< Mga Awit 104 >
1 Pupurihin ko si Yahweh nang buong buhay ko, Yahweh aking Diyos, lubhang kahanga-hanga ka; dinadamitan ka ng kaningningan at kamahalan.
Благосиљај, душо моја, Господа! Господе, Боже мој, велик си веома, обукао си се у величанство и красоту.
2 Nilulukuban mo ang iyong sarili ng liwanag gaya ng isang damit; inilalatag mo ang kalangitan na parang isang kurtina ng tolda.
Обукао си светлост као хаљину, разапео небо као шатор;
3 Nilalagay mo ang mga biga ng iyong mga silid sa ibabaw ng mga ulap; ginagawa mong sariling karwahe ang mga ulap; lumalakad ka sa ibabaw ng mga pakpak ng hangin.
Водом си покрио дворове своје, облаке начинио си да су Ти кола, идеш на крилима ветреним.
4 Ginagawa niyang mensahero niya ang mga hangin, mga liyab ng apoy ay kanyang mga lingkod.
Чиниш ветрове да су Ти анђели, пламен огњени да су Ти слуге.
5 Inilagay niya ang mga pundasyon ng daigdig, at hindi ito kailanman matitinag.
Утврдио си земљу на темељима њеним, да се не помести на век века.
6 Binalot mo ang daigdig ng tubig tulad ng isang damit; binalot ng tubig ang mga bundok.
Безданом као хаљином оденуо си је; на горама стоје воде.
7 Ang pagsusuway mo ang nagpaurong ng mga tubig; sa tunog ng iyong dumadagundong na tinig, (sila) ay lumayo.
Од претње Твоје беже, од громовног гласа Твог теку.
8 Lumitaw ang mga bundok, lumatag ang mga lambak sa mga lugar na itinalaga mo sa kanila.
Излазе на горе и силазе у долине, на место које си им утврдио.
9 Nagtakda ka ng isang hangganan para sa kanila na hindi nila tatawirin; hindi na nila muling babalutin ang daigdig.
Поставио си међу, преко које не прелазе, и не враћају се да покрију земљу.
10 Pinadaloy niya ang mga bukal sa mga lambak; Dumadaloy ang mga batis sa pagitan ng mga bundok.
Извео си изворе по долинама, између гора теку воде.
11 Nagdadala (sila) ng tubig para sa lahat ng mga hayop sa bukid; napapawi ang pagkauhaw ng mga maiilap na asno.
Напајају све звери пољске; дивљи магарци гасе жеђ своју.
12 Sa may tabing-ilog, ginagawa ng mga ibon ang kanilang mga pugad; umaawit (sila) sa mga sanga.
На њима птице небеске живе; кроз гране разлеже се глас њихов.
13 Dinidiligan niya ang mga bundok mula sa kanyang mga silid ng tubig sa kalangitan. Napupuno ang daigdig ng bunga ng kanyang mga gawain.
Напајаш горе с висина својих, плодовима дела Твојих сити се земља.
14 Pinapatubo niya ang damo para sa mga baka at mga halaman para linangin ng tao nang sa gayon ay makapag-ani ang tao ng pagkain mula sa lupa.
Дајеш те расте трава стоци, и зелен на корист човеку, да би извадио хлеб из земље.
15 Gumagawa siya ng alak para pasayahin ang tao, langis para magliwanag ang kanyang mukha, at pagkain para magpatuloy ang kanyang buhay.
И вино весели срце човеку, и лице се светли од уља, и хлеб срце човеку крепи.
16 Nadidiligan nang mabuti ang mga puno ni Yahweh; itinanim niya ang mga sedar ng Lebanon.
Сите се дрвета Божија, кедри ливански, које си посадио.
17 Doon ginagawa ng mga ibon ang kanilang mga pugad. Ginagawang tahanan ng tagak ang puno ng pir.
На њима птице вију гнезда; станак је родин на јелама.
18 Naninirahan sa matataas na bundok ang mababangis na kambing; ang kaitaasan ng bundok ay isang kanlungan para sa mga kuneho.
Горе високе дивокозама, камен је уточиште зечевима.
19 Itinalaga niya ang buwan bilang tanda ng mga panahon; alam ng araw ang oras ng kanyang paglubog.
Створио си месец да показује времена, сунце познаје запад свој.
20 Ginawa mo ang kadiliman ng gabi kung kailan lahat ng mga hayop sa gubat ay lumalabas.
Стереш таму, и бива ноћ, по којој излази све зверје шумско;
21 Umuungol ang mga batang leon para sa kanilang huli at naghahanap (sila) ng pagkain mula sa Diyos.
Лавови ричу за пленом, и траже од Бога хране себи.
22 Sa pagsikat ng araw, bumabalik at natutulog (sila) sa kanilang mga lungga.
Сунце гране, и они се сакривају и лежу у ложе своје.
23 Samantala, nagtatrabaho ang mga tao at gumagawa hanggang gabi.
Излази човек на посао свој, и на рад свој до вечера.
24 Yahweh, kayrami at iba't iba ang iyong mga gawa! Ginawa mo ang lahat ng mga iyon nang may karunungan; umaapaw ang daigdig sa mga gawa mo.
Како је много дела Твојих, Господе! Све си премудро створио; пуна је земља блага Твог.
25 Banda roon ay ang dagat, malalim at malawak, punong-puno ng hindi mabilang na mga nilalang, kapwa maliit at malaki.
Гле, море велико и широко, ту гмижу без броја, животиња мала и велика;
26 Naglalakbay doon ang mga barko, at naroroon din si Leviatan, na hinubog mo para maglaro sa dagat.
Ту лађе плове, крокодил, ког си створио да се игра по њему.
27 Ang lahat ng mga ito ay tumitingin sa iyo para bigyan (sila) ng pagkain sa tamang oras.
Све Тебе чека, да им дајеш пићу на време.
28 Kapag nagbibigay ka sa kanila, (sila) ay nagtitipon; kapag binubuksan mo ang iyong palad, (sila) ay nasisiyahan.
Дајеш им, примају; отвориш руку своју, сите се добра.
29 Kapag itinatago mo ang iyong mukha, (sila) ay nababagabag; kapag nilalagot mo ang kanilang hininga, (sila) ay namamatay at nauuwi sa alabok.
Одвратиш лице своје, жалосте се; узмеш им дух, гину, и у прах свој враћају се.
30 Kapag ipinapadala mo ang iyong Espiritu, (sila) ay nalilikha, at pinapanumbalik mo ang kanayunan.
Пошаљеш дух свој, постају, и понављаш лице земљи.
31 Nawa manatili magpakailanman ang kaluwalhatian ni Yahweh; masiyahan nawa si Yahweh sa kanyang nilikha.
Слава Господу увек; нек се весели Господ за дела своја!
32 Pinagmamasdan niya ang daigdig, at ito ay nayayanig; hinahawakan niya ang kabundukan, at ang mga iyon ay umuusok.
Он погледа на земљу, и она се тресе; дотакне се гора, и диме се.
33 Aawit ako kay Yahweh ng buong buhay ko; aawit ako ng papuri sa aking Diyos habang ako ay nabubuhay.
Певаћу Господу за живота свог; хвалићу Бога свог док сам год.
34 Nawa maging matamis ang aking mga isipan sa kanya; magagalak ako kay Yahweh.
Нека Му буде мила беседа моја! Веселићу се о Господу.
35 Mawala nawa ang mga makasalanan mula sa daigdig, at ang mga masasama ay maglaho. Nagbibigay ako ng papuri kay Yahweh ng buong buhay ko. Purihin si Yahweh.
Нека нестане грешника са земље, и безбожника нека не буде више! Благосиљај, душо моја, Господа! Алилуја!