< Mga Awit 116 >

1 Mahal ko si Yahweh dahil naririnig niya ang aking tinig at mga pakiusap para sa awa.
Alleluia. Dilexi, quoniam exaudiet Dominus vocem orationis meae.
2 Dahil siya ay nakinig sa akin, ako ay tatawag sa kaniya habang ako ay nabubuhay.
Quia inclinavit aurem suam mihi: et in diebus meis invocabo.
3 Ang mga tali ng kamatayan ay pinaligiran ako, at ang mga patibong ng Sheol ay nasa harapan ko; aking nadama ang hapis at kalungkutan. (Sheol h7585)
Circumdederunt me dolores mortis: et pericula inferni invenerunt me. Tribulationem et dolorem inveni: (Sheol h7585)
4 Pagkatapos tumawag ako sa pangalan ni Yahweh: “Pakiusap O Yahweh, iligtas mo ang buhay ko.”
et nomen Domini invocavi. O Domine libera animam meam:
5 Maawain at makatarungan si Yahweh; ang ating Diyos ay mahabagin.
misericors Dominus, et iustus, et Deus noster miseretur.
6 Pinagtatanggol ni Yahweh ang walang muwang; ako ay ibinaba, at kaniyang iniligtas.
Custodiens parvulos Dominus: humiliatus sum, et liberavit me.
7 Maaaring bumalik ang aking kaluluwa sa lugar ng kaniyang kapahingahan, dahil si Yahweh ay naging mabuti sa akin.
Convertere anima mea in requiem tuam: quia Dominus benefecit tibi.
8 Dahil iniligtas mo ang buhay ko mula sa kamatayan, at ang mata ko mula sa mga luha, at ang mga paa ko mula sa pagkatisod.
Quia eripuit animam meam de morte: oculos meos a lacrymis, pedes meos a lapsu.
9 Maglilingkod ako kay Yahweh sa lupain ng mga buhay.
Placebo Domino in regione vivorum.
10 Naniwala ako sa kaniya, kahit sinabi kong “Lubha akong nahirapan.
Alleluia. Credidi, propter quod locutus sum: ego autem humiliatus sum nimis.
11 Padalos-dalos kong sinabing, “Lahat ng tao ay mga sinungaling.”
Ego dixi in excessu meo: Omnis homo mendax.
12 Paano ako makakabayad kay Yahweh sa lahat ng kabutihan niya sa akin?
Quid retribuam Domino, pro omnibus, quae retribuit mihi?
13 Aking itataas ang saro ng kaligtasan, at tatawag ako sa pangalan ni Yahweh.
Calicem salutaris accipiam: et nomen Domini invocabo.
14 Aking tutuparin ang mga panata ko kay Yahweh sa harapan ng kaniyang buong bayan.
Vota mea Domino reddam coram omni populo eius:
15 Mahalaga sa paningin ni Yahweh ang kamatayan ng kaniyang mga santo.
pretiosa in conspectu Domini mors Sanctorum eius:
16 O Yahweh, tunay nga, ako ay iyong lingkod; ako ang iyong lingkod, na anak ng iyong lingkod na babae; iyong kinalag ang aking mga pagkakatali.
O Domine quia ego servus tuus: ego servus tuus, et filius ancillae tuae. Dirupisti vincula mea:
17 Aking iaalay sa iyo ang handog na pasasalamat at tatawag sa pangalan ni Yahweh.
tibi sacrificabo hostiam laudis, et nomen Domini invocabo.
18 Aking tutuparin ang mga panata ko kay Yahweh sa harapan ng kaniyang buong bayan,
Vota mea Domino reddam in conspectu omnis populi eius:
19 sa mga silid ng tahanan ni Yahweh, sa inyong kalagitnaan, sa Jerusalem. Purihin si Yahweh.
in atriis domus Domini, in medio tui Ierusalem.

< Mga Awit 116 >