< Mga Awit 114 >
1 Nang lumabas ang Israel sa Ehipto, ang sambahayan ni Jacob mula sa mga dayuhan na iyon,
Alleluia. In exitu Israel de Ægypto, domus Iacob de populo barbaro:
2 ang Juda ang naging banal niyang lugar, ang Israel ang kaniyang kaharian.
Facta est Iudæa sanctificatio eius, Israel potestas eius.
3 Nakita ito ng dagat, at tumakas ito; umatras ang Jordan.
Mare vidit, et fugit: Iordanis conversus est retrorsum.
4 Ang mga bundok ay lumukso na parang mga tupa, ang mga burol ay lumukso na parang mga batang tupa.
Montes exultaverunt ut arietes: et colles sicut agni ovium.
5 Bakit ka tumakas, O dagat? Jordan, bakit ka tumakas?
Quid est tibi mare quod fugisti: et tu Iordanis, quia conversus es retrorsum?
6 Mga bundok, bakit kayo lumukso na parang mga tupa? Kayong maliliit na burol, bakit kayo lumukso na parang batang tupa?
Montes exultastis sicut arietes, et colles sicut agni ovium?
7 Mayanig ka, O lupa, sa harap ng Panginoon, sa presensiya ng Diyos ni Jacob.
A facie Domini mota est terra, a facie Dei Iacob.
8 Ginawa niyang lawa ng tubig ang malaking bato, ginawa niyang bukal ng tubig ang matigas na bato.
Qui convertit petram in stagna aquarum, et rupem in fontes aquarum.