< Mga Awit 127 >
1 Maliban na lang kung si Yahweh ang magtatayo ng bahay, walang saysay ang trabaho ng mga nagtayo nito. Maliban na lang na si Yahweh ang magbabantay ng lungsod, walang saysay ang pagbabantay ng mga tagapagbantay nito.
A song of ascents. Of Solomon. Unless the Lord builds the house, those who build it labour in vain. Unless the Lord guards the city, the watchman wakes in vain.
2 Walang saysay na ikaw ay gumising ng maaga at umuwi nang gabing-gabi, o kainin ang tinapay na pinaghirapan, dahil si Yahweh ang nagbibigay ng pinakaaasam na tulog.
In vain you rise early, and finish so late, and so eat sorrow’s bread; for he cares for his loved ones in their sleep.
3 Masdan mo, ang mga bata ay isang pamana mula kay Yahweh at ang bunga ng sinapupunan ay isang gantimpala mula sa kaniya.
Children are a gift of the Lord, the fruit of the womb, a reward.
4 Tulad ng mga palaso sa kamay ng isang mandirigma, gayundin ang mga anak ng iyong kabataan.
Like arrows wielded by warriors, are the children of youth.
5 Mapalad ang taong puno ang kaniyang talangga ng palaso. Hindi siya malalagay sa kahihiyan kapag hinarap niya ang kaniyang mga kaaway sa tarangkahan.
Happy the man who has filled his quiver full of them. He will not be ashamed when he speaks with enemies in the gate.