< Mga Awit 142 >
1 Gamit ang aking boses ako ay tumatawag kay Yahweh; nagsumamo ako gamit ang aking boses kay Yahweh.
Maschil of David, when he was in the cave; a Prayer. With my voice I cry unto the LORD; with my voice I make supplication unto the LORD.
2 Ibinuhos ko ang aking pagdadalamhati sa harap niya; sinabi ko sa kaniya ang aking mga kaguluhan.
I pour out my complaint before Him, I declare before Him my trouble;
3 Kapag nanghina ang aking espiritu, alam mo ang aking landas. Sa aking paglalakad (sila) ay nagtago ng patibong para sa akin.
When my spirit fainteth within me — Thou knowest my path — in the way wherein I walk have they hidden a snare for me.
4 Tumingin ako sa aking kanan at nakita na walang sinuman ang nagmamalasakit sa akin. Hindi na ako makakatakas; walang nag-aalala sa aking buhay.
Look on my right hand, and see, for there is no man that knoweth me; I have no way to flee; no man careth for my soul.
5 Ako ay tumawag sa iyo, Yahweh; at sinabi, “Ikaw ang aking kublihan, ang aking bahagi sa lupain ng mga buhay.
I have cried unto Thee, O LORD; I have said: 'Thou art my refuge, my portion in the land of the living.'
6 Makinig ka sa aking tawag, dahil napakalungkot ko; sagipin mo ako mula sa aking mga taga-usig, dahil (sila) ay mas malakas kaysa sa akin.
Attend unto my cry; for I am brought very low; deliver me from my persecutors; for they are too strong for me.
7 Ilabas mo ang aking kaluluwa mula sa kulungan para ako ay makapagpasalamat sa iyong pangalan. Ang matutuwid ay magtitipon sa aking paligid dahil ikaw ay naging mabuti sa akin.”
Bring my soul out of prison, that I may give thanks unto Thy name; the righteous shall crown themselves because of me; for Thou wilt deal bountifully with me.