< Mga Awit 108 >

1 Nakatuon ang aking puso, O Diyos; aawit ako, oo, aawit ako ng mga papuri kasama ng aking naparangalang puso.
Canción: Salmo de David. MI corazón está dispuesto, oh Dios; cantaré y salmearé todavía en mi gloria.
2 Gising, lira at alpa; gigisingin ko ang madaling araw.
Despiértate, salterio y arpa: despertaré al alba.
3 Magbibigay ako ng pasasalamat sa iyo, Yawheh, sa gitna ng mamamayan; aawit ako ng mga papuri sa iyo sa mga bansa.
Te alabaré, oh Jehová, entre los pueblos; á ti cantaré salmos entre las naciones.
4 Dahil ang iyong katapatan sa tipan ay dakila sa ibabaw ng kalangitan; at ang iyong pagiging mapagkakatiwalaan ay umaabot sa himpapawid.
Porque grande más que los cielos es tu misericordia, y hasta los cielos tu verdad.
5 Itanghal ka, O Diyos, sa ibabaw ng kalangitan, at nawa ang iyong kaluwalhatian ay maparangalan sa buong mundo.
Ensálzate, oh Dios, sobre los cielos; y sobre toda la tierra tu gloria.
6 Para ang iyong mga minahal ay maligtas, sagipin mo kami ng iyong kanang kamay at sagutin kami.
Para que sean librados tus amados, salva con tu diestra y respóndeme.
7 Nagsalita ang Diyos sa kaniyang kabanalan; “Magdiriwang ako; hahatiin ko ang Shekem at hahatiin ang lambak ng Sucot.
Dios habló por su santuario: alegraréme, repartiré á Sichêm, y mediré el valle de Succoth.
8 Akin ang Gilead, at akin ang Manases; akin rin ang salakot ang Efraim; ang Juda ang aking setro.
Mío es Galaad, mío es Manasés; y Ephraim es la fortaleza de mi cabeza; Judá es mi legislador;
9 Ang Moab ang aking palanggana; sa Edom itatapon ko ang aking sapatos; sisigaw ako sa pagtatagumpay dahil sa Filistia.
Moab, la vasija de mi lavatorio: sobre Edom echaré mi calzado; regocijaréme sobre Palestina.
10 Sino ang magdadala sa akin sa matatag na bayan? Sino ang papatnubay sa akin sa Edom?”
¿Quién me guiará á la ciudad fortalecida? ¿quién me guiará hasta Idumea?
11 O Diyos, hindi mo ba kami tinalikuran? Hindi ka pumunta sa digmaan kasama ng aming mga sundalo.
Ciertamente tú, oh Dios, que nos habías desechado; y no salías, oh Dios, con nuestros ejércitos.
12 Bigyan mo kami ng tulong laban sa kaaway, dahil walang saysay ang tulong ng tao.
Danos socorro en la angustia: porque mentirosa es la salud del hombre.
13 Magtatagumpay kami sa tulong ng Diyos; tatapakan niya ang aming mga kaaway.
En Dios haremos proezas: y él hollará nuestros enemigos.

< Mga Awit 108 >