< Mga Awit 112 >

1 Purihin si Yahweh. Mapalad ang tao na sumusunod kay Yahweh, na siyang labis na nagagalak sa kaniyang mga kautusan.
主をほめたたえよ。主をおそれて、そのもろもろの戒めを大いに喜ぶ人はさいわいである。
2 Ang kaniyang mga kaapu-apuhan ay magiging makapangyarihan sa mundo; ang salinlahi ng maka-diyos ay pagpapalain.
その子孫は地において強くなり、正しい者のやからは祝福を得る。
3 Kasaganaan at kayamanan ay nasa kaniyang tahanan; ang kaniyang katuwiran ay mananatili magpakailanman.
繁栄と富とはその家にあり、その義はとこしえに、うせることはない。
4 Nagliliwanag ang ilaw sa kadiliman para sa maka-diyos; siya ay mapagbigay-loob, maawain, at makatarungan.
光は正しい者のために暗黒の中にもあらわれる。主は恵み深く、あわれみに満ち、正しくいらせられる。
5 Umaayos ang buhay ng taong nakikitungo nang may kahabagan at nagpapahiram ng salapi, ng nagsasagawa ng kaniyang mga gawain nang may katapatan.
恵みを施し、貸すことをなし、その事を正しく行う人はさいわいである。
6 Dahil siya ay hindi kailanman matitinag; ang matuwid ay maaalala magpakailanman.
正しい人は決して動かされることなく、とこしえに覚えられる。
7 Hindi siya natatakot sa masamang balita; siya ay panatag at nagtitiwala kay Yahweh.
彼は悪いおとずれを恐れず、その心は主に信頼してゆるがない。
8 Mapayapa ang kaniyang puso, walang takot, hanggang siya ay magtagumpay laban sa kaniyang mga kaaway.
その心は落ち着いて恐れることなく、ついにそのあだについての願いを見る。
9 Bukas-palad siyang nagbibigay sa mga mahihirap; ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailanman; siya ay maitataas nang may karangalan.
彼は惜しげなく施し、貧しい者に与えた。その義はとこしえに、うせることはない。その角は誉を得てあげられる。
10 Makikita ito ng masamang tao at magagalit; magngangalit ang kaniyang mga ngipin at matutunaw; ang pagnanais ng masasama ay mawawala.
悪しき者はこれを見て怒り、歯をかみならして溶け去る。悪しき者の願いは滅びる。

< Mga Awit 112 >