< Mga Awit 134 >
1 Halikayo, pagpalain si Yawheh, lahat kayong mga lingkod ni Yahweh, kayong mga naglilingkod sa tahanan ni Yahweh tuwing gabi.
Narito, purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na lingkod ng Panginoon. Ninyong nagsisitayo sa kinagabihan sa bahay ng Panginoon.
2 Itaas ninyo ang inyong mga kamay sa banal na lugar at pagpalain si Yahweh.
Itaas ninyo ang inyong mga kamay sa dakong santuario, at purihin ninyo ang Panginoon.
3 Nawa pagpalain kayo ni Yahweh mula sa Sion, siya na gumawa ng langit at lupa.
Pagpalain ka nawa ng Panginoon mula sa Sion; sa makatuwid baga'y niyaong gumawa ng langit at lupa.