< Mga Awit 137 >

1 Kami ay naupo sa tabi ng ilog ng Babilonia at umiyak nang aming naisip ang tungkol sa Sion.
Apud la riveroj de Babel Ni sidis kaj ploris, Rememorante Cionon.
2 Sa mga puno ng alamo namin isinabit ang aming mga alpa.
Sur la salikoj tie Ni pendigis niajn harpojn.
3 Doon ang aming mga manlulupig ay pinakanta kami, at silang mga nangutya sa amin ay inatasan kaming maging masaya, sinasabing, “Awitan niyo kami ng isa sa mga awit ng Sion.”
Ĉar tie niaj kaptintoj postulis de ni kantojn, Kaj niaj mokantoj ĝojon, dirante: Kantu al ni el la kantoj de Cion.
4 Paano kami makakakanta ng isang awitin tungkol kay Yahweh sa isang dayuhang lupain?
Kiel ni kantos sur fremda tero La kanton de la Eternulo?
5 Jerusalem, kung aking babalewalain ang alaala mo, hayaan mo ang aking kanang kamay na makalimutan ang kaniyang kakayahan.
Se mi forgesos vin, ho Jerusalem, Tiam forgesiĝu mia dekstra mano;
6 Hayaan mo ang aking dila na kumapit sa aking ngalangala kung hindi na kita muling iisipin pa, kung hindi ko gugustuhin na ang Jerusalem ang maging aking pinakadakilang kasiyahan.
Algluiĝu mia lango al mia palato, Se mi vin ne memoros, Se mi ne levos Jerusalemon en la supron de miaj ĝojoj.
7 Alalahanin mo, Yahweh, kung ano ang ginawa ng mga Edomita noong araw na bumagsak ang Jerusalem. Sinabi nila, “Wasakin ito, wasakin ito hanggang sa pundasyon nito.”
Rememorigu, ho Eternulo, al la filoj de Edom La tagon de Jerusalem, kiam ili diris: Detruu, detruu ĝis ĝia fundamento.
8 Anak na babae ng Babilonia, na malapit na ang pagkawasak— nawa ang tao ay pagpalain, kung sinuman ang magbalik ng kabayaran sa kung ano ang iyong ginawa sa amin.
Ho ruinigema filino de Babel! Bone estos al tiu, Kiu repagos al vi por la faro, kiun vi faris al ni.
9 Nawa ang taong iyon ay pagpalain, sinuman ang kumuha at nagpira-piraso ng inyong maliliit na anak sa bato.
Bone estos al tiu, Kiu prenos kaj frakasos viajn infanetojn sur ŝtono.

< Mga Awit 137 >