< Mga Awit 13 >

1 Yahweh, gaano katagal mong kalilimutan ang tungkol sa akin? Gaano katagal mo itatago ang iyong mukha sa akin?
For the Chief Musician. A Psalm of David. How long, O LORD, wilt thou forget me for ever? how long wilt thou hide thy face from me?
2 Gaano katagal ako dapat mag-alala at magkaroon ng kalungkutan sa aking puso sa buong araw? Gaano katagal magtatagumpay ang aking mga kaaway?
How long shall I take counsel in my soul, having sorrow in my heart all the day? how long shall mine enemy be exalted over me?
3 Tumingin ka sa akin at sagutin mo ako, Yahweh aking Diyos! Paliwanagin ang aking mga mata, o ako ay matutulog sa kamatayan.
Consider [and] answer me, O LORD my God: lighten mine eyes, lest I sleep the [sleep of] death;
4 Huwag mong hayaan na sabihin ng aking kaaway, “Natalo ko siya”, para ang aking kaaway ay hindi magsabing, “Ako ay nanaig sa aking kalaban”; kung hindi, ang aking mga kaaway ay magdiriwang kapag ako ay bumagsak.
Lest mine enemy say, I have prevailed against him; [lest] mine adversaries rejoice when I am moved.
5 Pero nagtiwala ako sa katapatan mo sa tipan; ang aking puso ay nagagalak sa iyong kaligtasan.
But I have trusted in thy mercy; my heart shall rejoice in thy salvation:
6 Aawit ako kay Yahweh dahil pinakitunguhan niya ako nang mabuti.
I will sing unto the LORD, because he hath dealt bountifully with me.

< Mga Awit 13 >