< Mga Awit 107 >

1 Magpasalamat kay Yahweh, dahil sa kaniyang kabutihan at ang kaniyang katapatan sa tipan ay mananatili magpakailanman.
'Give ye thanks to Jehovah, For good, for to the age [is] His kindness:'
2 Hayaang magsalita ang mga tinubos ni Yahweh, ang kaniyang mga sinagip mula sa kapangyarihan ng kaaway.
Let the redeemed of Jehovah say, Whom He redeemed from the hand of an adversary.
3 Tinipon niya (sila) mula sa ibang mga lupain ng dayuhan, mula sa silangan at kanluran, mula sa hilaga at mula sa timog.
And from the lands hath gathered them, From east and from west, From north, and from the sea.
4 Naligaw (sila) sa ilang sa disyertong daan at walang lungsod na natagpuan para matirhan.
They wandered in a wilderness, in a desert by the way, A city of habitation they have not found.
5 Dahil gutom at uhaw (sila) nanghina (sila) sa kapaguran.
Hungry — yea — thirsty, Their soul in them becometh feeble,
6 Pagkatapos tumawag (sila) kay Yahweh sa kanilang pagkabalisa, at sinagip niya (sila) mula sa kagipitan.
And they cry unto Jehovah in their adversity, From their distress He delivereth them,
7 Pinangunahan niya (sila) sa tuwid na landas para mapunta (sila) sa lungsod para manirahan.
And causeth them to tread in a right way, To go unto a city of habitation.
8 O papupurihan si Yahweh ng mga tao dahil sa kaniyang katapatan sa tipan at para sa mga kamangha-manghang bagay na kaniyang ginawa sa sangkatauhan!
They confess to Jehovah His kindness, And His wonders to the sons of men.
9 Dahil panapawi niya ang pananabik nilang mga nauuhaw, at ang mga pagnanasa nilang mga gutom ay kaniyang pinupuno ng magagandang bagay.
For He hath satisfied a longing soul, And a hungry soul hath filled [with] goodness.
10 Naupo ang ilan sa kadiliman at sa lumbay, mga bilanggo sa kalungkutan at pagkagapos.
Inhabitants of dark places and death-shade, Prisoners of affliction and of iron,
11 Dahil nagrebelde (sila) laban sa salita ng Diyos at tinanggihan ang tagubilin ng nasa Kataas-taasan.
Because they changed the saying of God, And the counsel of the Most High despised.
12 Ibinaba niya ang kanilang mga puso sa paghihirap; Natisod (sila) at wala ni isa ang tumulong sa kanila.
And He humbleth with labour their heart, They have been feeble, and there is no helper.
13 Kaya tumawag (sila) kay Yahweh sa kanilang problema at inalis niya (sila) mula sa kanilang kagipitan.
And they cry unto Jehovah in their adversity, From their distresses He saveth them.
14 Inalis niya (sila) mula sa kadiliman at lumbay at nilagot ang kanilang pagkakatali.
He bringeth them out from the dark place, And death-shade, And their bands He draweth away.
15 Magpupuri ang mga taong iyon kay Yahweh dahil sa kaniyang katapatan sa tipan at para sa mga kamangha-manghang bagay na kaniyang ginawa sa sangkatauhan!
They confess to Jehovah His kindness, And His wonders to the sons of men.
16 Dahil winasak niya ang mga tarangkahan na tanso at pinutol ang mga bakal na rehas.
For He hath broken doors of brass, And bars of iron He hath cut.
17 Hangal (sila) sa kanilang suwail na mga pamamaraan at naghihirap dahil sa kanilang mga kasalanan.
Fools, by means of their transgression, And by their iniquities, afflict themselves.
18 Nawalan (sila) ng pagnanais na kumain ng kahit na anong pagkain at napalapit (sila) sa mga tarangkahan ng kamatayan.
All food doth their soul abominate, And they come nigh unto the gates of death,
19 Kaya (sila) ay tumawag kay Yahweh sa kanilang problema at inalis niya (sila) mula sa kagipitan.
And cry unto Jehovah in their adversity, From their distresses He saveth them,
20 Ipinadala niya ang kaniyang salita at pinagaling (sila) at sinagip niya (sila) mula sa kanilang pagkawasak.
He sendeth His word and healeth them, And delivereth from their destructions.
21 Papupurihan nang mga taong iyon si Yahweh dahil sa kaniyang katapatan sa tipan at dahil sa mga kamangha-manghang bagay na kaniyang ginawa para sa sangkatauhan!
They confess to Jehovah His kindness, And His wonders to the sons of men,
22 Hayaan mo silang maghandog ng pasasalamat at magpahayag ng kaniyang mga ginawa sa pag-aawitan.
And they sacrifice sacrifices of thanksgiving, And recount His works with singing.
23 Naglakbay ang iba sa dagat sa barko at nagnegosyo sa ibang bansa.
Those going down [to] the sea in ships, Doing business in many waters,
24 Nakita nila ang mga gawa ni Yahweh at kaniyang kababalaghan sa mga dagat.
They have seen the works of Jehovah, And His wonders in the deep.
25 Dahil ipinag-utos niya at ginising ang hangin ng bagyo na nagpaalon sa karagatan.
And He saith, and appointeth a tempest, And it lifteth up its billows,
26 Umabot ito sa himpapawid; bumaba (sila) sa pinakamalalim na lugar. Ang kanilang mga buhay ay nalusaw ng pagkabalisa.
They go up [to] the heavens, they go down [to] the depths, Their soul in evil is melted.
27 Nayanig (sila) at sumuray-suray tulad ng mga lasinggero at (sila) ay nasa dulo ng kanilang diwa.
They reel to and fro, and move as a drunkard, And all their wisdom is swallowed up.
28 At tumawag (sila) kay Yahweh sa kanilang problema at inalis niya (sila) sa kanilang pagkabalisa.
And they cry to Jehovah in their adversity, And from their distresses He bringeth them out.
29 Pinayapa niya ang bagyo at pinatahimik ang mga alon.
He establisheth a whirlwind to a calm, And hushed are their billows.
30 Nagdiwang (sila) dahil kumalma ang dagat at dinala niya (sila) sa nais nilang daungan.
And they rejoice because they are quiet, And He leadeth them to the haven of their desire.
31 Nawa papupurihan ng mga taong iyon si Yahweh dahil sa kaniyang katapatan sa tipan at dahil sa mga kamangha-manghang bagay na kaniyang ginawa para sa sangkatauhan!
They confess to Jehovah His kindness, And His wonders to the sons of men,
32 Hayaan silang dakilain siya sa pagtitipon ng mga tao at papurihan siya sa samahan ng mga nakatatanda.
And they exalt Him in the assembly of the people, And in the seat of the elders praise Him.
33 Ginagawa niyang ilang ang mga ilog, tuyong lupa ang mga bukal na tubig,
He maketh rivers become a wilderness, And fountains of waters become dry land.
34 at tigang na lupa ang matabang lupa dahil sa kasamaan ng mga tao rito.
A fruitful land becometh a barren place, For the wickedness of its inhabitants.
35 Ginagawa niyang paliguan ang ilang at mga bukal na tubig ang tuyong lupa.
He maketh a wilderness become a pool of water, And a dry land become fountains of waters.
36 Doon pinapatira niya ang nagugutom at (sila) ay nagtayo ng isang lungsod para tirahan.
And He causeth the hungry to dwell there, And they prepare a city of habitation.
37 Gumagawa (sila) ng isang lungsod para maglagay ng bukirin para taniman ng ubasan, at para mamunga ito ng masaganang ani.
And they sow fields, and plant vineyards, And they make fruits of increase.
38 Pinagpala niya (sila) para maging napakarami. Hindi niya hinayaan ang kanilang mga baka na mabawasan ng bilang.
And He blesseth them, and they multiply exceedingly, And their cattle He doth not diminish.
39 Nawala (sila) at ibinaba sa pamamagitan ng kagipitan at paghihirap.
And they are diminished, and bow down, By restraint, evil, and sorrow.
40 Nagbuhos siya ng galit sa mga pinuno at nagdulot sa kanila na maligaw sa ilang, kung saan walang mga daan.
He is pouring contempt upon nobles, And causeth them to wander in vacancy — no way.
41 Pero iniingatan niya ang nangangailangan mula sa sakit at inilagaan ang kaniyang mga pamilya tulad ng isang kawan.
And setteth on high the needy from affliction, And placeth families as a flock.
42 Makikita ito ng matuwid at magdiriwang at mananahimik ang kasamaan.
The upright do see and rejoice, And all perversity hath shut her mouth.
43 Dapat tandaan ng sinuman ang mga bagay na ito at magnilay-nilay sa tipan na pagkilos ni Yahweh.
Who [is] wise, and observeth these? They understand the kind acts of Jehovah!

< Mga Awit 107 >