< Mga Awit 138 >
1 Magpapasalamat ako sa iyo ng buong puso; aawitan kita ng mga papuri sa harap ng mga diyos-diyosan.
A Psalm for David, of Aggaeus and Zacharias. I will give you thanks, O Lord, with my whole heart; and I will sing psalms to you before the angels; for you have heard all the words of my mouth.
2 Luluhod ako sa iyong banal na templo at magpapasalamat sa iyong ngalan para sa katapatan sa tipan at sa iyong pagiging mapagkakatiwalaan. Dinakila mo ang iyong salita at iyong pangalan higit sa lahat.
I will worship towards your holy temple, and give thanks to your name, on account of your mercy and your truth; for you have magnified your holy name above every thing.
3 Sa araw na tumawag ako sa iyo, sinagot mo ako; pinalakas mo ang aking loob at ang aking kaluluwa.
In whatever day I shall call upon you, hear me speedily; you shall abundantly provide me with your power in my soul.
4 Yahweh, lahat ng hari sa mundo ay magpapasalamat sa iyo dahil maririnig nila ang mga salita ng iyong bibig.
Let all the kings of the earth, o Lord, give thanks to you; for they have heard all the words of your mouth.
5 Tunay nga na aawitin nila ang mga ginawa ni Yahweh, dahil dakila ang kaluwalhatian ni Yahweh.
And let them sing in the ways of the Lord; for great is the glory of the Lord.
6 Kahit na mataas si Yahweh, sa mga mabababa siya nag-aaruga, pero malayo sa kaniya ang mga mapagmalaki.
For the Lord is high, and [yet] regards the lowly; and he knows high things from afar off.
7 Kahit na lumakad ako sa kalagitnaan ng kapamahakan, pangangalagaan mo ang aking buhay; iuunat mo ang iyong kamay laban sa galit ng aking mga kaaway, at ililigtas ako ng iyong kanang kamay.
Though I should walk in the midst of affliction, you will quicken me; you have stretched forth your hands against the wrath of mine enemies, and your right hand has saved me.
8 Kasama ko si Yahweh hanggang sa huli; Yahweh panatilihin mo ang iyong katapatan sa tipan magpakailanman; huwag mong pabayaan ang mga nilikha ng iyong mga kamay.
O Lord, you shall recompense [them] on my behalf: your mercy, O Lord, [endures] for ever: overlook not the works of your hands.