< Mga Awit 137 >

1 Kami ay naupo sa tabi ng ilog ng Babilonia at umiyak nang aming naisip ang tungkol sa Sion.
Vid de älfver i Babel såte vi och grete, då vi på Zion tänkte.
2 Sa mga puno ng alamo namin isinabit ang aming mga alpa.
Våra harpor hängde vi på pilträ, som der äro.
3 Doon ang aming mga manlulupig ay pinakanta kami, at silang mga nangutya sa amin ay inatasan kaming maging masaya, sinasabing, “Awitan niyo kami ng isa sa mga awit ng Sion.”
Ty der bådo de oss sjunga, som oss fångna höllo, och i vår gråt glade vara: Sjunger oss ena af Zions Visor.
4 Paano kami makakakanta ng isang awitin tungkol kay Yahweh sa isang dayuhang lupain?
Huru skulle vi sjunga Herrans viso i främmande land?
5 Jerusalem, kung aking babalewalain ang alaala mo, hayaan mo ang aking kanang kamay na makalimutan ang kaniyang kakayahan.
Om jag förgäter dig, Jerusalem, så varde min högra hand förgäten.
6 Hayaan mo ang aking dila na kumapit sa aking ngalangala kung hindi na kita muling iisipin pa, kung hindi ko gugustuhin na ang Jerusalem ang maging aking pinakadakilang kasiyahan.
Min tunga låde vid min gom, om jag icke tänker uppå dig; om jag icke låter Jerusalem min högsta glädje vara.
7 Alalahanin mo, Yahweh, kung ano ang ginawa ng mga Edomita noong araw na bumagsak ang Jerusalem. Sinabi nila, “Wasakin ito, wasakin ito hanggang sa pundasyon nito.”
Herre, mins uppå Edoms barn, på Jerusalems dag; de der säga: Slår ned, slår ned i grund.
8 Anak na babae ng Babilonia, na malapit na ang pagkawasak— nawa ang tao ay pagpalain, kung sinuman ang magbalik ng kabayaran sa kung ano ang iyong ginawa sa amin.
Du förstörda dotter Babel, säll är den dig vedergäller, såsom du oss gjort hafver.
9 Nawa ang taong iyon ay pagpalain, sinuman ang kumuha at nagpira-piraso ng inyong maliliit na anak sa bato.
Säll är den, som dina unga barn tager, och slår dem emot stenen.

< Mga Awit 137 >