< Mga Awit 131 >

1 Yahweh, ang aking puso ay hindi nagmamalaki o aking mga mata ay hindi nagmamataas, wala akong matataas na pangarap para sa aking sarili o pag-aalala sa mga bagay na hindi ko naaabot.
A Song of degrees of David. LORD, my heart [is] not haughty, nor my eyes lofty: neither do I exercise myself in great matters, or in things too high for me.
2 Tunay nga na pinanatili ko at pinatahimik ang aking kaluluwa; tulad ng batang nawalay na sa kaniyang ina, ang aking kaluluwa ay nasa loob ko tulad ng isang batang nawalay na.
Surely I have behaved and quieted myself as a child that is weaned by his mother: my soul [is] even as a weaned child.
3 Israel, umasa ka kay Yahweh ngayon at magpakailanman.
Let Israel hope in the LORD from henceforth and for ever.

< Mga Awit 131 >