< Mga Awit 129 >

1 “Mula pa ng aking kabataan madalas akong lusubin nila,” hayaang sabihin ng Israel.
Madalas na ako'y dinalamhati nila mula sa aking kabataan, sabihin ngayon ng Israel,
2 “Mula pa ng aking kabataan, nilusob nila ako, pero hindi nila ako natalo.
Madalas na ako'y dinalamhati nila mula sa aking kabataan: gayon ma'y hindi (sila) nanganaig laban sa akin.
3 Inararo ng mga mang-aararo ang aking likuran; gumawa (sila) ng mahabang ukit na daan.
Ang mga mangaararo ay nagsiararo sa aking likod; kanilang pinahaba ang kanilang bungkal.
4 Si Yahweh ay matuwid, pinutol niya ang mga lubid ng masama.”
Ang Panginoon ay matuwid: kaniyang pinutol ang mga panali ng masama.
5 Nawa malagay silang lahat sa kahihiyan at tumalikod silang mga napopoot sa Sion.
Mapahiya (sila) at magsitalikod, silang lahat na nangagtatanim ng loob sa Sion.
6 Nawa maging tulad (sila) ng mga damo na nasa bubungan na nalalanta bago pa ito lumago,
Sila'y maging parang damo sa mga bubungan, na natutuyo bago lumaki:
7 na hindi na maaaring punuin ang kamay ng manggagapas o ang dibdib nilang nagtatali ng mga bungkos.
Na hindi pinupuno ng manggagapas ang kaniyang kamay niyaon, ni siyang nagtatali man ng mga bigkis, ang kaniyang sinapupunan.
8 Nawa huwag sabihin ng mga dumadaan, “Nawa ang pagpapala ni Yahweh ay sumainyo; pinagpapala namin kayo sa pangalan ni Yahweh.”
Hindi man sinasabi ng nagsisipagdaan, ang pagpapala ng Panginoon, ay sumainyo nawa; binabasbasan namin kayo sa pangalan ng Panginoon.

< Mga Awit 129 >