< Mga Awit 141 >
1 Yahweh, ako ay tumatawag sa iyo; lumapit ka agad sa akin. Makinig ka sa akin kapag tumawag ako sa iyo.
Žalm Davidův. Hospodine, k toběť volám, pospěš ke mně; pozoruj hlasu mého, když tebe vzývám.
2 Nawa ang aking panalangin ay maging gaya ng insenso sa harapan mo; nawa ang nakataas kong mga kamay ay maging katulad ng alay sa gabi.
Budiž příjemná modlitba má, jako kadění před oblíčejem tvým, pozdvižení rukou mých, jako obět večerní.
3 Yahweh, maglagay ka ng isang bantay sa aking bibig; bantayan mo ang pintuan ng aking mga labi.
Polož, Hospodine, stráž ústům mým, ostříhej dveří rtů mých.
4 Huwag mong hayaan ang aking puso na magnais ng kahit anong masamang bagay o sumama sa makasalanang mga gawain kasama ang mga taong kumikilos ng masama. Nawa ang kanilang masarap na pagkain ay hindi ko kainin.
Nedopouštěj srdci mému uchýliti se ke zlé věci, k činění skutků bezbožných, s muži činícími nepravost, a abych nebyl přelouzen líbostmi jejich.
5 Hayaan mong saktan ako ng taong matuwid; ito ay isang kabutihan sa akin. Hayaan mo siyang itama ako; ito ay magiging gaya ng langis sa aking ulo; nawa hindi ito tanggihan ng aking ulo. Pero ang aking panalangin ay palaging laban sa mga gawa ng masasama.
Nechť mne bije spravedlivý, přijmu to za dobrodiní, a nechť tresce mne, bude mi to olej nejčistší, kterýž neprorazí hlavy mé, ale ještěť modlitba má platná bude proti zlosti jejich.
6 Ang kanilang mga pinuno ay ihuhulog mula sa itaas ng bangin; maririnig nila na aking sariling mga salita ay kaaya-aya.
Smetáni jsou do míst skalnatých soudcové jejich, aby slyšeli slova má, nebo jsou libá.
7 Kanilang sasabihin, “Gaya ng isang nag-aararo at nagbubungkal ng lupa, gayundin ang ating mga buto na kakalat sa bibig ng sheol.” (Sheol )
Jako když někdo roubá a štípá dříví na zemi, tak se rozletují kosti naše až k ústům hrobovým. (Sheol )
8 Tiyak na ang aking mga mata ay nasa iyo, Yahweh, Panginoon; sa iyo ako nagkukubli; huwag mong iwanan ang aking kaluluwa ng walang pagtatanggol.
Ale k toběť, Hospodine Pane, oči mé; v tebe doufám, nevylévej duše mé.
9 Pangalagaan mo ako mula sa mga bitag na kanilang inilatag para sa akin, mula sa mga patibong ng mga gumagawa ng masama.
Zachovej mne od osídla, kteréž mi roztáhli, a od sítek činících nepravost.
10 Hayaan mong mahulog ang masasama sa kanilang sariling lambat habang ako ay tumatakas.
Nechť padnou hromadně do sítek svých bezbožní, a já zatím přejdu.