< Mga Awit 111 >

1 Purihin si Yahweh. Magbibigay ako ng pasasalamat kay Yahweh ng buong puso sa kapulungan ng matutuwid, sa kanilang pagtitipon.
αλληλουια ἐξομολογήσομαί σοι κύριε ἐν ὅλῃ καρδίᾳ μου ἐν βουλῇ εὐθείων καὶ συναγωγῇ
2 Ang mga gawain ni Yahweh ay dakila, nananabik na hinihintay ng lahat nang nagnanais sa kanila.
μεγάλα τὰ ἔργα κυρίου ἐξεζητημένα εἰς πάντα τὰ θελήματα αὐτοῦ
3 Ang kaniyang mga gawain ay dakila at maluwalhati, at ang kaniyang katuwiran ay mananatili magpakailanman.
ἐξομολόγησις καὶ μεγαλοπρέπεια τὸ ἔργον αὐτοῦ καὶ ἡ δικαιοσύνη αὐτοῦ μένει εἰς τὸν αἰῶνα τοῦ αἰῶνος
4 Gumagawa siya ng mga kahanga-hangang mga bagay na maaalala; si Yahweh ay mapagbigay-loob at maawain.
μνείαν ἐποιήσατο τῶν θαυμασίων αὐτοῦ ἐλεήμων καὶ οἰκτίρμων ὁ κύριος
5 Nagbibigay siya ng pagkain sa kaniyang tapat na mga tagasunod. Palagi niyang inaalala ang kaniyang tipan.
τροφὴν ἔδωκεν τοῖς φοβουμένοις αὐτόν μνησθήσεται εἰς τὸν αἰῶνα διαθήκης αὐτοῦ
6 Ipinamalas niya ang kaniyang makapangyarihang mga gawa sa kaniyang bayan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mana sa mga bansa.
ἰσχὺν ἔργων αὐτοῦ ἀνήγγειλεν τῷ λαῷ αὐτοῦ τοῦ δοῦναι αὐτοῖς κληρονομίαν ἐθνῶν
7 Ang mga gawain ng kaniyang mga kamay ay mapagkakatiwalaan at makatarungan; lahat ng kaniyang mga tagubilin ay maaasahan.
ἔργα χειρῶν αὐτοῦ ἀλήθεια καὶ κρίσις πισταὶ πᾶσαι αἱ ἐντολαὶ αὐτοῦ
8 Pinatatag (sila) magpakailanman, para masiyasat nang tapat at nang wasto.
ἐστηριγμέναι εἰς τὸν αἰῶνα τοῦ αἰῶνος πεποιημέναι ἐν ἀληθείᾳ καὶ εὐθύτητι
9 Nagbigay siya ng tagumpay sa kaniyang bayan; itinalaga niya ang kaniyang tipan magpakailanman; banal at kahanga-hanga ang kaniyang pangalan.
λύτρωσιν ἀπέστειλεν τῷ λαῷ αὐτοῦ ἐνετείλατο εἰς τὸν αἰῶνα διαθήκην αὐτοῦ ἅγιον καὶ φοβερὸν τὸ ὄνομα αὐτοῦ
10 Ang parangalan si Yahweh ay simula ng karunungan; ang mga gumagawa ng kaniyang mga tagubilin ay mayroong mabuting pang-unawa. Ang kaniyang kapurihan ay mananatili magpakailanman.
ἀρχὴ σοφίας φόβος κυρίου σύνεσις ἀγαθὴ πᾶσι τοῖς ποιοῦσιν αὐτήν ἡ αἴνεσις αὐτοῦ μένει εἰς τὸν αἰῶνα τοῦ αἰῶνος

< Mga Awit 111 >