< Mga Awit 140 >

1 Yahweh, sagipin mo ako mula sa masama; pangalagaan mo ako mula sa mararahas na mga tao.
In finem. Psalmus David. [Eripe me, Domine, ab homine malo; a viro iniquo eripe me.
2 Nagpaplano (sila) ng kasamaan sa kanilang mga puso; (sila) ang pasimuno ng hindi pagkakasundo araw-araw.
Qui cogitaverunt iniquitates in corde, tota die constituebant prælia.
3 Ang kanilang dila ay nakakasugat tulad ng mga ahas, ang lason ng ulupong ay nasa kanilang mga labi. (Selah)
Acuerunt linguas suas sicut serpentis; venenum aspidum sub labiis eorum.
4 Ilayo mo ako sa mga kamay ng masasama, Yahweh; pangalagaan mo ako sa mararahas na mga tao na nagpaplano na patumbahin ako.
Custodi me, Domine, de manu peccatoris, et ab hominibus iniquis eripe me. Qui cogitaverunt supplantare gressus meos:
5 Ang mapagmalaki ay naghanda ng patibong para sa akin; nagkalat (sila) ng lambat; naghanda (sila) ng silo para sa akin. (Selah)
absconderunt superbi laqueum mihi. Et funes extenderunt in laqueum; juxta iter, scandalum posuerunt mihi.
6 Sinabi ko kay Yahweh, “Ikaw ang aking Diyos; makinig ka sa aking mga paghingi ng awa.”
Dixi Domino: Deus meus es tu; exaudi, Domine, vocem deprecationis meæ.
7 Yahweh, aking Panginoon, ikaw ay malakas para magligtas; sa araw ng labanan nilagyan mo ng panangga ang aking ulo.
Domine, Domine, virtus salutis meæ, obumbrasti super caput meum in die belli.
8 Yahweh, huwag mong ipagkaloob ang nais ng masasama; huwag mong hayaan ang kanilang mga plano na magtagumpay. (Selah)
Ne tradas me, Domine, a desiderio meo peccatori: cogitaverunt contra me; ne derelinquas me, ne forte exaltentur.
9 Silang mga nakapalibot sa akin ay itiningala ang kanilang mga ulo; hayaan mo silang tabunan ng kalokohan ng kanilang labi.
Caput circuitus eorum: labor labiorum ipsorum operiet eos.
10 Hayaan mong bumagsak ang nagbabagang mga uling sa kanila; itapon mo (sila) sa apoy, sa napakalalim na hukay, na hindi na kailanman makakabangon.
Cadent super eos carbones; in ignem dejicies eos: in miseriis non subsistent.
11 Nawa ang sinumang nagsasabi ng masasamang mga bagay tungkol sa iba ay hindi mailigtas sa mundo; nawa hanapin ng kasamaan ang mararahas para ibagsak siya.
Vir linguosus non dirigetur in terra; virum injustum mala capient in interitu.
12 Alam kong si Yahweh ang magpapanatili ng kapakanan ng mga nasaktan, at siyang magpapatuloy ng katarungan para sa mga nangangailangan.
Cognovi quia faciet Dominus judicium inopis, et vindictam pauperum.
13 Tiyak na ang mga makatuwiran ay magpapasalamat sa ngalan mo; ang matutuwid na mga tao ay mamumuhay sa iyong presensya.
Verumtamen justi confitebuntur nomini tuo, et habitabunt recti cum vultu tuo.]

< Mga Awit 140 >