< Mga Awit 120 >

1 Sa aking kahirapan tumawag ako kay Yahweh, at sinagot niya ako.
שִׁ֗יר הַֽמַּ֫עֲל֥וֹת אֶל־יְ֭הוָה בַּצָּרָ֣תָה לִּ֑י קָ֝רָ֗אתִי וַֽיַּעֲנֵֽנִי׃
2 Iligtas mo ang aking buhay, O Yahweh, mula sa mga sinungaling na labi at mula sa mandarayang dila.
יְֽהוָ֗ה הַצִּ֣ילָה נַ֭פְשִׁי מִשְּׂפַת־שֶׁ֑קֶר מִלָּשׁ֥וֹן רְמִיָּֽה׃
3 Paano ka niya parurusahan, at ano pa ang magagawa sa iyo, ikaw na may sinungaling na dila?
מַה־יִּתֵּ֣ן לְ֭ךָ וּמַה־יֹּסִ֥יף לָ֗ךְ לָשׁ֥וֹן רְמִיָּֽה׃
4 Papanain ka niya ng matalim na mga pana ng mandirigma, kung saan hinulma sa mainit na mga uling ng puno ng tambo.
חִצֵּ֣י גִבּ֣וֹר שְׁנוּנִ֑ים עִ֝֗ם גַּחֲלֵ֥י רְתָמִֽים׃
5 Kaawaan ako dahil pansamantala akong naninirahan sa Mesech; nanirahan ako dati sa mga tolda ng Kedar.
אֽוֹיָה־לִ֭י כִּי־גַ֣רְתִּי מֶ֑שֶׁךְ שָׁ֝כַ֗נְתִּי עִֽם־אָהֳלֵ֥י קֵדָֽר׃
6 Matagal akong nanirahan kasama silang napopoot sa kapayapaan.
רַ֭בַּת שָֽׁכְנָה־לָּ֣הּ נַפְשִׁ֑י עִ֝֗ם שׂוֹנֵ֥א שָׁלֽוֹם׃
7 Ako ay para sa kapayapaan, pero kapag ako ay nagsasalita, (sila) ay para sa digmaan.
אֲֽנִי־שָׁ֭לוֹם וְכִ֣י אֲדַבֵּ֑ר הֵ֝֗מָּה לַמִּלְחָמָֽה׃

< Mga Awit 120 >