< Mga Awit 105 >

1 Magpasalamat kayo kay Yahweh, tumawag kayo sa kaniyang pangalan; ipaalam ninyo ang kaniyang mga gawa sa mga bansa.
ヱホバに感謝してその名をよび そのなしたまへる事をもろもろの民輩のなかにしらしめよ
2 Umawit sa kaniya, umawit sa kaniya ng mga papuri; Ipahayag ang lahat ng kaniyang mga kamangha-manghang gawa.
ヱホバにむかひてうたへヱホバを讃うたへ そのもろもろの妙なる事跡をかたれ
3 Magmalaki sa kaniyang banal na pangalan; hayaang magalak ang puso nilang naghahanap kay Yahweh.
そのきよき名をほこれ ヱホバをたづねもとむるものの心はよろこぶべし
4 Hanapin si Yahweh at ang kaniyang kalakasan; patuloy na hanapin ang kaniyang presensya.
ヱホバとその能力とをたづねもとめよ つねにその聖顔をたづねよ
5 Alalahanin ang mga kahanga-hangang bagay na kaniyang ginawa, ang kaniyang mga himala at ang mga kautusan mula sa kaniyang bibig,
その僕アブラムの裔よヤコブの子輩よ そのえらびたまひし所のものよ そのなしたまへる妙なるみわざと奇しき事跡とその口のさばきとを心にとむれ
6 kayong mga kaapu-apuhan ni Abraham na kaniyang lingkod, kayong mga anak ni Jacob, na kaniyang mga pinili.
その僕アブラムの裔よヤコブの子輩よ そのえらびたまひし所のものよ そのなしたまへる妙なるみわざと奇しき事跡とその口のさばきとを心にとむれ
7 Siya si Yahweh, ang ating Diyos. Ang kaniyang mga kautusan ay sumasaklaw sa buong mundo.
彼はわれらの神ヱホバなり そのみさばきは全地にあり
8 Inaalala niya ang kaniyang tipan magpakailanman, ang salita na kaniyang iniutos sa sanlibong salinlahi.
ヱホバはたえずその契約をみこころに記たまへり 此はよろづ代に命じたまひし聖言なり
9 Iniisip niya ang tipan na kaniyang ginawa kasama ni Abraham at ang kaniyang panunumpa kay Isaac.
アブラハムとむすびたまひし契約イサクに與へたまひし誓なり
10 Ito ay kung ano ang pinagtibay kay Jacob na alituntunin at sa Israel na magpasawalang-hanggang tipan.
之をかたくしヤコブのために律法となし イスラエルのためにとこしへの契約となして
11 Sinabi niya, “Ibibigay ko ang lupain ng Canaan bilang bahagi ng iyong mana.”
言たまひけるは我なんぢにカナンの地をたまひてなんぢらの嗣業の分となさん
12 Sinabi niya ito noong kaunti pa lamang ang bilang nila, labis na kaunti, at mga dayuhan pa sa lupain.
この時かれらの數おほからず甚すくなくしてかしこにて旅人となり
13 Galing (sila) mula sa isang bansa tungo sa ibang bansa at mula sa isang kaharian patungo sa isa pa.
この國よりかの國にゆき この國よりほかの民にゆけり
14 Hindi niya ipinahintulutang apihin (sila) ng sinuman; kaniyang sinuway ang mga hari dahil sa kanilang kapakanan.
人のかれらを虐ぐるをゆるし給はず かれらの故によりて王たちを懲しめて
15 Sinabi niya, “Huwag ninyong galawin ang mga hinirang, at huwag ninyong gawan ng masama ang aking mga propeta.”
宣給くわが受膏者たちにふるるなかれ わが預言者たちをそこなふなかれ
16 Nagdala siya ng taggutom sa lupa; pinutol niya ang lahat ng pinagkukunan ng tinapay.
ヱホバは饑饉たを地にまねき 人の杖とする糧をことごとく碎きたまへり
17 Pinauna niya ang isang lalaki sa kanila; ipinagbili si Jose bilang isang alipin.
又かれらの前にひとりを遣したまへり ヨセフはうられて僕となりぬ
18 Ginapos ang kaniyang mga paa ng kadena; mga bakal na kadena ang itinali sa kaniya.
かれら足械をもてヨセフの足をそこなひ くろかねの鏈をもてその霊魂をつなげり
19 hanggang sa panahon na ang kaniyang hula ay nagkatotoo. Pinatunayan ng salita ni Yahweh na siya ay matuwid.
斯てそのことばの驗をうるまでに及ぶ ヱホバのみことば彼をこころみたまへり
20 Nagpadala ang hari ng mga lingkod para pakawalan siya; pinalaya siya ng pinuno ng mga tao.
王は人をつかはしてこれを解き もろもろの民の長はこれをゆるし
21 Siya ay itinalagang mamahala sa kaniyang bahay bilang pinuno ng lahat ng kaniyang mga ari-arian
之をその家司となし その財寶をことごとく司どらせ
22 para pangunahan ang kaniyang mga prinsipe ayon sa kaniyang hiling at para turuan ang mga nakatatanda ng karunungan.
その心のままにかの國のきみたちを縛しめ 長老たちに智慧ををしへしむ
23 Pagkatapos, dumating ang Israel sa Ehipto, at si Jacob ay nanirahan ng matagal sa lupain ng Ham.
イスラエルも亦エジプトにゆき ヤコブはハムの地にやどれり
24 Pinarami ng Diyos ang kaniyang bayan at ginawa niyang mas marami kaysa sa kanilang mga kalaban.
ヱホバはその民を大にましくはへ之をその敵よりも強くしたまへり
25 Siya ang nagdulot sa kanilang mga kaaway na kapootan ang kaniyang bayan, para abusuhin ang kaniyang mga lingkod.
また敵のこころをかへておのれの民をにくましめ おのれの僕輩をあざむき待さしめたまへり
26 Pinadala niya si Moises, ang kaniyang lingkod, at si Aaron, na kaniyang pinili.
又そのしもべモーセとその選びたまへるアロンとを遣したまへり
27 Isinagawa nila ang kaniyang mga himala sa mga taga-Ehipto, ang kaniyang mga kababalaghan sa lupain ng Ham.
かれらはヱホバの預兆をハムの地におこなひ またその國にくすしき事をおこなへり
28 Nagpadala siya ng kadiliman at pinadilim ang lupain, pero hindi sumunod sa kaniyang mga utos ang mga tao rito.
ヱホバは闇をつかはして暗くしたまへり かれらその聖言にそむくことをせざりき
29 Ginawa niyang dugo ang tubig at pinatay ang kanilang mga isda.
彼等のすべての水を血にかへてその魚をころしたまへり
30 Ang kanilang lupain ay napuno ng mga palaka, kahit sa mga silid ng kanilang mga pinuno.
かれらの國は蛙むれいでて王の殿のうちにまでみちふさがりぬ
31 Nagsalita siya, at dumating ang mga pulutong ng langaw at niknik sa buong bansa nila.
ヱホバいひたまへば蝿むらがり蚤そのすべての境にいりきたりぬ
32 Nagpadala siya ng yelo at ulan na may kasamang kidlat at kulog sa kanilang lupain.
また雨にかへて霰をかれらに與へもゆる火をかれらの國にふらし
33 Winasak niya ang kanilang ubasan at mga puno ng igos; at binali niya ang mga puno sa kanilang bansa.
かれらの葡萄の樹といちじくの樹とをうちその境のもろちろの樹ををりくだきたまへり
34 Nagsalita siya, at dumating ang mga balang, napakaraming mga balang.
ヱホバいひたまへば算しられぬ蝗と蟊賊きたり
35 Kinain ng mga balang ang lahat ng gulayan sa kanilang lupain; at kinain nila ang lahat ng mga pananim sa lupa.
かれらの國のすべての田產をはみつくしその地のすべての實を食つくせり
36 Pinatay niya ang lahat ng panganay sa kanilang lupain, ang mga unang bunga ng lahat ng kanilang kalakasan.
ヱホバはかれらの國のすべての首出者をうち かれらのすべての力の始をうちたまへり
37 Inilabas niya ang mga Israelita na may dalang pilak at ginto; walang sinuman sa kaniyang angkan ang natisod sa daan.
しろかね黄金をたづさへて彼等をいでゆかしめたまへり その家族のうちに一人のよわき者もなかりき
38 Natuwa ang Ehipto nang (sila) ay umalis, dahil takot sa kanila ang mga taga-Ehipto.
エジプトはかれらの出るをよろこべり かれらをおそるるの念そのうちにおこりたればなり
39 Ikinalat niya ang ulap para maging takip at gumawa ng apoy para magbigay liwanag sa gabi.
ヱホバは雲をしきて蓋となし夜は火をもて照したまへり
40 Humingi ng pagkain ang mga Israelita, at nagdala siya ng mga pugo at binusog (sila) ng tinapay mula sa langit.
又かれらの求によりて鶉をきたらしめ天の餅にてかれらを飽しめたまへり
41 Biniyak niya ang malaking bato, at bumulwak ang tubig mula rito; umagos ito sa ilang tulad ng ilog.
磐をひらきたまへば水ほどばしりいで 潤ひなきところに川をなして流れいでたり
42 Dahil inaalala niya ang kaniyang banal na pangako na kaniyang ginawa kay Abraham na kaniyang lingkod.
ヱホバそのきよき聖言とその僕アブラハムとをおもひいでたまひたればなり
43 Inilabas niya ang kaniyang bayan na may kagalakan, ang kaniyang pinili na may sigaw ng katagumpayan.
その民をみちびきて歓びつついでしめ そのえらべる民をみちびきて謳ひつついでしめたまへり
44 Ibinigay niya sa kanila ang mga lupain ng mga bansa; inangkin nila ang mga kayamanan ng mga tao
もろもろの國人の地をかれらに與へたまひしかば 彼等もろもろのたみの勤勞をおのが有とせり
45 nang sa gayon ay mapanatili nila ang kaniyang mga alituntunin at sundin ang kaniyang mga kautusan. Purihin si Yahweh.
こは彼等がその律にしたがひその法をまもらんが爲なり ヱホバをほめたたへよ

< Mga Awit 105 >