayo mo ang aking kaluluwa sa kaguluhan.
For the sake of Your name, O LORD, revive me. In Your righteousness, bring my soul out of trouble.
12 Sa iyong katapatan sa tipan alisin mo ang aking mga kaaway at wasakin ang lahat ng mga kaaway ng aking buhay dahil ako ay iyong lingkod.
And in Your loving devotion, cut off my enemies. Destroy all who afflict me, for I am Your servant.