< Mga Awit 132 >
1 Yahweh, para sa kapakanan ni David alalahanin mo ang lahat ng kaniyang paghihirap.
Canticum graduum. Memento, Domine, David, et omnis mansuetudinis ejus:
2 Alalahanin mo kung paano siya nangako kay Yahweh, paano siya namanata sa Makapangyarihang Diyos ni Jacob.
sicut juravit Domino; votum vovit Deo Jacob:
3 Sinabi niya, “Hindi ako papasok sa aking bahay o pupunta sa aking higaan,
Si introiero in tabernaculum domus meæ; si ascendero in lectum strati mei;
4 hindi ko bibigyan ng tulog ang aking mga mata o pagpapahingahin ang aking mga talukap
si dedero somnum oculis meis, et palpebris meis dormitationem,
5 hanggang mahanap ko ang lugar para kay Yahweh, isang tabernakulo para sa Makapangyarihang Diyos ni Jacob.”
et requiem temporibus meis, donec inveniam locum Domino, tabernaculum Deo Jacob.
6 Tingnan mo, narinig namin ang tungkol dito sa Efrata; natagpuan namin ito sa bukirin ng Jaar.
Ecce audivimus eam in Ephrata; invenimus eam in campis silvæ.
7 Pupunta kami sa tabernakulo ng Diyos; sasamba kami sa kaniyang tuntungan.
Introibimus in tabernaculum ejus; adorabimus in loco ubi steterunt pedes ejus.
8 Bumangon ka Yahweh; pumunta ka sa lugar ng iyong kapahingahan.
Surge, Domine, in requiem tuam, tu et arca sanctificationis tuæ.
9 Nawa ang iyong mga pari ay madamitan ng katapatan; nawa ang siyang tapat sa iyo ay sumigaw para sa kagalakan.
Sacerdotes tui induantur justitiam, et sancti tui exsultent.
10 Para sa kapakanan ng iyong lingkod na si David, huwag kang tumalikod mula sa hinirang mong hari.
Propter David servum tuum non avertas faciem christi tui.
11 Nangako si Yahweh na magiging matapat kay David; hindi siya tatalikod mula sa kaniyang pangako: “Ilalagay ko ang isa sa iyong mga kaapu-apuhan sa iyong trono.
Juravit Dominus David veritatem, et non frustrabitur eam: De fructu ventris tui ponam super sedem tuam.
12 Kung pananatilihin ng iyong mga anak ang aking tipan at ang mga batas na ituturo ko sa kanila, ang kanilang mga anak ay mauupo rin sa iyong trono magpakailanman.”
Si custodierint filii tui testamentum meum, et testimonia mea hæc quæ docebo eos, et filii eorum usque in sæculum sedebunt super sedem tuam.
13 Totoong pinili ni Yahweh ang Sion; siya ay ninais niya para sa kaniyang upuan.
Quoniam elegit Dominus Sion: elegit eam in habitationem sibi.
14 Ito ang aking lugar ng kapahingahan magpakailanman; mamumuhay ako rito, dahil ninais ko siya.
Hæc requies mea in sæculum sæculi; hic habitabo, quoniam elegi eam.
15 Pagpapalain ko siya ng masaganang pagpapala; Papawiin ko ang kaniyang kahirapan sa pamamagitan ng tinapay.
Viduam ejus benedicens benedicam; pauperes ejus saturabo panibus.
16 Dadamitan ko ang kaniyang mga pari ng kaligtasan; ang mga tapat sa kaniya ay sisigaw ng malakas para sa kagalakan.
Sacerdotes ejus induam salutari, et sancti ejus exsultatione exsultabunt.
17 Doon palalakihin ko ang sungay ni David; inilagay ko ang lampara doon para sa hinirang ko.
Illuc producam cornu David; paravi lucernam christo meo.
18 Dadamitan ko ang kaniyang mga kaaway na may kahihiyan, pero ang kaniyang korona ay magniningning.
Inimicos ejus induam confusione; super ipsum autem efflorebit sanctificatio mea.