< Mga Awit 115 >

1 Huwag sa amin, O Yahweh, huwag sa amin, pero sa iyong pangalan maibigay ang karangalan, dahil sa iyong katapatan sa tipan.
לא לנו יהוה לא-לנו כי-לשמך תן כבוד--על-חסדך על-אמתך
2 Bakit sasabihin ng mga bansa, “Saan naroon ang kanilang Diyos?”
למה יאמרו הגוים איה-נא אלהיהם
3 Ang aming Diyos ay nasa langit; ginagawa niya ang kaniyang maibigan.
ואלהינו בשמים-- כל אשר-חפץ עשה
4 Ang diyos-diyosan ng mga bansa' ay pilak at ginto, gawa sa mga kamay ng mga tao.
עצביהם כסף וזהב מעשה ידי אדם
5 Silang mga diyos-diyosang ay may mga bibig, pero (sila) ay hindi nagsasalita; mayroon silang mga mata, pero hindi (sila) nakakakita;
פה-להם ולא ידברו עינים להם ולא יראו
6 mayroong silang mga tainga, pero hindi (sila) nakakarinig; mayroong silang mga ilong, pero hindi (sila) nakakaamoy;
אזנים להם ולא ישמעו אף להם ולא יריחון
7 Mayroon silang mga kamay, pero hindi (sila) nakakaramdam; mayroon silang mga paa, pero hindi (sila) nakakalakad; ni hindi nila magawang magsalita sa kanilang mga bibig.
ידיהם ולא ימישון--רגליהם ולא יהלכו לא-יהגו בגרונם
8 Silang mga gumawa sa kanila ay tulad nila, gaya ng lahat ng nagtitiwala sa kanila.
כמוהם יהיו עשיהם-- כל אשר-בטח בהם
9 O Israel, magtiwala kayo kay Yahweh; siya ang iyong saklolo at kalasag.
ישראל בטח ביהוה עזרם ומגנם הוא
10 Ang tahanan ni Aaron, magtiwala kayo kay Yahweh; siya ang iyong saklolo at kalasag.
בית אהרן בטחו ביהוה עזרם ומגנם הוא
11 Kayong gumagalang kay Yahweh, magtiwala sa kaniya; siya ang iyong saklolo at kalasag.
יראי יהוה בטחו ביהוה עזרם ומגנם הוא
12 Pinapansin at pagpapalain tayo ni Yahweh; kaniyang pagpapalain ang sambahayan ng Israel; kaniyang pagpapalain ang sambahayan ni Aaron.
יהוה זכרנו יברך יברך את-בית ישראל יברך את-בית אהרן
13 Kaniyang pagpapalain ang nagpaparangal sa kaniya, kapwa bata at matanda.
יברך יראי יהוה-- הקטנים עם-הגדלים
14 Nawa palalaguin ni Yahweh ang inyong bilang ng higit pa, kayo at ang inyong mga kaapu-apuhan.
יסף יהוה עליכם עליכם ועל בניכם
15 Pagpalain kayo ni Yahweh, na siyang gumawa ng langit at lupa.
ברוכים אתם ליהוה-- עשה שמים וארץ
16 Ang kalangitan ay kay Yahweh; pero ang lupa ay kaniyang ibinigay sa sangkatauhan.
השמים שמים ליהוה והארץ נתן לבני-אדם
17 Ang patay ay hindi magpupuri kay Yahweh, ni sinumang bumaba sa katahimikan;
לא המתים יהללו-יה ולא כל-ירדי דומה
18 Pero aming pagpapalain si Yahweh ngayon at magpakailanman. Purihin si Yahweh.
ואנחנו נברך יה-- מעתה ועד-עולם הללו-יה

< Mga Awit 115 >