< Mga Awit 129 >

1 “Mula pa ng aking kabataan madalas akong lusubin nila,” hayaang sabihin ng Israel.
שיר המעלות רבת צררוני מנעורי-- יאמר-נא ישראל
2 “Mula pa ng aking kabataan, nilusob nila ako, pero hindi nila ako natalo.
רבת צררוני מנעורי גם לא-יכלו לי
3 Inararo ng mga mang-aararo ang aking likuran; gumawa (sila) ng mahabang ukit na daan.
על-גבי חרשו חרשים האריכו למענותם (למעניתם)
4 Si Yahweh ay matuwid, pinutol niya ang mga lubid ng masama.”
יהוה צדיק קצץ עבות רשעים
5 Nawa malagay silang lahat sa kahihiyan at tumalikod silang mga napopoot sa Sion.
יבשו ויסגו אחור-- כל שנאי ציון
6 Nawa maging tulad (sila) ng mga damo na nasa bubungan na nalalanta bago pa ito lumago,
יהיו כחציר גגות-- שקדמת שלף יבש
7 na hindi na maaaring punuin ang kamay ng manggagapas o ang dibdib nilang nagtatali ng mga bungkos.
שלא מלא כפו קוצר וחצנו מעמר
8 Nawa huwag sabihin ng mga dumadaan, “Nawa ang pagpapala ni Yahweh ay sumainyo; pinagpapala namin kayo sa pangalan ni Yahweh.”
ולא אמרו העברים-- ברכת-יהוה אליכם ברכנו אתכם בשם יהוה

< Mga Awit 129 >