< Mga Awit 105 >

1 Magpasalamat kayo kay Yahweh, tumawag kayo sa kaniyang pangalan; ipaalam ninyo ang kaniyang mga gawa sa mga bansa.
Give ye thanks to Jehovah — call ye in His name, Make known among the peoples His acts.
2 Umawit sa kaniya, umawit sa kaniya ng mga papuri; Ipahayag ang lahat ng kaniyang mga kamangha-manghang gawa.
Sing ye to Him — sing praise to Him, Meditate ye on all His wonders.
3 Magmalaki sa kaniyang banal na pangalan; hayaang magalak ang puso nilang naghahanap kay Yahweh.
Boast yourselves in His Holy Name, The heart of those seeking Jehovah rejoiceth.
4 Hanapin si Yahweh at ang kaniyang kalakasan; patuloy na hanapin ang kaniyang presensya.
Seek ye Jehovah and His strength, Seek ye His face continually.
5 Alalahanin ang mga kahanga-hangang bagay na kaniyang ginawa, ang kaniyang mga himala at ang mga kautusan mula sa kaniyang bibig,
Remember His wonders that He did, His signs and the judgments of His mouth.
6 kayong mga kaapu-apuhan ni Abraham na kaniyang lingkod, kayong mga anak ni Jacob, na kaniyang mga pinili.
O seed of Abraham, His servant, O sons of Jacob, His chosen ones.
7 Siya si Yahweh, ang ating Diyos. Ang kaniyang mga kautusan ay sumasaklaw sa buong mundo.
He [is] Jehovah our God, In all the earth [are] His judgments.
8 Inaalala niya ang kaniyang tipan magpakailanman, ang salita na kaniyang iniutos sa sanlibong salinlahi.
He hath remembered to the age His covenant, The word He commanded to a thousand generations,
9 Iniisip niya ang tipan na kaniyang ginawa kasama ni Abraham at ang kaniyang panunumpa kay Isaac.
That He hath made with Abraham, And His oath to Isaac,
10 Ito ay kung ano ang pinagtibay kay Jacob na alituntunin at sa Israel na magpasawalang-hanggang tipan.
And doth establish it to Jacob for a statute, To Israel — a covenant age-during,
11 Sinabi niya, “Ibibigay ko ang lupain ng Canaan bilang bahagi ng iyong mana.”
Saying, 'To thee I give the land of Canaan, The portion of your inheritance,'
12 Sinabi niya ito noong kaunti pa lamang ang bilang nila, labis na kaunti, at mga dayuhan pa sa lupain.
In their being few in number, But a few, and sojourners in it.
13 Galing (sila) mula sa isang bansa tungo sa ibang bansa at mula sa isang kaharian patungo sa isa pa.
And they go up and down, from nation unto nation, From a kingdom unto another people.
14 Hindi niya ipinahintulutang apihin (sila) ng sinuman; kaniyang sinuway ang mga hari dahil sa kanilang kapakanan.
He hath not suffered any to oppress them And He reproveth for their sakes kings.
15 Sinabi niya, “Huwag ninyong galawin ang mga hinirang, at huwag ninyong gawan ng masama ang aking mga propeta.”
'Strike not against Mine anointed, And to My prophets do not evil.'
16 Nagdala siya ng taggutom sa lupa; pinutol niya ang lahat ng pinagkukunan ng tinapay.
And He calleth a famine on the land, The whole staff of bread He hath broken.
17 Pinauna niya ang isang lalaki sa kanila; ipinagbili si Jose bilang isang alipin.
He hath sent before them a man, For a servant hath Joseph been sold.
18 Ginapos ang kaniyang mga paa ng kadena; mga bakal na kadena ang itinali sa kaniya.
They have afflicted with fetters his feet, Iron hath entered his soul,
19 hanggang sa panahon na ang kaniyang hula ay nagkatotoo. Pinatunayan ng salita ni Yahweh na siya ay matuwid.
Till the time of the coming of His word The saying of Jehovah hath tried him.
20 Nagpadala ang hari ng mga lingkod para pakawalan siya; pinalaya siya ng pinuno ng mga tao.
The king hath sent, and looseth him, The ruler of the peoples, and draweth him out.
21 Siya ay itinalagang mamahala sa kaniyang bahay bilang pinuno ng lahat ng kaniyang mga ari-arian
He hath made him lord of his house, And ruler over all his possessions.
22 para pangunahan ang kaniyang mga prinsipe ayon sa kaniyang hiling at para turuan ang mga nakatatanda ng karunungan.
To bind his chiefs at his pleasure, And his elders he maketh wise.
23 Pagkatapos, dumating ang Israel sa Ehipto, at si Jacob ay nanirahan ng matagal sa lupain ng Ham.
And Israel cometh in to Egypt, And Jacob hath sojourned in the land of Ham.
24 Pinarami ng Diyos ang kaniyang bayan at ginawa niyang mas marami kaysa sa kanilang mga kalaban.
And He maketh His people very fruitful, And maketh it mightier than its adversaries.
25 Siya ang nagdulot sa kanilang mga kaaway na kapootan ang kaniyang bayan, para abusuhin ang kaniyang mga lingkod.
He turned their heart to hate His people, To conspire against His servants.
26 Pinadala niya si Moises, ang kaniyang lingkod, at si Aaron, na kaniyang pinili.
He hath sent Moses His servant, Aaron whom He had fixed on.
27 Isinagawa nila ang kaniyang mga himala sa mga taga-Ehipto, ang kaniyang mga kababalaghan sa lupain ng Ham.
They have set among them the matters of His signs, And wonders in the land of Ham.
28 Nagpadala siya ng kadiliman at pinadilim ang lupain, pero hindi sumunod sa kaniyang mga utos ang mga tao rito.
He hath sent darkness, and it is dark, And they have not provoked His word.
29 Ginawa niyang dugo ang tubig at pinatay ang kanilang mga isda.
He hath turned their waters to blood, And putteth to death their fish.
30 Ang kanilang lupain ay napuno ng mga palaka, kahit sa mga silid ng kanilang mga pinuno.
Teemed hath their land [with] frogs, In the inner chambers of their kings.
31 Nagsalita siya, at dumating ang mga pulutong ng langaw at niknik sa buong bansa nila.
He hath said, and the beetle cometh, Lice into all their border.
32 Nagpadala siya ng yelo at ulan na may kasamang kidlat at kulog sa kanilang lupain.
He hath made their showers hail, A flaming fire [is] in their land.
33 Winasak niya ang kanilang ubasan at mga puno ng igos; at binali niya ang mga puno sa kanilang bansa.
And He smiteth their vine and their fig, And shivereth the trees of their border.
34 Nagsalita siya, at dumating ang mga balang, napakaraming mga balang.
He hath said, and the locust cometh, And the cankerworm — innumerable,
35 Kinain ng mga balang ang lahat ng gulayan sa kanilang lupain; at kinain nila ang lahat ng mga pananim sa lupa.
And it consumeth every herb in their land, And it consumeth the fruit of their ground.
36 Pinatay niya ang lahat ng panganay sa kanilang lupain, ang mga unang bunga ng lahat ng kanilang kalakasan.
And He smiteth every first-born in their land, The first-fruit of all their strength,
37 Inilabas niya ang mga Israelita na may dalang pilak at ginto; walang sinuman sa kaniyang angkan ang natisod sa daan.
And bringeth them out with silver and gold, And there is not in its tribes a feeble one.
38 Natuwa ang Ehipto nang (sila) ay umalis, dahil takot sa kanila ang mga taga-Ehipto.
Rejoiced hath Egypt in their going forth, For their fear had fallen upon them.
39 Ikinalat niya ang ulap para maging takip at gumawa ng apoy para magbigay liwanag sa gabi.
He hath spread a cloud for a covering, And fire to enlighten the night.
40 Humingi ng pagkain ang mga Israelita, at nagdala siya ng mga pugo at binusog (sila) ng tinapay mula sa langit.
They have asked, and He bringeth quails, And [with] bread of heaven satisfieth them.
41 Biniyak niya ang malaking bato, at bumulwak ang tubig mula rito; umagos ito sa ilang tulad ng ilog.
He hath opened a rock, and waters issue, They have gone on in dry places — a river.
42 Dahil inaalala niya ang kaniyang banal na pangako na kaniyang ginawa kay Abraham na kaniyang lingkod.
For He hath remembered His holy word, With Abraham His servant,
43 Inilabas niya ang kaniyang bayan na may kagalakan, ang kaniyang pinili na may sigaw ng katagumpayan.
And He bringeth forth His people with joy, With singing His chosen ones.
44 Ibinigay niya sa kanila ang mga lupain ng mga bansa; inangkin nila ang mga kayamanan ng mga tao
And He giveth to them the lands of nations, And the labour of peoples they possess,
45 nang sa gayon ay mapanatili nila ang kaniyang mga alituntunin at sundin ang kaniyang mga kautusan. Purihin si Yahweh.
That they may observe His statutes, And His laws may keep. Praise ye Jehovah!

< Mga Awit 105 >