< Mga Awit 103 >
1 Binibigyang papuri ko si Yahweh ng buong buhay ko, at ng lahat ng mayroon ako, binibigyang papuri ko ang kanyang banal na pangalan.
Un psalm al lui David. Binecuvântează pe DOMNUL, sufletul meu și tot ce este înăuntrul meu, să binecuvânteze numele lui sfânt.
2 Binibigyang papuri ko si Yahweh ng buong buhay ko, at naaalala ko ang lahat ng kanyang mga mabubuting gawa.
Binecuvântează pe DOMNUL, sufletul meu, și nu uita niciuna din binefacerile lui,
3 Pinapatawad niya lahat ng inyong mga kasalanan; pinapagaling niya lahat ng inyong mga sakit.
El, care iartă toate nelegiuirile tale, care vindecă toate bolile tale,
4 Tinutubos niya ang inyong buhay mula sa pagkawasak; kinokoronahan niya kayo ng kanyang katapatan sa tipan at mga gawain ng pagkahabag.
Care îți răscumpără viața de la groapă, care te încoronează cu bunătate iubitoare și îndurări blânde,
5 Binibigyang kasiyahan niya ang inyong buhay ng mabubuting bagay para mapanumbalik ang inyong kabataan tulad ng agila.
Care îți satură gura cu bunătăți; așa că tinerețea ta este înnoită precum a acvilei.
6 Ginagawa ni Yahweh kung ano ang makatarungan at gumagawa ng mga gawain ng katarungan para sa lahat ng mga naaapi.
DOMNUL face dreptate și judecată pentru toți cei oprimați.
7 Ipinaalam niya ang kanyang mga pamamaraan kay Moises, ang kanyang mga gawa sa mga kaapu-apuhan ng Israel.
El a făcut cunoscute căile sale lui Moise, faptele sale copiilor lui Israel.
8 Si Yahweh ay maawain at mapagbigay-loob; siya ay mapagpaumanhin; mayroon siyang labis na katapatan sa tipan.
DOMNUL este milos și cu har, încet la mânie și plin de milă.
9 Hindi siya laging magdidisiplina; hindi siya laging nagagalit.
El nu va certa continuu, nici nu își va ține mânia pentru totdeauna.
10 Hindi niya tayo tinatrato ayon sa nararapat sa ating mga kasalanan o ginagantihan ayon sa kung ano ang hinihingi ng ating mga kasalanan.
El nu s-a purtat cu noi după păcatele noastre; nici nu ne-a răsplătit conform nelegiuirilor noastre.
11 Dahil kung gaano kataas ang kalangitan sa ibabaw ng daigdig, ganoon kadakila ang kanyang katapatan sa tipan sa mga nagbibigay ng parangal sa kanya.
Căci așa cum cerul este înalt deasupra pământului, atât de mare este mila lui spre cei ce se tem de el.
12 Kung gaano kalayo ang silangan mula sa kanluran, ganoon kalayo niya inalis mula sa atin ang ating mga kasalanan.
Cât de departe este răsăritul de apus, atât de departe a mutat el fărădelegile noastre de la noi.
13 Kung paanong may pagkahabag ang isang ama sa kanyang mga anak, gayundin pagkahabag ni Yahweh sa mga nagbibigay ng parangal sa kanya.
Precum un tată se îndură de copiii săi, așa se îndură DOMNUL de cei ce se tem de el.
14 Dahil alam niya kung paano tayo binuo; alam niya na tayo ay alabok.
Căci el știe urzeala noastră; își amintește că noi suntem țărână.
15 Pero ang tao, parang damo ang kanyang mga araw; lumalago siya tulad ng isang bulaklak sa isang bukid.
Cât despre om, zilele lui sunt ca iarba, ca o floare din câmp, așa înflorește el.
16 Hinihipan ito ng hangin, at ito ay naglalaho, at wala man lamang makapagsabi kung saan ito minsang tumubo.
Căci vântul trece peste ea și aceasta s-a dus; și locul ei nu va mai fi cunoscut.
17 Pero ang katapatan sa tipan ni Yahweh ay magpasawalang-hanggan sa mga nagbibigay parangal sa kanya. Ang kanyang katuwiran ay umaabot sa kanilang mga kaapu-apuhan.
Dar mila DOMNULUI este din veșnicie în veșnicie peste cei ce se tem de el, și dreptatea lui la copiii copiilor lor,
18 Iniingatan nila ang kanyang tipan at tinatandaang sumunod sa kanyang mga tagubilin.
Pentru cei ce țin legământul său și își amintesc poruncile lui pentru a le împlini.
19 Itinatag ni Yahweh ang kanyang trono sa mga kalangitan, at pinamamahalaan ang bawat isa ng kanyang kaharian.
DOMNUL a pregătit tronul său în ceruri; și împărăția lui stăpânește peste toate.
20 Bigyang papuri si Yahweh kayong mga anghel na napakalakas at sumusunod sa kanyang salita, na masunurin sa kanyang mga kautusan.
Binecuvântați pe DOMNUL, voi îngerii lui, tari în putere, care împliniți poruncile lui, dând ascultare vocii cuvintelor sale.
21 Bigyang papuri si Yahweh lahat ng kanyang hukbo ng mga anghel, kayo ay kanyang mga lingkod na nagsasagawa ng kanyang kalooban.
Binecuvântați pe DOMNUL, voi toate oștirile sale, voi servitori ai lui, care faceți voia lui.
22 Bigyang papuri si Yahweh lahat ng kanyang mga nilalang, sa lahat ng mga lugar kung saan siya naghahari. Pupurihin ko si Yahweh nang buong buhay ko.
Binecuvântați pe DOMNUL, toate lucrările lui în toate locurile stăpânirii lui; binecuvântează pe DOMNUL, suflete al meu.