< Mga Awit 102 >

1 Dinggin mo ang aking panalangin, Yahweh; dinggin mo ang aking pag-iyak sa iyo.
Aberanteɛ mmɔborɔni mpaeɛbɔ. Ɛberɛ a ne home te no na ɔka nʼahometesɛm kyerɛ Awurade. Ao Awurade tie me mpaeɛbɔ; na ma me mmoa ho sufrɛ nnuru wʼanim.
2 Huwag mong itago ang iyong mukha mula akin sa oras ng aking kaguluhan. Makinig ka sa akin. Kapag ako ay nanawagan sa iyo, agad mo akong sagutin.
Mfa wʼanim nhinta me ɛberɛ a mewɔ ahohiahia mu. Brɛ wʼaso ase ma me; na sɛ mesu mefrɛ wo a, gye me so ntɛm.
3 Dahil lumilipas na parang usok ang aking mga araw, at nasusunog ang aking mga buto tulad ng apoy.
Me nkwa nna reyera te sɛ wisie; me nnompe hyehye te sɛ egya.
4 Nadudurog ang aking puso, at tulad ako ng damo na natutuyo. Nalilimutan kong kumain ng anumang pagkain.
Mʼakoma aboto na akusa sɛ ɛserɛ; na me kɔn nnɔ aduane.
5 Sa patuloy kong pagdaing, labis akong pumayat.
Mʼapinisie denden enti maka honam ne nnompe.
6 Tulad ako ng isang pelikano sa kaparangan; ako ay naging tulad ng isang kwago sa wasak na lugar.
Mete sɛ ɛserɛ so patuo, te sɛ ɔpatuo a ɔte mmubuiɛ mu.
7 Gising akong nakahiga na parang isang malungkot na ibon, nag-iisa sa bubungan.
Meda hɔ a, mʼani gu so; mayɛ sɛ anomaa bi a ɔno nko ara si ɛdan atifi.
8 Buong araw akong tinutuya ng aking mga kaaway; ginagamit ang aking pangalan sa mga pagsumpa ng mga nanlilibak sa akin.
Ɛda mu nyinaa mʼatamfoɔ bɔ me akutia. Wɔn a wɔdi me ho fɛ no bɔ me din de dome.
9 Kumakain ako ng abo tulad ng tinapay at hinahaluan ng mga luha ang aking inumin.
Mede nsõ ayɛ mʼaduane na mede nisuo fra me nsuo mu
10 Dahil sa iyong matinding galit, binuhat mo ako para ibagsak.
ɛsiane wʼabufuhyeɛ denden no enti, woama me so, ayi me asi nkyɛn.
11 Ang aking mga araw ay tulad ng isang anino na unti-unting nawawala, at natutuyo ako tulad ng damo.
Me nkwa nna te sɛ anwummerɛ sunsum; na mekusa sɛ ɛserɛ.
12 Pero ikaw, Yahweh, ay nabubuhay magpakailanman, at ang katanyagan mo ay para sa lahat ng mga salinlahi.
Nanso, wo Awurade, woyɛ ɔhene daa daa; na wo din a ahyeta no te hɔ daa awoɔ ntoatoasoɔ nyinaa mu.
13 Babangon ka at maaawa sa Sion. Panahon na ngayon para kaawaan siya; dumating na ang takdang oras.
Wobɛsɔre na woahunu Sion mmɔbɔ; berɛ aduru sɛ wohunu no mmɔbɔ; ɛberɛ a wohyɛeɛ no aso.
14 Dahil minamahal ng iyong mga lingkod ang kanyang mga bato at nahahabag sa alikabok ng kanyang pagkawasak.
Nʼaboɔ som bo ma wʼasomfoɔ; ne mfuturo hyɛ wɔn awerɛhoɔ.
15 Igagalang ng mga bansa ang iyong pangalan, Yahweh, at pararangalan ng lahat ng mga hari sa daigdig ang iyong kaluwalhatian.
Amanaman no bɛsuro Awurade din; asase so ahemfo nyinaa bɛdi wʼanimuonyam ni.
16 Muling itatayo ni Yahweh ang Sion at makikita sa kanyang kaluwalhatian.
Awurade bɛkyekyere Sion bio, na wapue wɔ nʼanimuonyam mu.
17 Sa oras na iyon, tutugon siya sa panalangin ng dukha; hindi niya tatanggihan ang kanilang panalangin.
Ɔbɛtie mmɔborɔfoɔ mpaeɛbɔ; na ɔremmu nʼani ngu wɔn sufrɛ so.
18 Ito ay masusulat para sa mga darating na salinlahi, at pupurihin si Yahweh ng isang bayan na hindi pa ipinapanganak.
Montwerɛ yei mma nkyirimma, sɛdeɛ ɛbɛyɛ a wɔn a wɔnnya nwoo wɔn bɛkamfo Awurade;
19 Dahil tumingin siya pababa mula sa kanyang banal na kaitaasan; mula sa langit tiningnan ni Yahweh ang daigdig,
“Awurade hwɛɛ fam firi ne kronkronbea wɔ soro hɔ; ɔfiri soro hwɛɛ asase,
20 para dinggin ang pagdaing ng mga bilanggo, para palayain ang mga nahatulan ng kamatayan.
sɛdeɛ ɔbɛte nneduafoɔ apinisie na wagyaa wɔn a wɔabu wɔn kumfɔ no.”
21 Pagkatapos ihahayag ng mga tao ang pangalan ni Yahweh sa Sion at ang kanyang papuri sa Jerusalem
Enti, wɔbɛpae mu abɔ Awurade din wɔ Sion na wɔakamfo no wɔ Yerusalem,
22 sa panahon na ang mga tao at mga kaharian ay magtitipon para paglingkuran si Yahweh.
ɛberɛ a amanaman ne ahennie ahodoɔ bɛhyiam na wɔasom Awurade.
23 Inalis niya ang aking kalakasan sa kalagitnaan ng aking buhay. Pinaikli niya ang aking mga araw.
Ɔmaa me yɛɛ mmerɛ wɔ ɛberɛ a merenyini. Ɔtwaa me nkwa nna so.
24 Sinabi ko, “Aking Diyos, huwag mo akong kunin sa kalagitnaan ng aking buhay; naririto ka sa lahat ng mga salinlahi.
Enti mekaa sɛ, “Ao me Onyankopɔn, mfa me nkɔ, wɔ me nkwa nna mfimfini; wo mfeɛ wɔ hɔ daa kɔduru awoɔ ntoatoasoɔ nyinaa mu.
25 Nang mga sinaunang panahon inilagay mo sa lugar ang daigdig; ang kalangitan ay gawa ng iyong mga kamay.
Ahyɛaseɛ no, wotoo asase fapem, na ɔsoro yɛ wo nsa ano adwuma.
26 Mawawala (sila) pero mananatili ka; tatanda silang lahat tulad ng isang damit; tulad ng pananamit, huhubarin mo (sila) at maglalaho (sila)
Ne nyinaa bɛtwam, na wo deɛ, wobɛtena hɔ daa; wɔbɛtete te sɛ atadeɛ. Wobɛsesa wɔn te sɛ ntoma na wɔbɛto wɔn agu.
27 Pero wala kang pagbabago, at ang mga taon mo ay hindi magwawakas.
Nanso, wote sɛdeɛ woteɛ, na wo mfeɛ to rentwa da.
28 Patuloy na mabubuhay ang mga anak ng iyong mga lingkod, at ang kanilang mga kaapu-apuhan ay mabubuhay sa iyong presensya.
Wʼasomfoɔ mma bɛtena nkwa mu wɔ wʼanim; na wɔn asefoɔ ase bɛtim wɔ wʼanim.”

< Mga Awit 102 >