< Mga Awit 107 >

1 Magpasalamat kay Yahweh, dahil sa kaniyang kabutihan at ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman.
Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
2 Hayaang magsalita ang mga tinubos ni Yahweh, ang kaniyang mga sinagip mula sa kapangyarihan ng kaaway.
Sabihing gayon ng tinubos ng Panginoon, na kaniyang tinubos sa kamay ng kaaway;
3 Tinipon niya (sila) mula sa ibang mga lupain ng dayuhan, mula sa silangan at kanluran, mula sa hilaga at mula sa timog.
At mga pinisan mula sa mga lupain, mula sa silanganan, at mula sa kalunuran, mula sa hilagaan at mula sa timugan.
4 Naligaw (sila) sa ilang sa disyertong daan at walang lungsod na natagpuan para matirhan.
Sila'y nagsilaboy sa ilang, sa ulilang landas; sila'y hindi nakasumpong ng bayang tahanan.
5 Dahil gutom at uhaw (sila) nanghina (sila) sa kapaguran.
Gutom at uhaw, ang kanilang kaluluwa'y nanglupaypay sa kanila.
6 Pagkatapos tumawag (sila) kay Yahweh sa kanilang pagkabalisa, at sinagip niya (sila) mula sa kagipitan.
Nang magkagayo'y nagsidaing (sila) sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at iniligtas niya (sila) sa kanilang kahirapan.
7 Pinangunahan niya (sila) sa tuwid na landas para mapunta (sila) sa lungsod para manirahan.
Pinatnubayan naman niya (sila) sa matuwid na daan, upang sila'y magsiyaon sa bayang tahanan.
8 O papupurihan si Yahweh ng mga tao dahil sa kaniyang katapatan sa tipan at para sa mga kamangha-manghang bagay na kaniyang ginawa sa sangkatauhan!
Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
9 Dahil panapawi niya ang pananabik nilang mga nauuhaw, at ang mga pagnanasa nilang mga gutom ay kaniyang pinupuno ng magagandang bagay.
Sapagka't kaniyang binigyang kasiyahan ang nananabik na kaluluwa, at ang gutom na kaluluwa ay binusog niya ng kabutihan.
10 Naupo ang ilan sa kadiliman at sa lumbay, mga bilanggo sa kalungkutan at pagkagapos.
Ang gayong tumatahan sa kadiliman, at sa lilim ng kamatayan, na natatali sa dalamhati at pangaw;
11 Dahil nagrebelde (sila) laban sa salita ng Diyos at tinanggihan ang tagubilin ng nasa Kataas-taasan.
Sapagka't sila'y nanghimagsik laban sa mga salita ng Dios, at hinamak ang payo ng Kataastaasan:
12 Ibinaba niya ang kanilang mga puso sa paghihirap; Natisod (sila) at wala ni isa ang tumulong sa kanila.
Kaya't kaniyang ibinaba ang kanilang puso na may hirap; sila'y nangabuwal, at walang sumaklolo.
13 Kaya tumawag (sila) kay Yahweh sa kanilang problema at inalis niya (sila) mula sa kanilang kagipitan.
Nang magkagayo'y nagsidaing (sila) sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at iniligtas niya (sila) sa kanilang kahirapan.
14 Inalis niya (sila) mula sa kadiliman at lumbay at nilagot ang kanilang pagkakatali.
Inilabas niya (sila) sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan, at pinatid ang kanilang mga tali.
15 Magpupuri ang mga taong iyon kay Yahweh dahil sa kaniyang katapatan sa tipan at para sa mga kamangha-manghang bagay na kaniyang ginawa sa sangkatauhan!
Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
16 Dahil winasak niya ang mga tarangkahan na tanso at pinutol ang mga bakal na rehas.
Sapagka't kaniyang sinira ang mga pintuang-bayan na tanso, at pinutol ang mga halang na bakal.
17 Hangal (sila) sa kanilang suwail na mga pamamaraan at naghihirap dahil sa kanilang mga kasalanan.
Mga mangmang dahil sa kanilang mga pagsalangsang, at dahil sa kanilang mga kasamaan ay nadadalamhati.
18 Nawalan (sila) ng pagnanais na kumain ng kahit na anong pagkain at napalapit (sila) sa mga tarangkahan ng kamatayan.
Kinayayamutan ng kanilang kaluluwa ang sarisaring pagkain; at sila'y nagsisilapit sa mga pintuan ng kamatayan,
19 Kaya (sila) ay tumawag kay Yahweh sa kanilang problema at inalis niya (sila) mula sa kagipitan.
Nang magkagayo'y nagsidaing (sila) sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at iniligtas niya (sila) sa kanilang kahirapan.
20 Ipinadala niya ang kaniyang salita at pinagaling (sila) at sinagip niya (sila) mula sa kanilang pagkawasak.
Sinugo niya ang kaniyang salita, at pinagaling (sila) at iniligtas (sila) sa kanilang mga ikapapahamak.
21 Papupurihan nang mga taong iyon si Yahweh dahil sa kaniyang katapatan sa tipan at dahil sa mga kamangha-manghang bagay na kaniyang ginawa para sa sangkatauhan!
Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
22 Hayaan mo silang maghandog ng pasasalamat at magpahayag ng kaniyang mga ginawa sa pag-aawitan.
At mangaghandog (sila) ng mga hain na pasalamat, at ipahayag ang kaniyang mga gawa na may awitan.
23 Naglakbay ang iba sa dagat sa barko at nagnegosyo sa ibang bansa.
Silang nagsisibaba sa dagat sa mga sasakyan, na nangangalakal sa mga malawak na tubig;
24 Nakita nila ang mga gawa ni Yahweh at kaniyang kababalaghan sa mga dagat.
Ang mga ito'y nangakakakita ng mga gawa ng Panginoon, at ng kaniyang mga kababalaghan sa kalaliman.
25 Dahil ipinag-utos niya at ginising ang hangin ng bagyo na nagpaalon sa karagatan.
Sapagka't siya'y naguutos, at nagpapaunos, na nagbabangon ng mga alon niyaon.
26 Umabot ito sa himpapawid; bumaba (sila) sa pinakamalalim na lugar. Ang kanilang mga buhay ay nalusaw ng pagkabalisa.
Nagsisitaas sa mga langit, nagsisibaba uli sa mga kalaliman: ang kanilang kaluluwa ay natutunaw dahil sa kabagabagan.
27 Nayanig (sila) at sumuray-suray tulad ng mga lasinggero at (sila) ay nasa dulo ng kanilang diwa.
Sila'y hahampashampas na paroo't parito, at gigiraygiray na parang lasing, at ang kanilang karunungan ay nawala.
28 At tumawag (sila) kay Yahweh sa kanilang problema at inalis niya (sila) sa kanilang pagkabalisa.
Nang magkagayo'y nagsidaing (sila) sa Panginoon sa kanilang kabagabagan, at inilabas niya (sila) sa kanilang kahirapan.
29 Pinayapa niya ang bagyo at pinatahimik ang mga alon.
Kaniyang pinahihimpil ang bagyo, na anopa't ang mga alon niyaon ay nagsisitahimik.
30 Nagdiwang (sila) dahil kumalma ang dagat at dinala niya (sila) sa nais nilang daungan.
Nang magkagayo'y natutuwa (sila) dahil sa sila'y tiwasay. Sa gayo'y kaniyang dinadala (sila) sa daongang kanilang ibigin.
31 Nawa papupurihan ng mga taong iyon si Yahweh dahil sa kaniyang katapatan sa tipan at dahil sa mga kamangha-manghang bagay na kaniyang ginawa para sa sangkatauhan!
Oh purihin ng mga tao ang Panginoon dahil sa kaniyang kagandahang-loob, at dahil sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa sa mga anak ng mga tao!
32 Hayaan silang dakilain siya sa pagtitipon ng mga tao at papurihan siya sa samahan ng mga nakatatanda.
Ibunyi rin naman nila siya sa kapulungan ng bayan, at purihin siya sa upuan ng mga matanda.
33 Ginagawa niyang ilang ang mga ilog, tuyong lupa ang mga bukal na tubig,
Kaniyang pinapagiging ilang ang mga ilog, at uhaw na lupa ang mga bukal:
34 at tigang na lupa ang matabang lupa dahil sa kasamaan ng mga tao rito.
Na maalat na ilang ang mainam na lupain, dahil sa kasamaan nila na nagsisitahan doon.
35 Ginagawa niyang paliguan ang ilang at mga bukal na tubig ang tuyong lupa.
Kaniyang pinapagiging lawa ng mga tubig ang ilang, at mga bukal ang tuyong lupain.
36 Doon pinapatira niya ang nagugutom at (sila) ay nagtayo ng isang lungsod para tirahan.
At kaniyang pinatatahan doon ang gutom, upang makapaghanda (sila) ng bayang tahanan;
37 Gumagawa (sila) ng isang lungsod para maglagay ng bukirin para taniman ng ubasan, at para mamunga ito ng masaganang ani.
At maghasik sa mga bukid, at magtanim ng mga ubasan, at magtamo ng mga bunga na pakinabang.
38 Pinagpala niya (sila) para maging napakarami. Hindi niya hinayaan ang kanilang mga baka na mabawasan ng bilang.
Kaniya namang pinagpapala (sila) na anopa't sila'y lubhang nagsisidami; at hindi tinitiis na ang kanilang kawan ay magkulang.
39 Nawala (sila) at ibinaba sa pamamagitan ng kagipitan at paghihirap.
Muli, sila'y nakulangan at nahapay sa kapighatian, kabagabagan, at kahirapan.
40 Nagbuhos siya ng galit sa mga pinuno at nagdulot sa kanila na maligaw sa ilang, kung saan walang mga daan.
Kaniyang ibinubugso ang kadustaan sa mga pangulo, at kaniyang pinagagala (sila) sa ilang na walang lansangan.
41 Pero iniingatan niya ang nangangailangan mula sa sakit at inilagaan ang kaniyang mga pamilya tulad ng isang kawan.
Gayon ma'y iniuupo niya sa mataas ang mapagkailangan mula sa kadalamhatian, at ginagawan siya ng mga angkan na parang kawan.
42 Makikita ito ng matuwid at magdiriwang at mananahimik ang kasamaan.
Makikita ng matuwid, at matutuwa; at titikumin ng lahat ng kasamaan ang kaniyang bibig.
43 Dapat tandaan ng sinuman ang mga bagay na ito at magnilay-nilay sa tipan na pagkilos ni Yahweh.
Kung sino ang pantas ay magbulay sa mga bagay na ito, at kanilang magugunita ang mga kagandahang-loob ng Panginoon.

< Mga Awit 107 >