< Mga Awit 101 >
1 Aawit ako tungkol sa katapatan sa tipan at katarungan; sa iyo, Yahweh, ako ay aawit ng mga papuri.
Žalm Davidův. O milosrdenství a soudu zpívati budu, tobě, ó Hospodine, žalmy budu zpívati.
2 Lalakad ako sa daan ng katapatan. O, kailan ka lalapit sa akin? Lalakad ako ng may katapatan sa loob ng aking tahanan.
Opatrně se míti budu na cestě přímé, až přijdeš ke mně; choditi budu ustavičně v upřímnosti srdce svého i v domě svém.
3 Hindi ako gagawa ng mga pagkakamali sa harapan ng aking mga mata; nasusuklam ako sa walang katuturang kasamaan. Hindi ito kakapit sa akin.
Nepředstavímť sobě před oči věci nešlechetné; skutek uchylujících se v nenávisti mám, nepřichytíť se mne.
4 Iiwanan ako ng mga taong matigas ang ulo; hindi ako tapat sa kasamaan.
Srdce převrácené odstoupí ode mne, zlého nebudu oblibovati.
5 Lilipulin ko ang sinumang lihim na naninirang puri sa kanyang kapwa. Hindi ko papayagan ang sinumang may mapagmataas at aroganteng pag-uugali.
Škodícího jazykem bližnímu svému tajně, tohoť vytnu; očí vysokých a mysli naduté nikoli nebudu moci trpěti.
6 Babantayan ko ang mga tapat sa kalupaan na uupo sa aking gilid. Ang mga taong lumalakad na may katapatan ay makakapaglingkod sa akin.
Oči mé na pravdomluvné v zemi, aby sedali se mnou; kdož chodí po cestě upřímé, tenť mi sloužiti bude.
7 Ang mga mandarayang tao ay hindi mananatili sa loob ng aking tahanan; ang mga sinungaling ay hindi malugod na tatanggapin sa aking harapan.
Nebude bydliti v domě mém činící lest, a mluvící lež nebude míti místa u mne.
8 Sa bawat umaga ay wawasakin ko ang mga masasama mula sa lupain. Aalisin ko ang lahat ng masamang tao mula sa lungsod ni Yahweh.
Každého jitra pléniti budu všecky nešlechetné z země, abych tak vyplénil z města Hospodinova všecky, kdož páší nepravost.