< Mga Awit 119 >

1 Mapalad silang malinis ang mga kaparaanan, silang lumalakad ayon sa batas ni Yahweh.
Salige äro de som utan vank lefva, de som i Herrans lag vandra.
2 Mapalad silang pinapanatili ang kaniyang banal na mga kautusan, silang buong pusong naghahanap sa kaniya.
Salige äro de som hans vittnesbörd hålla; de som af allo hjerta söka honom.
3 Wala silang ginagawang kamalian; lumalakad (sila) sa kaniyang mga kaparaanan.
Ty de som på hans vägom vandra, de göra intet ondt.
4 Inutusan mo kaming ingatan ang iyong mga tagubilin para masunod namin ito nang mabuti.
Du hafver budit, att hålla dina befallningar fliteliga.
5 O, tatatag ako sa pagsunod sa iyong mga alituntunin!
O! att mitt lif hölle dina rätter med fullt allvar.
6 Pagkatapos, hindi ako malalagay sa kahihiyan kapag iniisip ko ang lahat ng iyong mga kautusan.
När jag skådar uppå all din bud, så kommer jag icke på skam.
7 Taos-puso akong magpapasalamat sa iyo kapag ang matuwid mong mga utos ay natutunan ko.
Jag tackar dig af rätt hjerta, att du lärer mig dina rättfärdighets rätter.
8 Susundin ko ang iyong mga alituntunin; huwag mo akong iwanang nag-iisa. BETH
Dina rätter vill jag hålla; öfvergif mig dock aldrig.
9 Paano pananatilihing dalisay ng isang kabataan ang kaniyang landas? Sa pamamagitan ng pagsunod sa iyong salita.
Huru skall en yngling sin väg ostraffeliga gå? När han håller sig efter din ord.
10 Busong puso kitang hahanapin; huwag mo akong hayaang malihis mula sa iyong mga kautusan.
Jag söker dig af allo hjerta; Låt mig icke fela om din bud.
11 Iningatan ko ang iyong salita sa aking puso para hindi ako magkasala laban sa iyo.
Jag behåller din ord i mitt hjerta, på det jag icke skall synda emot dig.
12 Purihin ka, O Yahweh; ituro mo sa akin ang iyong mga alituntunin.
Lofvad vare du, Herre; lär mig dina rätter.
13 Ipinahayag ng aking bibig ang lahat nang matuwid na utos na ipinakita mo.
Jag vill med mina läppar förtälja alla dins muns rätter.
14 Nagagalak ako sa paglakad sa mga utos mo sa tipan higit pa sa lahat ng kayamanan.
Jag fröjdar mig af dins vittnesbörds väg, såsom af allahanda rikedomar.
15 Pagninilayan ko ang iyong mga tagubilin at bibigyang-pansin ang mga kaparaanan mo.
Jag talar det du befallt hafver, och ser på dina vägar.
16 Nasisiyahan ako sa iyong mga alituntunin; salita mo ay hindi ko kalilimutan. GIMEL.
Jag hafver lust till dina rätter, och förgäter icke din ord.
17 Maging mabuti ka sa iyong lingkod para mabuhay ako at mapanatili ang iyong salita.
Gör väl med din tjenare, att jag må lefva och hålla din ord.
18 Buksan mo ang aking mga mata para makita ko sa batas mo ang mga kahanga-hangang bagay.
Öppna mig ögonen, att jag må se under i din lag.
19 Isa akong dayuhan sa lupain, huwag mong itago ang mga kautusan mo sa akin.
Jag är en gäst på jordene; fördölj icke din bud för mig.
20 Dinudurog ang mga nasa ko ng pananabik na malaman ang matuwid mong mga utos sa lahat ng oras.
Min själ är all sönderkrossad för trängtans skull, efter dina rätter alltid.
21 Itinutuwid mo ang mga mapagmataas, ang mga isinumpa at ang mga naligaw mula sa iyong mga kautusan.
Du näpser de stolta; förbannade äro de som vika ifrå din bud.
22 Ilayo mo ako mula sa kahihiyan at panghahamak dahil sinunod ko ang mga utos mo sa tipan.
Vänd ifrå mig försmädelse och föraktelse; ty jag håller din vittnesbörd.
23 Kahit na pinagpaplanuhan ako ng masama at sinisiraan ng mga namumuno, pinag-iisipan nang mabuti ng lingkod mo ang iyong mga alituntunin.
Sitta ock Förstarna och tala emot mig; men din tjenare talar om dina rätter.
24 Ang mga utos mo sa tipan ang kasiyahan ko, at ito ang aking mga tagapayo. DALETH
Jag hafver lust till din vittnesbörd; de äro mine rådgifvare.
25 Nakakapit sa alabok ang buhay ko! Bigyan mo ako ng buhay sa pamamagitan ng salita mo.
Min själ ligger i stoft; vederqvick mig efter ditt ord.
26 Sinabi ko sa iyo ang aking mga kaparaanan at tinugon mo ako; ituro mo sa akin ang iyong mga alituntunin.
Jag förtäljer mina vägar, och du bönhörer mig; lär mig dina rätter.
27 Ipaunawa mo sa akin ang mga kaparaanan ng mga tagubilin mo, para mapag-isipan ko nang mabuti ang mga kamangha-manghang katuruan mo.
Undervisa mig dina befallningars väg, så vill jag tala om din under.
28 Tinabunan ako ng kalungkutan! Palakasin mo ako sa pamamagitan ng iyong salita.
Jag grämer mig så att hjertat mig försmäktas; styrk mig efter ditt ord.
29 Ilayo mo ako sa landas ng pandaraya; magiliw mong ituro sa akin ang iyong batas.
Vänd ifrå mig den falska vägen, och unna mig din lag.
30 Pinili ko ang landas ng katapatan; lagi kong ginagawa ang matuwid mong mga utos.
Jag hafver utvalt sanningenes väg; dina rätter hafver jag mig föresatt.
31 Kumakapit ako sa mga utos mo sa tipan; huwag mo akong hayaang mapahiya, Yahweh.
Jag håller mig intill din vittnesbörd; Herre, låt mig icke på skam komma.
32 Tatakbo ako sa landas ng mga kautusan mo dahil pinataba mo ang aking puso na gawin ito. HE.
När du mitt hjerta tröstar, så löper jag dins buds väg.
33 Ituro mo, Yahweh, ang pamamaraan ng iyong mga alituntunin, at iingatan ko ang mga ito hanggang sa katapusan.
Lär mig, Herre, dina rätters väg, att jag må bevara dem intill ändan.
34 Bigyan mo ako ng pang-unawa at iingatan ko ang iyong utos; buong puso ko itong susundin.
Undervisa mig, att jag må bevara din lag, och hålla dem af allo hjerta.
35 Gabayan mo ako sa landas ng mga kautusan mo dahil nasisiyahan akong lumakad dito.
För mig in på din buds stig, ty jag hafver der lust till.
36 Akayin mo ang aking puso sa iyong tipan at ilayo mula sa mga bagay na hindi makatuwiran.
Böj mitt hjerta till din vittnesbörd, och icke till girighet.
37 Ibaling mo ang aking mga mata mula sa pagtingin sa mga bagay na walang halaga; pasiglahin mo ako sa mga kaparaanan mo.
Vänd bort min ögon, att de icke se efter onyttig läro; utan vederqvick mig på dinom väg.
38 Tuparin mo alang-alang sa iyong lingkod ang mga pangakong ginawa mo para sa mga nagpaparangal sa iyo.
Låt din tjenare hålla din bud stadeliga för din ord, att jag må frukta dig.
39 Alisin mo sa akin ang mga panlalait na kinatatakutan ko, dahil mabuti ang matuwid mong paghatol.
Vänd ifrå mig den försmädelse, som jag fruktar; ty dine rätter äro lustige.
40 Tingnan mo, nananabik ako para sa iyong tagubilin; panatilihin mo akong buhay sa pamamagitan ng iyong matuwid na pagpapalaya. VAV.
Si, jag begärar dina befallningar; vederqvick mig med dine rättfärdighet.
41 Iparanas mo sa akin, Yahweh, ang pag-ibig mong hindi nagmamaliw— ang kaligtasan mo ayon sa iyong pangako;
Herre, låt mig vederfaras dina nåd; dina hjelp efter ditt ord;
42 para may itutugon ako sa mga nangungutya sa akin, dahil nagtitiwala ako sa iyong salita.
Att jag mina lastare svara må; ty jag förlåter mig uppå ditt ord.
43 Huwag mong alisin sa aking bibig ang salita ng katotohanan, dahil naghintay ako para sa matuwid mong mga utos.
Och tag ju icke ifrå minom mun sanningenes ord; ty jag hoppas uppå dina rätter.
44 Patuloy kong susundin ang iyong batas magpakailanpaman.
Jag vill hålla din lag allstädes, alltid och evinnerliga.
45 Maglalakad ako nang ligtas, dahil hinahanap ko ang iyong mga tagubilin.
Och jag vandrar i glädje; ty jag söker dina befallningar.
46 Magsasalita ako tungkol sa mga banal mong utos sa harap ng mga hari at hindi mahihiya.
Jag talar om din vittnesbörd inför Konungar, och blyges intet;
47 Nasisiyahan ako sa iyong mga kautusan, na lubos kong minamahal.
Och hafver lust till din bud, och de äro mig käre;
48 Itataas ko ang aking mga kamay sa iyong mga kautusan, na aking minamahal. Pag-iisipan kong mabuti ang iyong mga alituntunin. ZAYIN.
Och lyfter mina händer upp till din bud, de mig kär äro; och talar om dina rätter.
49 Alalahanin mo ang mga ipinangako mo sa iyong lingkod dahil binigyan mo ako ng pag-asa.
Tänk dinom tjenare uppå ditt ord, på hvilket du låter mig hoppas.
50 Ito ang kaaliwan ko sa aking paghihirap: na pinapanatili akong buhay ng pangako mo.
Det är min tröst i mitt elände; ty ditt ord vederqvicker mig.
51 Hinahamak ako ng mga mapagmalaki, pero hindi ako tumalikod sa iyong batas.
De stolte hafva deras gabberi af mig; likväl viker jag icke ifrå din lag.
52 Inisip ko ang tungkol sa mga matuwid mong utos noong unang panahon, Yahweh, at inaaliw ko ang aking sarili.
Herre, när jag tänker, huru du af verldenes begynnelse dömt hafver, så varder jag tröstad.
53 Napuno ako ng matinding galit dahil sa mga masasama na hindi sumusunod sa iyong batas.
Jag brinner innan, för de ogudaktiges skull, som din lag öfvergifva.
54 Ang mga alituntunin mo ang naging mga awit ko sa bahay na pansamantala kong tinitirhan.
Dine rätter äro min visa i mino huse.
55 Iniisip ko ang pangalan mo sa gabi, Yahweh, at iniingatan ang iyong batas.
Herre, jag tänker om nattena på ditt Namn, och håller din lag.
56 Ito ang naging gawain ko dahil sinunod ko ang mga tagubilin mo. HETH.
Det är min skatt, att jag dina befallningar håller.
57 Si Yahweh ang kabahagi ko; napagpasiyahan kong sundin ang kaniyang mga salita.
Jag hafver sagt, Herre: Det skall mitt arf vara, att jag dina vägar håller.
58 Buong puso kong hinihiling ang iyong kagandahang-loob; maging mahabagin ka sa akin gaya ng pinangako ng iyong salita.
Jag beder inför ditt ansigte af allo hjerta; var mig nådelig efter ditt ord.
59 Siniyasat ko ang aking mga pamumuhay at binaling ko ang aking mga paa sa iyong mga utos.
Jag betraktar mina vägar, och vänder mina fötter till din vittnesbörd.
60 Nagmamamadali ako at hindi ipinagpaliban ang pagsunod sa iyong mga kautusan.
Jag skyndar mig, och dröjer intet, till att hålla din bud.
61 Nabitag ako ng lubid ng masasama; hindi ko kinalimutan ang iyong batas.
De ogudaktigas rote beröfvar mig; men jag förgäter intet din lag.
62 Bumabangon ako nang hatinggabi para magpasalamat sa iyo dahil sa matuwid mong mga utos.
Om midnatt står jag upp, till att tacka dig för dina rättfärdighets rätter.
63 Kasamahan ako ng lahat ng mga nagpaparangal sa iyo, ng lahat ng mga sumusunod sa mga tagubilin mo.
Jag håller mig till alla dem som frukta dig, och dina befallningar hålla.
64 Ang mundo, Yahweh, ay puno ng katapatan mo sa tipan; ituro mo sa akin ang iyong mga alituntunin. TETH
Herre, jorden är full af dine godhet; lär mig dina rätter.
65 Gumawa ka ng kabutihan sa iyong lingkod, Yahweh, sa pamamagitan ng iyong salita.
Du gör dinom tjenare godt, Herre, efter ditt ord.
66 Turuan mo ako ng tamang pagpapasya at pang-unawa, dahil naniniwala ako sa mga kautusan mo.
Lär mig goda seder och förståndighet; ty jag tror dinom budom.
67 Bago ako nasaktan, naligaw ako, pero ngayon, sumusunod ako sa salita mo.
Förr än jag späkt vardt, for jag vill; men nu håller jag ditt ord.
68 Mabuti ka at ikaw lang ang siyang gumagawa ng kabutihan; ituro mo sa akin ang iyong alituntunin.
Du äst mild och god; lär mig dina rätter.
69 Siniraan ako sa mga kasinungalingan ng mayayabang, pero buong puso kong pinapanatili ang mga tagubilin mo.
De stolte dikta lögn öfver mig; men jag håller dina befallningar af allt hjerta.
70 Tumigas ang kanilang mga puso, pero nasisiyahan ako sa batas mo.
Deras hjerta är fett vordet, såsom flott; men jag hafver lust till din lag.
71 Nakabubuti para sa akin na naghirap ako para matutunan ko ang mga alituntunin mo.
Det är mig ljuft att du hafver späkt mig, att jag må lära dina rätter.
72 Mas mahalaga ang mga tagubilin mula sa iyong bibig kaysa sa libo-libong piraso ng ginto at pilak. YOD
Dins muns lag är mig täckare, än mång tusend stycke guld och silfver.
73 Ang mga kamay mo ang gumawa at humubog sa akin; bigyan mo ako ng pang-unawa para matutunan ko ang mga kautusan mo.
Din hand hafver gjort och beredt mig; undervisa mig, att jag må lära din bud.
74 Matutuwa ang mga nagpaparangal sa iyo kapag nakikita nila ako dahil nakatagpo ako ng pag-asa sa iyong salita.
De som dig frukta, de se mig, och glädja sig; ty jag hoppas uppå din ord.
75 Alam ko, Yahweh, na makatarungan ang mga utos mo, at sa katapatang ito, pinahirapan mo ako.
Herre, jag vet att dina domar äro rätte, och du hafver troliga späkt mig.
76 Hayaan mong aliwin ako ng katapatan mo sa tipan gaya ng ipinangako mo sa iyong lingkod.
Din nåd vare min tröst, såsom du dinom tjenare lofvat hafver.
77 Kahabagan mo ako para mabuhay ako, dahil ang batas mo ang kasiyahan ko.
Låt mig vederfaras dina barmhertighet, att jag må lefva; ty jag hafver lust till din lag.
78 Hayaan mong malagay sa kahihiyan ang mga mapagmalaki, dahil siniraan nila ako; pero magninilay ako sa mga tagubilin mo.
Ack! att de stolte måtte komma på skam, som mig med lögn nedertrycka; men jag talar om dina befallningar.
79 Nawa bumalik sa akin ang mga nagpaparangal sa iyo, silang mga nakakaalam ng mga utos mo sa tipan.
Ack! att de måtte hålla sig till mig, som dig frukta, och känna din vittnesbörd.
80 Maging malinis nawa ang aking puso na may paggalang sa mga alituntunin mo para hindi ako malagay sa kahihiyan. KAPH.
Mitt hjerta blifve rättsinnigt i dinom rättom, att jag icke på skam kommer.
81 Nanghihina ako nang may pananabik na ako ay iyong sagipin! Umaasa ako sa iyong salita!
Min själ trängtar efter dina salighet; jag hoppas uppå ditt ord.
82 Nananabik ang aking mga mata na makita ang iyong pinangako; kailan mo kaya ako aaliwin?
Min ögon trängta efter ditt ord, och säga: När vill du trösta mig?
83 Dahil naging tulad ako ng pinauusukang sisidlan ng alak; hindi ko kinakalimutan ang iyong mga alituntunin.
Ty jag är såsom en lägel i rök; dina rätter förgäter jag icke.
84 Gaano katagal ito pagtitiisan ng iyong lingkod; kailan mo hahatulan ang mga umuusig sa akin?
Huru länge skall din tjenare bida? När vill du dom hålla öfver mina förföljare?
85 Naghukay ng malalim ang mga mapagmalaki para sa akin, na nilalabag ang iyong batas.
De stolte grafva mig gropar, hvilka intet äro efter din lag.
86 Lahat ng mga kautusan mo ay maaasahan; inuusig ako ng mga tao nang may kamalian; tulungan mo ako.
Dine bud äro alltsamman sanning; de förfölja mig med lögn, hjelp mig.
87 Halos tapusin nila ang buhay ko sa mundo, pero hindi ko itinakwil ang mga tagubilin mo.
De hade fulltnär förgjort mig på jordene; men jag öfvergifver icke dina befallningar.
88 Panatilihin mo akong buhay gaya ng ipinangako ng katapatan mo sa tipan, para maingatan ko ang sinabi mo sa mga utos mo sa tipan. LAMEDH.
Vederqvick mig genom dina nåd, att jag må hålla dins muns vittnesbörd.
89 Mananatili ang salita mo, Yahweh, magpakailanman; matatag ang salita mo sa kalangitan.
Herre, ditt ord blifver evinnerliga, så vidt som himmelen är.
90 Mananatili ang katapatan mo sa lahat ng salinlahi; itinatag mo ang mundo, at ito ay mananatili.
Din sanning varar i evighet; du hafver tillredt jordena, och hon blifver ståndandes.
91 Nagpapatuloy hanggang ngayon ang lahat ng mga bagay, gaya ng sinabi mo sa matuwid mong mga utos, dahil mga lingkod mo ang lahat ng mga bagay.
Det blifver dagliga efter ditt ord; ty all ting måste tjena dig.
92 Kung hindi ko naging kasiyahan ang iyong batas, namatay na sana ako sa aking paghihirap.
Om din lag icke hade min tröst varit, så vore jag förgången i mitt elände.
93 Hindi ko kailanman makakalimutan ang mga tagubilin mo, dahil sa pamamagitan nito, pinanatili mo akong buhay.
Jag vill aldrig förgäta dina befallningar; ty du vederqvicker mig med dem.
94 Ako ay sa iyo; iligtas mo ako, dahil hinahanap ko ang mga tagubilin mo.
Jag är din, hjelp mig; ty jag söker dina befallningar.
95 Ang mga masasama ay naghahanda para ako ay sirain, pero uunawain ko ang mga utos mo sa tipan.
De ogudaktige vakta uppå mig, att de måga förgöra mig; men jag aktar uppå din vittnesbörd,
96 Nakita ko na may hangganan ang lahat ng bagay, pero malawak ang iyong mga kautusan at walang hangganan. MEM.
Jag hafver på all ting en ända sett; men ditt bud är varaktigt.
97 O iniibig ko ang iyong batas! Ito ang pinagninilayan ko buong araw.
Huru hafver jag din lag så kär; dageliga talar jag derom.
98 Higit akong pinatatalino ng mga kautusan mo kaysa sa mga kaaway ko, dahil lagi kong kasama ang mga kautusan mo.
Du gör mig med ditt bud visare, än mina fiender äro; ty det är evinnerliga min skatt.
99 Mayroon akong higit na pang-unawa kaysa sa lahat ng aking mga guro, dahil pinagninilayan ko ang mga utos mo sa tipan.
Jag är lärdare, än alle mine lärare; ty din vittnesbörd äro mitt tal.
100 Higit akong nakauunawa kaysa sa mga nakatatanda sa akin; dahil ito sa pagsunod ko sa iyong mga tagubilin.
Jag är förståndigare, än de gamle; ty jag håller dina befallningar.
101 Tumalikod ako mula sa landas ng kasamaan para masunod ko ang salita mo.
Jag förtager minom fotom alla onda vägar, att jag må hålla din ord.
102 Hindi ako tumalikod mula sa matuwid mong mga utos dahil tinuruan mo ako.
Jag viker icke ifrå dina rätter; ty du lärer mig.
103 Napakatamis sa aking panlasa ang iyong mga salita, oo, mas matamis kaysa sa pulot sa aking bibig!
Din ord äro minom mun sötare än hannog.
104 Sa pamamagitan ng mga tagubilin mo, natamo ko ang tamang pagpapasiya; kaya nga kinapopootan ko ang bawat maling paraan. NUN.
Ditt ord gör mig förståndigan; derföre hatar jag alla falska vägar.
105 Ang salita mo ay ilawan ng aking mga paa at liwanag para sa aking landas.
Ditt ord är mina fötters lykta, och ett ljus på minom vägom.
106 Nangako ako at pinagtibay ko ito, na susundin ko ang mga utos mo.
Jag svär, och vill hållat, att jag dina rättfärdighets rätter hålla vill.
107 Labis akong nasasaktan; panatilihin mo akong buhay, Yahweh, gaya ng ipinangako mo sa iyong salita.
Jag är svårliga plågad; Herre, vederqvick mig efter ditt ord.
108 Pakiusap, tanggapin mo Yahweh ang kusang-loob na mga alay ng aking bibig, at ituro mo sa akin ang matuwid mong mga utos.
Låt dig behaga, Herre, mins muns välviljoga offer, och lär mig dina rätter.
109 Nasa kamay ko palagi ang aking buhay, pero hindi ko kinalilimutan ang iyong batas.
Jag bär mina själ i mina händer alltid, och jag förgäter icke din lag.
110 Naglagay ng patibong para sa akin ang mga masasama, pero hindi ako naligaw mula sa mga tagubilin mo.
De ogudaktige sätta mig snaror; men jag far icke vill ifrå dina befallningar.
111 Inaangkin ko ang mga utos mo sa tipan bilang aking mana magpakailanman, dahil ito ang kagalakan ng aking puso.
Din vittnesbörd äro mitt eviga arf; ty de äro mins hjertas fröjd.
112 Nakalaan ang aking puso sa pagsunod sa mga alituntunin mo magpakailanman hanggang sa wakas. SAMEKH.
Jag böjer mitt hjerta till att göra efter dina rätter alltid och evinnerliga.
113 Galit ako sa mga walang paninindigan, pero mahal ko ang iyong batas.
Jag hatar de ostadiga andar, och älskar din lag.
114 Ikaw ang aking kublihan at kalasag; naghihintay ako para sa iyong salita.
Du äst mitt beskärm och sköld; jag hoppas uppå ditt ord.
115 Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng masama, para masunod ko ang mga kautusan ng aking Diyos.
Viker ifrå mig, I onde; jag vill hålla min Guds bud.
116 Palakasin mo ako sa pamamagitan ng iyong salita para mabuhay ako at hindi mapahiya sa aking inaasahan.
Uppehåll mig igenom ditt ord, att jag må lefva; och låt mig icke på skam komma med mitt hopp.
117 Tulungan mo ako at magiging ligtas ako; lagi kong pinagninilayan ang mga alituntunin mo.
Stärk mig, att jag må blifva salig; så vill jag alltid lust hafva till dina rätter.
118 Itinatakwil mo ang lahat ng mga nalilihis mula sa iyong mga alituntunin, dahil mapanlinlang at hindi maaasahan ang mga taong iyon.
Du förtrampar alla dem som villa gå om dina rätter; ty deras bedrägeri är alltsammans lögn.
119 Inaalis mo ang lahat ng masasama sa mundo katulad ng dumi; kaya nga, minamahal ko ang banal mong mga kautusan.
Du bortkastar alla ogudaktiga på jordene som slagg; derföre älskar jag din vittnesbörd.
120 Nanginginig ang aking katawan sa takot sa iyo, at natatakot ako sa matuwid mong mga utos. AYIN.
Jag fruktar mig för dig, så att mitt kött skälfver; och förskräcker mig for dina rätter.
121 Ginagawa ko kung ano ang makatarungan at matuwid; huwag mo akong iwanan sa mga nang-aapi sa akin.
Jag aktar uppå rätt och rättfärdighet; öfvergif mig icke dem som mig öfvervåld göra vilja.
122 Siguraduhin mo ang kapakanan ng iyong lingkod, huwag mong hayaang apihin ako ng mga mapagmalaki.
Beskärma du din tjenare, och tröst honom, att de stolte icke göra mig öfvervåld.
123 Napapagal ang aking mga mata sa paghihintay para sa iyong kaligtasan at sa matuwid mong salita.
Mina ögon trängta efter dina salighet, och efter dine rättfärdighets ord.
124 Ipakita mo sa iyong lingkod ang katapatan mo sa tipan, at ituro mo sa akin ang iyong mga alituntunin.
Handla med dinom tjenare efter dina nåd; och lär mig dina rätter.
125 Ako ay iyong lingkod; bigyan mo ako ng pang-unawa para malaman ko ang mga utos mo sa tipan.
Jag är din tjenare; undervisa mig, att jag må känna din vittnesbörd.
126 Oras na para kumilos si Yahweh, dahil nilalabag ng mga tao ang iyong batas.
Det är tid, att Herren gör der något till; de hafva omintetgjort din lag.
127 Tunay ngang minamahal ko ang iyong mga kautusan higit sa ginto, higit sa purong ginto.
Derföre älskar jag din bud, öfver guld och öfver fint guld.
128 Kaya nga, sumusunod ako nang mabuti sa lahat ng mga tagubilin mo, at napopoot ako sa bawat landas ng kamalian. PE.
Derföre håller jag rätt fram i alla dina befallningar; jag hatar allan falskan väg.
129 Kahanga-hanga ang mga patakaran mo, kaya nga sinusunod ko ang mga ito.
Underliga äro din vittnesbörd, derföre håller dem min själ.
130 Ang paglalahad ng mga salita mo ay nagbibigay ng liwanag; nagbibigay ito ng pang-unawa sa mga hindi naturuan.
När ditt ord uppenbaradt varder, så fröjdar det, och gör de enfaldiga visa.
131 Binubuksan ko ang aking bibig at humihingal dahil nananabik ako para sa mga kautusan mo.
Jag öppnar min mun, och begärar din bud; ty mig längtar efter dem.
132 Humarap ka sa akin at mahabag, gaya ng lagi mong ginagawa para sa mga nagmamahal sa iyong pangalan.
Vänd dig till mig, och var mig nådelig, såsom du plägar göra dem som ditt Namn älska.
133 Akayin mo ang aking mga yapak sa pamamagitan ng iyong salita; huwag mong hayaang pamunuan ako ng kahit anong kasalanan.
Låt min gång viss vara i dino orde, och låt ingen orätt öfver mig råda.
134 Tubusin mo ako mula sa pang-aapi ng mga tao para masunod ko ang mga tagubilin mo.
Förlös mig ifrå menniskors orätt; så vill jag hålla dina befallningar.
135 Hayaan mong magliwanag ang iyong mukha sa iyong lingkod, at ituro mo sa akin ang iyong mga alituntunin.
Låt ditt ansigte lysa öfver din tjenare, och lär mig dina rätter.
136 Napakaraming mga luha ang umaagos mula sa aking mga mata dahil hindi sinusunod ng mga tao ang iyong batas. TSADHE.
Mine ögon flyta med vatten, att man icke håller din lag.
137 Matuwid ka, Yahweh, at makatarungan ang mga utos mo.
Herre, du äst rättfärdig, och rätt är ditt ord.
138 Matuwid at matapat mong ibinigay ang mga utos mo sa tipan.
Du hafver dina rättfärdighets vittnesbörd, och sanningena hårdeliga budit.
139 Winasak ako ng galit dahil kinakalimutan ng mga kalaban ko ang mga salita mo.
Jag hafver när harmats till döds, att mine ovänner hafva din ord förgätit.
140 Labis nang nasubok ang iyong salita, at iniibig ito ng iyong lingkod.
Ditt ord är väl bepröfvadt, och din tjenare hafver det kärt.
141 Ako ay walang halaga at inalipusta, pero hindi ko pa rin kinalilimutan ang mga tagubilin mo.
Jag är ringa och föraktad; men jag förgäter icke dina befallningar.
142 Ang katarungan mo ay matuwid magpakailanman, at ang batas mo ay mapagkakatiwalaan.
Din rättfärdighet är en evig rättfärdighet, och din lag är sanning.
143 Kahit na natagpuan ako ng bagabag at paghihirap, ang kautusan mo pa rin ang aking kasiyahan.
Ångest och nöd hafva drabbat uppå mig; men jag hafver lust till din bud.
144 Ang mga utos mo sa tipan ay matuwid magpakailanman; bigyan mo ako ng pang-unawa para ako ay mabuhay. QOPH.
Dins vittnesbörds rättfärdighet är evig; undervisa mig, så lefver jag.
145 Nanawagan ako ng buong puso, “Sagutin mo ako, Yahweh, iingatan ko ang mga alituntunin mo.
Jag ropar af allo hjerta, bönhör mig, Herre, att jag må hålla dina rätter.
146 Tumatawag ako sa iyo; iligtas mo ako, at susundin ko ang mga utos mo sa tipan.
Jag ropar till dig, hjelp mig, att jag må hålla din vittnesbörd.
147 Bumabangon ako bago sumikat ang araw at humihingi ng tulong. Umaasa ako sa mga salita mo.
Jag kommer bittida, och ropar; uppå ditt ord hoppas jag.
148 Mulat ang aking mga mata bago magpalit ng mga yugto ang gabi, para mapagnilayan ko ang mga salita mo.
Jag vakar bittida upp, att jag må handla om din ord.
149 Dinggin mo ang aking tinig sa katapatan mo sa tipan; panatilihin mo akong buhay, Yahweh, gaya ng ipinangako mo sa matuwid mong mga utos.
Hör mina röst efter dina nåde: Herre, vederqvick mig efter dina rätter.
150 Papalapit nang papalapit sa akin ang mga umuusig sa akin, pero malayo (sila) sa iyong batas.
Mine arge förföljare vilja till mig, och äro långt ifrå din lag.
151 Ikaw ay malapit, Yahweh, at lahat ng mga kautusan mo ay mapagkakatiwalaan.
Herre, du äst hardt när, och din bud äro alltsamman sanning.
152 Natutunan ko noon mula sa mga utos mo sa tipan na itinakda mo ang mga ito magpakailanman. RESH
Men jag vet det långt tillförene, att du din vittnesbörd evinnerliga grundat hafver.
153 Tingnan mo ang aking mga paghihirap at tulungan mo ako, dahil hindi ko kinalilimutan ang batas mo.
Se uppå mitt elände, och fräls mig; hjelp mig ut; förty jag förgäter icke din lag.
154 Ipagtanggol mo ang aking kapakanan at tubusin ako; ingatan mo ako gaya ng ipinangako mo sa iyong salita.
Uträtta min sak, och förlossa mig; vederqvick mig igenom ditt ord.
155 Malayo ang kaligtasan mula sa masasama, dahil hindi nila minamahal ang iyong alituntunin.
Saligheten är långt ifrå de ogudaktiga; ty de akta intet dina rätter.
156 Dakila ang iyong mahabaging mga gawa, Yahweh; panatilihin mo akong buhay gaya ng lagi mong ginagawa.
Herre, din barmhertighet är stor; vederqvick mig efter dina rätter.
157 Marami ang aking mga taga-usig at kaaway, pero hindi pa rin ako tumalikod sa mga utos mo sa tipan.
Mine förföljare och ovänner äro månge; men jag viker icke ifrå din vittnesbörd.
158 Tinitingnan ko ng may pagkasuklam ang mga mandaraya dahil hindi nila sinusunod ang iyong salita.
Jag ser de föraktare, och det gör mig ondt, att de icke hålla din ord.
159 Tingnan mo kung gaano ko minamahal ang mga tagubilin mo; panatilihin mo akong buhay, Yahweh, gaya ng ipinangako mo sa pamamagitan ng katapatan mo sa tipan.
Si, jag älskar dina befallningar; Herre, vederqvick mig efter din nåd.
160 Ang diwa ng iyong salita ay mapagkakatiwalaan; bawat isa sa mga utos mo ay mananatili magpakailanman. SHIN.
Ditt ord hafver af begynnelsen varit sanning; alle dine rättfärdighets rätter vara evinnerliga.
161 Inuusig ako ng mga prinsipe ng walang dahilan; nanginginig ang aking puso, takot na suwayin ang iyong salita.
Förstarna förfölja mig utan sak, och mitt hjerta fruktar sig för din ord.
162 Nagagalak ako sa iyong salita tulad ng nakahanap ng malaking gantimpala.
Jag gläder mig öfver din ord, såsom en den stort byte får.
163 Kinapopootan ko at kinasusuklaman ang kasinungalingan, pero minamahal ko ang iyong batas.
Lögnene är jag hätsk, och stygges dervid, men din lag hafver jag kär.
164 Pitong beses sa isang araw kitang pinupuri dahil sa matuwid mong mga utos.
Jag lofvar dig sju resor om dagen, för dine rättfärdighets rätters skull.
165 Malaking kapayapaan ang nakakamtan ng mga nagmamahal sa batas mo, walang makatitisod sa kanila.
Stor frid hafva de som din lag älska, och de skola icke stappla.
166 Naghihintay ako para sa iyong kaligtasan, Yahweh, at sinusunod ko ang iyong mga kautusan.
Herre, jag väntar efter din salighet, och gör efter din bud.
167 Sinusunod ko ang mga banal mong kautusan at labis ko itong minamahal.
Min själ håller din vittnesbörd, och hafver dem mycket kär.
168 Iniingatan ko ang mga tagubilin mo at banal na kautusan, dahil alam mo ang lahat ng ginagawa ko. TAV.
Jag håller dina befallningar, och dina vittnesbörder; ty alle mine vägar äro för dig.
169 Pakinggan mo ang aking iyak ng paghingi ng tulong, Yahweh; bigyan mo ako ng pang-unawa sa iyong salita.
Herre, låt min klagan för dig komma; undervisa mig efter ditt ord.
170 Makarating nawa ang aking pagsamo sa harap mo; tulungan mo ako gaya ng ipinangako mo sa iyong salita.
Låt mina bön komma för dig; fräls mig efter ditt ord.
171 Nawa ay magbuhos ng papuri ang aking mga labi, dahil itinuro mo sa akin ang alituntunin mo.
Mine läppar skola lofva, när du lärer mig dina rätter.
172 Hayaang mong umawit ang aking dila tungkol sa iyong salita, dahil matuwid lahat ng mga kautusan mo.
Min tunga skall tala om ditt ord; ty all din bud äro rätt.
173 Nawa tulungan ako ng iyong kamay, dahil pinili ko ang mga tagubilin mo.
Låt dina hand vara mig biståndiga; ty jag hafver utkorat dina befallningar.
174 Nananabik ako para sa pagliligtas mo, Yahweh, at ang batas mo ang aking kasiyahan.
Herre, jag längtar efter din salighet, och hafver lust till din lag.
175 Nawa mabuhay ako at mapapurihan ka, at matulungan ako ng matuwid mong mga utos.
Låt mina själ lefva, att hon må lofva dig, och dine rätter hjelpa mig.
176 Naligaw ako tulad ng nawalang tupa; hanapin mo ang iyong lingkod, dahil hindi ko kinalimutan ang mga kautusan mo.
Jag är såsom ett villfarande och borttappadt får; sök din tjenare, ty jag förgäter icke din bud.

< Mga Awit 119 >