< Mga Awit 118 >
1 Magpasalamat kay Yahweh, dahil siya ay mabuti, ang kaniyang katapatan sa tipan ay magpakailanman.
αλληλουια ἐξομολογεῖσθε τῷ κυρίῳ ὅτι ἀγαθός ὅτι εἰς τὸν αἰῶνα τὸ ἔλεος αὐτοῦ
2 Hayaangm magsabi ang Israel, “Ang kaniyang katapatan sa tipan ay manananatili magpakailanman.
εἰπάτω δὴ οἶκος Ισραηλ ὅτι ἀγαθός ὅτι εἰς τὸν αἰῶνα τὸ ἔλεος αὐτοῦ
3 Hayaang magsabi ang sambahayan ni Aaron, “Ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman.
εἰπάτω δὴ οἶκος Ααρων ὅτι ἀγαθός ὅτι εἰς τὸν αἰῶνα τὸ ἔλεος αὐτοῦ
4 Hayaang magsabi ang mga matapat na tagasunod ni Yahaweh, “Ang kaniyang katapatan sa tipan ay manananatili magpakailanman.”
εἰπάτωσαν δὴ πάντες οἱ φοβούμενοι τὸν κύριον ὅτι ἀγαθός ὅτι εἰς τὸν αἰῶνα τὸ ἔλεος αὐτοῦ
5 Sa aking pagdurusa ay tumawag ako kay Yahweh; sinagot ako ni Yahweh at pinalaya ako.
ἐν θλίψει ἐπεκαλεσάμην τὸν κύριον καὶ ἐπήκουσέν μου εἰς πλατυσμόν
6 Si Yahweh ay kasama ko; hindi ako matatakot; anong magagawa ng tao sa akin?
κύριος ἐμοὶ βοηθός οὐ φοβηθήσομαι τί ποιήσει μοι ἄνθρωπος
7 Si Yahweh ay katulong ko sa aking panig: kaya nakikita ang tagumpay ko sa kanila na napopoot sa akin.
κύριος ἐμοὶ βοηθός κἀγὼ ἐπόψομαι τοὺς ἐχθρούς μου
8 Mas mabuting kumanlong kay Yahweh kaysa magtiwala sa tao.
ἀγαθὸν πεποιθέναι ἐπὶ κύριον ἢ πεποιθέναι ἐπ’ ἄνθρωπον
9 Mas mabuting magkubli kay Yahweh kaysa magtiwala sa mga tao.
ἀγαθὸν ἐλπίζειν ἐπὶ κύριον ἢ ἐλπίζειν ἐπ’ ἄρχοντας
10 Nakapalibot sakin ang buong bansa; sa pangalan ni Yahweh ay pinutol ko (sila)
πάντα τὰ ἔθνη ἐκύκλωσάν με καὶ τῷ ὀνόματι κυρίου ἠμυνάμην αὐτούς
11 Ako ay pinalilibutan nila; oo, ako ay pinalilibutan nila; sa pangalan ni Yahweh ay pinutol ko (sila)
κυκλώσαντες ἐκύκλωσάν με καὶ τῷ ὀνόματι κυρίου ἠμυνάμην αὐτούς
12 Ako ay pinalibutan nila na parang mga bubuyog; (sila) ay mabilis na naglaho na parang apoy sa gitna ng mga tinik; sa pangalan ni Yahweh ay pinutol ko (sila)
ἐκύκλωσάν με ὡσεὶ μέλισσαι κηρίον καὶ ἐξεκαύθησαν ὡσεὶ πῦρ ἐν ἀκάνθαις καὶ τῷ ὀνόματι κυρίου ἠμυνάμην αὐτούς
13 Nilusob nila ako para patumbahin, pero tinulungan ako ni Yahweh.
ὠσθεὶς ἀνετράπην τοῦ πεσεῖν καὶ ὁ κύριος ἀντελάβετό μου
14 Kalakasan at kagalakan ko si Yahweh, at siya ang nagligtas sa akin.
ἰσχύς μου καὶ ὕμνησίς μου ὁ κύριος καὶ ἐγένετό μοι εἰς σωτηρίαν
15 Ang sigaw ng kagalakan ng tagumpay ay narinig sa mga tolda ng matuwid; ang kanang kamay ni Yahweh ay nananakop.
φωνὴ ἀγαλλιάσεως καὶ σωτηρίας ἐν σκηναῖς δικαίων δεξιὰ κυρίου ἐποίησεν δύναμιν
16 Ang kanang kamay ni Yahweh ay itinaas; ang kanang kamay ni Yahweh ay nananakop.
δεξιὰ κυρίου ὕψωσέν με δεξιὰ κυρίου ἐποίησεν δύναμιν
17 Hindi ako mamamatay, pero mabubuhay at magpapahayag ako ng mga gawa ni Yahweh.
οὐκ ἀποθανοῦμαι ἀλλὰ ζήσομαι καὶ ἐκδιηγήσομαι τὰ ἔργα κυρίου
18 Pinarusahan ako ng malupit ni Yahweh; pero hindi niya ako inilagay sa kamatayan.
παιδεύων ἐπαίδευσέν με ὁ κύριος καὶ τῷ θανάτῳ οὐ παρέδωκέν με
19 Buksan para sa akin ang mga tarangkahan ng katuwiran; papasok ako sa kanila at magpapasalamat kay Yahweh.
ἀνοίξατέ μοι πύλας δικαιοσύνης εἰσελθὼν ἐν αὐταῖς ἐξομολογήσομαι τῷ κυρίῳ
20 Ito ang tarangkahan ni Yahweh; ang mga matuwid ay papasok dito.
αὕτη ἡ πύλη τοῦ κυρίου δίκαιοι εἰσελεύσονται ἐν αὐτῇ
21 Ako ay magpapasalamat sa iyo dahil sinagot mo ako, at ikaw ang naging kaligtasan ko.
ἐξομολογήσομαί σοι ὅτι ἐπήκουσάς μου καὶ ἐγένου μοι εἰς σωτηρίαν
22 Ang bato na tinanggihan ng mga nagtayo ay naging panulukang bato.
λίθον ὃν ἀπεδοκίμασαν οἱ οἰκοδομοῦντες οὗτος ἐγενήθη εἰς κεφαλὴν γωνίας
23 Ito ay gawa ni Yahweh; kagila-gilalas ito sa harap ng ating mga mata.
παρὰ κυρίου ἐγένετο αὕτη καὶ ἔστιν θαυμαστὴ ἐν ὀφθαλμοῖς ἡμῶν
24 Ito ang araw na kumilos si Yahweh; tayo ay magalak at magsaya.
αὕτη ἡ ἡμέρα ἣν ἐποίησεν ὁ κύριος ἀγαλλιασώμεθα καὶ εὐφρανθῶμεν ἐν αὐτῇ
25 Pakiusap, O Yahweh, bigyan mo kami ng tagumpay! Pakiusap, O Yahweh, bigyan mo kami ng tagumpay!
ὦ κύριε σῶσον δή ὦ κύριε εὐόδωσον δή
26 Pagpapalain siyang dumarating sa pangalan ni Yahweh; pinagpapala ka namin mula sa tahanan ni Yahweh.
εὐλογημένος ὁ ἐρχόμενος ἐν ὀνόματι κυρίου εὐλογήκαμεν ὑμᾶς ἐξ οἴκου κυρίου
27 Si Yahweh ay Diyos, at binigyan niya kami ng liwanag; itali ninyo ang handog ng mga panali sa mga sungay ng altar.
θεὸς κύριος καὶ ἐπέφανεν ἡμῖν συστήσασθε ἑορτὴν ἐν τοῖς πυκάζουσιν ἕως τῶν κεράτων τοῦ θυσιαστηρίου
28 Ikaw ang aking Diyos, at magpapasalamat ako sa iyo; ikaw ang aking Diyos, ikaw ang aking itataas.
θεός μου εἶ σύ καὶ ἐξομολογήσομαί σοι θεός μου εἶ σύ καὶ ὑψώσω σε ἐξομολογήσομαί σοι ὅτι ἐπήκουσάς μου καὶ ἐγένου μοι εἰς σωτηρίαν
29 O, magpasalamat kay Yahweh; dahil siya ay mabuti; ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman.
ἐξομολογεῖσθε τῷ κυρίῳ ὅτι ἀγαθός ὅτι εἰς τὸν αἰῶνα τὸ ἔλεος αὐτοῦ