< Mga Awit 114 >

1 Nang lumabas ang Israel sa Ehipto, ang sambahayan ni Jacob mula sa mga dayuhan na iyon,
When Israel went forth out of Egypt, the house of Jacob from a people of a strange language:
2 ang Juda ang naging banal niyang lugar, ang Israel ang kaniyang kaharian.
Judah became his sanctuary, [and] Israel his dominion.
3 Nakita ito ng dagat, at tumakas ito; umatras ang Jordan.
The sea beheld it, and fled: the Jordan was driven backward.
4 Ang mga bundok ay lumukso na parang mga tupa, ang mga burol ay lumukso na parang mga batang tupa.
The mountains skipped like wethers, the hills like lambs.
5 Bakit ka tumakas, O dagat? Jordan, bakit ka tumakas?
What aileth thee, O sea, that thou fleest? thou, O Jordan, that thou art driven backward?
6 Mga bundok, bakit kayo lumukso na parang mga tupa? Kayong maliliit na burol, bakit kayo lumukso na parang batang tupa?
Ye mountains, that ye skip like wethers? ye hills, like lambs?
7 Mayanig ka, O lupa, sa harap ng Panginoon, sa presensiya ng Diyos ni Jacob.
At the presence of the Lord tremble, O earth, at the presence of the God of Jacob;
8 Ginawa niyang lawa ng tubig ang malaking bato, ginawa niyang bukal ng tubig ang matigas na bato.
Who changeth the rock into a pool of water, the flint into a fountain of water.

< Mga Awit 114 >