< Mga Awit 111 >
1 Purihin si Yahweh. Magbibigay ako ng pasasalamat kay Yahweh ng buong puso sa kapulungan ng matutuwid, sa kanilang pagtitipon.
Purihin ninyo ang Panginoon. Ako'y magpapasalamat sa Panginoon ng aking buong puso, sa kapulungan ng matuwid, at sa kapisanan.
2 Ang mga gawain ni Yahweh ay dakila, nananabik na hinihintay ng lahat nang nagnanais sa kanila.
Ang mga gawa ng Panginoon ay dakila, siyasat ng lahat na nagtatamo ng kaligayahan diyan.
3 Ang kaniyang mga gawain ay dakila at maluwalhati, at ang kaniyang katuwiran ay mananatili magpakailanman.
Ang kaniyang gawa ay karangalan at kamahalan: at ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man.
4 Gumagawa siya ng mga kahanga-hangang mga bagay na maaalala; si Yahweh ay mapagbigay-loob at maawain.
Kaniyang ginawa ang kaniyang mga kababalaghang gawa upang alalahanin: ang Panginoon ay mapagbiyaya at puspos ng kahabagan.
5 Nagbibigay siya ng pagkain sa kaniyang tapat na mga tagasunod. Palagi niyang inaalala ang kaniyang tipan.
Siya'y nagbigay ng pagkain sa nangatatakot sa kaniya: kaniyang aalalahaning lagi ang kaniyang tipan.
6 Ipinamalas niya ang kaniyang makapangyarihang mga gawa sa kaniyang bayan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mana sa mga bansa.
Kaniyang ipinakilala sa kaniyang bayan ang kapangyarihan ng kaniyang mga gawa, sa pagbibigay niya sa kanila ng mana ng mga bansa.
7 Ang mga gawain ng kaniyang mga kamay ay mapagkakatiwalaan at makatarungan; lahat ng kaniyang mga tagubilin ay maaasahan.
Ang mga gawa ng kaniyang mga kamay ay katotohanan at kahatulan: lahat niyang mga tuntunin ay tunay.
8 Pinatatag (sila) magpakailanman, para masiyasat nang tapat at nang wasto.
Nangatatatag magpakailan-kailan man, mga yari sa katotohanan at katuwiran.
9 Nagbigay siya ng tagumpay sa kaniyang bayan; itinalaga niya ang kaniyang tipan magpakailanman; banal at kahanga-hanga ang kaniyang pangalan.
Siya'y nagsugo ng katubusan sa kaniyang bayan; kaniyang iniutos ang kaniyang tipan magpakailan man: banal at kagalanggalang ang kaniyang pangalan.
10 Ang parangalan si Yahweh ay simula ng karunungan; ang mga gumagawa ng kaniyang mga tagubilin ay mayroong mabuting pang-unawa. Ang kaniyang kapurihan ay mananatili magpakailanman.
Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan; may mabuting pagkaunawa ang lahat na nagsisisunod ng kaniyang mga utos. Ang kaniyang kapurihan ay nananatili magpakailan man.