< Mga Awit 128 >
1 Mapalad ang lahat ng nagpaparangal kay Yahweh, siyang lumalakad sa kaniyang kaparaanan.
BLESSED is every one that feareth the Lord; that walketh in his ways.
2 Kung ano ang ibinigay ng iyong mga kamay, ikaw ay masisiyahan; ikaw ay pagpapalain at mananagana.
For thou shalt eat the labour of thine hands: happy shalt thou be, and it shall be well with thee.
3 Ang iyong asawang babae ay tulad ng mabungang ubasan sa iyong tahanan; at ang iyong mga anak ay magiging tulad ng tanim ng olibo habang (sila) ay nakaupo sa palibot sa iyong lamesa.
Thy wife shall be as a fruitful vine by the sides of thine house: thy children like olive plants round about thy table.
4 Oo, tunay nga, ang tao ay pagpapalain, siyang nagpaparangal kay Yahweh.
Behold, that thus shall the man be blessed that feareth the Lord.
5 Nawa pagpalain ka ni Yahweh mula sa Sion; nawa makita mo ang kasaganahan ng Jerusalem sa lahat ng araw ng iyong buhay.
The Lord shall bless thee out of Zion: and thou shalt see the good of Jerusalem all the days of thy life.
6 Nawa mabuhay ka para makita ang anak ng iyong mga anak. Kapayapaan nawa ang makamtan ng Israel.
Yea, thou shalt see thy children’s children, and peace upon Israel.