< Mga Awit 109 >
1 Diyos na aking pinupuri, huwag kang manahimik,
Zaburi ya Daudi. Mungu ninaye msifu, usinyamaze kimya.
2 dahil nilulusob ako ng masasama at mapanlinlang; nagsasabi (sila) ng mga kasinungalingan laban sa akin.
Kwa maana waovu na wadanganyifu wananishambulia; wanazungumza uongo dhidi yangu.
3 Pinalilibutan nila ako at nagsasabi nang mga bagay na nakamumuhi, at nilulusob nila ako nang walang dahilan.
Wananizunguka na kusema mambo ya chuki, na wananishambulia bila sababu.
4 Kapalit ng pag-ibig ko ay ang paninirang-puri nila, pero ipinapanalangin ko (sila)
Wananilipa kashfa badala ya upendo, lakini mimi ninawaombea.
5 Ginantihan nila ako ng kasamaan para sa kabutihan at namumuhi (sila) sa aking pag-ibig.
Wananilipa uovu badala ya mema, na wanachukia upendo wangu.
6 Maghirang ka ng masamang tao sa kaaway na katulad nila; magtalaga ka ng tagapagbintang para tumayo sa kaniyang kanang kamay.
Teua mtu mwovu aliye adui zaidi kama watu hawa; teua mshitaki asimame mkono wake wa kuume.
7 Kapag siya ay hinatulan, nawa mapatunayan siyang may-sala; nawa maituring na makasalanan ang kaniyang panalangin.
Na atakapohukumiwa, aonekane na hatia; maombi yake yachukuliwe kuwa ni dhambi.
8 Nawa umigsi ang kaniyang mga araw; nawa may ibang kumuha ng kaniyang katungkulan.
Siku zake na ziwe chahe; mamlaka yake na yachukuliwe na mtu mwingine.
9 Nawa ang kaniyang mga anak ay mawalan ng ama, at nawa ang kaniyang asawang babae ay maging balo.
Watoto wake wawe yatima, na mke wake awe mjane.
10 Nawa mahibang at magmakaawa ang kaniyang mga anak, na nanghihingi ng limos sa kanilang pag-alis sa kanilang wasak na tahanan.
Watoto wake wenye kutanga tanga na kuombaomba, wakiondoka katika nyumba zao zilizo haribika na kuomba chakula au pesa kwa wapita njia.
11 Nawa kunin ng pinagkakautangan ang lahat ng kaniyang pag-aari; nawa nakawin ng mga dayuhan ang kaniyang kinikita.
Mdai na achukue vitu vyake vyote amilikivyo; wageni wateke mapato ya kazi yake.
12 Nawa walang sinuman ang mag-abot ng kabutihan sa kaniya; nawa walang sinuman ang magkaroon ng awa sa kaniyang mga anak na walang ama.
Asiwepo mtu yeyote wa kumfanyia wema; mtu yeyote asiwahurumie yatima wake.
13 Nawa ang kaniyang mga anak ay mawala; nawa ang kanilang mga pangalan ay mabura sa susunod na salinlahi.
Watoto wake waangamizwe; majina yao na yafutwe katika kizazi kijacho.
14 Nawa mabanggit ang kasalanan ng kaniyang mga ninuno kay Yahweh; at nawa ang kasalanan ng kaniyang ina ay hindi malimutan.
Uovu wa baba zake utajwe kwa Yahwe; na dhambi ya mama yake isisahaulike.
15 Nawa ang kanilang pagkakasala ay palaging nasa harapan ni Yahweh; nawa burahin ni Yahweh ang kanilang alaala mula sa mundong ito.
Hatia zao na ziwe mbele ya Yahwe siku zote; Yahwe na aiondoe kumbukumbu yao duniani.
16 Nawa gawin ito ni Yahweh dahil ang taong ito ay hindi kailanman nag-abala na magpakita ng kahit anong katapatan sa tipan, pero sa halip ay ginugulo ang mga api, mga nangangailangan, at mga pinanghinaan ng loob sa kamatayan.
Yahwe na afanye hivi kwa sababu mtu huyu kamwe hakusumbuka kuonesha uaminifu wa agano wowote, lakini badala yake aliwasumbua wanyonge, wahitaji, na kuwaua walio vunjika moyo.
17 Inibig niya ang pagsusumpa; nawa bumalik ito sa kaniya. Kinasusuklaman niya ang pagpapala; nawa walang pagpapala ang dumating sa kaniya.
Alipenda kulaani; na imrudie juu yake. Alichukia kubariki; baraka zozote na zisije kwake.
18 Sinuotan niya ang kaniyang sarili ng sumpa bilang kaniyang damit, at ang kaniyang sumpa ay pumasok sa kaniyang kalooban gaya ng tubig, gaya ng langis sa kaniyang mga buto.
Alijivika kulaani kana kwamba ni vazi lake, na laana yake iliingia ndani yake kama maji, na kama mafuta mifupani mwake.
19 Nawa ang mga sumpa ay maging gaya ng mga damit na kaniyang sinusuot para balutan ang kaniyang sarili, gaya ng sinturon na palagi niyang suot-suot.
Laana zake na ziwe kwake kama vazi avaalo kujifunika mwenyewe, na kama mkanda avaao kila siku.
20 Nawa ito ang maging gantimpala ng aking mga tagapagbintang mula kay Yahweh, mga nagsasabi ng masasamang bagay tungkol sa akin.
Na haya yawe malipo ya mshitaki wangu kutoka kwa Yahwe, ya wale wasemao mambo maovu juu yangu.
21 Yahweh aking Panginoon, pakitunguhan mo ako nang mabuti alang-alang sa ngalan mo. Dahil ang iyong katapatan sa tipan ay mabuti, iligtas mo ako.
Yahwe Bwana wangu, unishughulikie kwa wema kwa ajili ya jina lako. Kwa sababu uaminifu wa agano lako ni mwema, uniokoe.
22 Dahil sa ako ay naaapi at nangangailangan, at ang aking puso ay sugatan.
Kwa maana ni mnyonge na muhitaji, na moyo wangu umejeruhiwa ndani yangu.
23 Naglalaho ako gaya ng anino sa gabi; niyugyog ako gaya ng isang balang.
Ninatoweka kama kivuli cha jioni; ninapeperushwa kama nzige.
24 Humina ang aking mga tuhod mula sa pag-aayuno; nagiging balat at buto na ako.
Magoti yangu ni dhaifu kutokana na kufunga; ninakuwa mwembamba na mifupa.
25 Hinamak ako ng mga nagbibintang sa akin; kapag nakikita nila ako, iniiling nila ang kanilang mga ulo.
Nimedharauliwa na washitaki wangu; wanionapo; hutikisa vichwa vyao.
26 Tulungan mo ako, O Yahweh na aking Diyos; iligtas mo ako sa pamamagitan ng iyong katapatan sa tipan.
Nisaidie, Yahwe Mungu wangu; uniokoe kwa uaminifu wa agano lako.
27 Nawa malaman nila na ito ay iyong gawain, na ikaw, Yahweh ang gumawa nito.
Nao wajue kuwa wewe umefanya haya, kwamba wewe, Yahwe, umetenda haya.
28 Kahit sumpain nila ako, pakiusap pagpalain mo ako; kapag sinalakay nila ako, nawa (sila) ay mapahiya, pero nawa ang iyong lingkod ay magalak.
Ingawa wananilaani, tafadhali unibariki; wanishambuliapo, waaibishwe, lakini mtumishi wako afurahi.
29 Nawa ang mga kaaway ko ay mabalutan ng kahihiyan; nawa suotin nila ang kanilang kahihiyan gaya ng isang balabal.
Washitaki wangu na wavishwe kwa aibu; wavae aibu yao kama vazi.
30 Sa pamamagitan ng aking bibig magbibigay ako ng labis na pasasalamat kay Yahweh; pupurihin ko siya sa gitna ng maraming tao.
Kwa kinywa changu ninatoa shukrani kuu kwa Yahwe; nitamsifu yeye katikati ya kusanyiko.
31 Dahil siya ay tatayo sa kanang kamay ng nangangailangan, para iligtas siya mula sa mga nanghuhusga sa kaniya.
Maana nitasimama mkono wa kuume wa mhitaji, ili nimuokoe dhidi ya wale wanao muhukumu.