< Mga Awit 107 >
1 Magpasalamat kay Yahweh, dahil sa kaniyang kabutihan at ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman.
2 Hayaang magsalita ang mga tinubos ni Yahweh, ang kaniyang mga sinagip mula sa kapangyarihan ng kaaway.
3 Tinipon niya (sila) mula sa ibang mga lupain ng dayuhan, mula sa silangan at kanluran, mula sa hilaga at mula sa timog.
4 Naligaw (sila) sa ilang sa disyertong daan at walang lungsod na natagpuan para matirhan.
5 Dahil gutom at uhaw (sila) nanghina (sila) sa kapaguran.
6 Pagkatapos tumawag (sila) kay Yahweh sa kanilang pagkabalisa, at sinagip niya (sila) mula sa kagipitan.
7 Pinangunahan niya (sila) sa tuwid na landas para mapunta (sila) sa lungsod para manirahan.
8 O papupurihan si Yahweh ng mga tao dahil sa kaniyang katapatan sa tipan at para sa mga kamangha-manghang bagay na kaniyang ginawa sa sangkatauhan!
9 Dahil panapawi niya ang pananabik nilang mga nauuhaw, at ang mga pagnanasa nilang mga gutom ay kaniyang pinupuno ng magagandang bagay.
10 Naupo ang ilan sa kadiliman at sa lumbay, mga bilanggo sa kalungkutan at pagkagapos.
11 Dahil nagrebelde (sila) laban sa salita ng Diyos at tinanggihan ang tagubilin ng nasa Kataas-taasan.
12 Ibinaba niya ang kanilang mga puso sa paghihirap; Natisod (sila) at wala ni isa ang tumulong sa kanila.
13 Kaya tumawag (sila) kay Yahweh sa kanilang problema at inalis niya (sila) mula sa kanilang kagipitan.
14 Inalis niya (sila) mula sa kadiliman at lumbay at nilagot ang kanilang pagkakatali.
15 Magpupuri ang mga taong iyon kay Yahweh dahil sa kaniyang katapatan sa tipan at para sa mga kamangha-manghang bagay na kaniyang ginawa sa sangkatauhan!
16 Dahil winasak niya ang mga tarangkahan na tanso at pinutol ang mga bakal na rehas.
17 Hangal (sila) sa kanilang suwail na mga pamamaraan at naghihirap dahil sa kanilang mga kasalanan.
18 Nawalan (sila) ng pagnanais na kumain ng kahit na anong pagkain at napalapit (sila) sa mga tarangkahan ng kamatayan.
19 Kaya (sila) ay tumawag kay Yahweh sa kanilang problema at inalis niya (sila) mula sa kagipitan.
20 Ipinadala niya ang kaniyang salita at pinagaling (sila) at sinagip niya (sila) mula sa kanilang pagkawasak.
21 Papupurihan nang mga taong iyon si Yahweh dahil sa kaniyang katapatan sa tipan at dahil sa mga kamangha-manghang bagay na kaniyang ginawa para sa sangkatauhan!
22 Hayaan mo silang maghandog ng pasasalamat at magpahayag ng kaniyang mga ginawa sa pag-aawitan.
23 Naglakbay ang iba sa dagat sa barko at nagnegosyo sa ibang bansa.
24 Nakita nila ang mga gawa ni Yahweh at kaniyang kababalaghan sa mga dagat.
25 Dahil ipinag-utos niya at ginising ang hangin ng bagyo na nagpaalon sa karagatan.
26 Umabot ito sa himpapawid; bumaba (sila) sa pinakamalalim na lugar. Ang kanilang mga buhay ay nalusaw ng pagkabalisa.
27 Nayanig (sila) at sumuray-suray tulad ng mga lasinggero at (sila) ay nasa dulo ng kanilang diwa.
28 At tumawag (sila) kay Yahweh sa kanilang problema at inalis niya (sila) sa kanilang pagkabalisa.
29 Pinayapa niya ang bagyo at pinatahimik ang mga alon.
30 Nagdiwang (sila) dahil kumalma ang dagat at dinala niya (sila) sa nais nilang daungan.
31 Nawa papupurihan ng mga taong iyon si Yahweh dahil sa kaniyang katapatan sa tipan at dahil sa mga kamangha-manghang bagay na kaniyang ginawa para sa sangkatauhan!
32 Hayaan silang dakilain siya sa pagtitipon ng mga tao at papurihan siya sa samahan ng mga nakatatanda.
33 Ginagawa niyang ilang ang mga ilog, tuyong lupa ang mga bukal na tubig,
34 at tigang na lupa ang matabang lupa dahil sa kasamaan ng mga tao rito.
35 Ginagawa niyang paliguan ang ilang at mga bukal na tubig ang tuyong lupa.
36 Doon pinapatira niya ang nagugutom at (sila) ay nagtayo ng isang lungsod para tirahan.
37 Gumagawa (sila) ng isang lungsod para maglagay ng bukirin para taniman ng ubasan, at para mamunga ito ng masaganang ani.
38 Pinagpala niya (sila) para maging napakarami. Hindi niya hinayaan ang kanilang mga baka na mabawasan ng bilang.
39 Nawala (sila) at ibinaba sa pamamagitan ng kagipitan at paghihirap.
40 Nagbuhos siya ng galit sa mga pinuno at nagdulot sa kanila na maligaw sa ilang, kung saan walang mga daan.
41 Pero iniingatan niya ang nangangailangan mula sa sakit at inilagaan ang kaniyang mga pamilya tulad ng isang kawan.
42 Makikita ito ng matuwid at magdiriwang at mananahimik ang kasamaan.
43 Dapat tandaan ng sinuman ang mga bagay na ito at magnilay-nilay sa tipan na pagkilos ni Yahweh.