< Mga Awit 10 >

1 Yahweh, bakit ka nakatayo sa malayo? Bakit tinatago mo ang iyong sarili sa oras ng kaguluhan?
Wherefore, O Lord, standest thou afar off? hidest thyself in times of distress?
2 Dahil sa kanilang kayabangan, hinahabol ng masasamang tao ang mga api; pero pakiusap hayaan mong mahuli ang mga masasama sa ginawa nilang sariling mga balakin.
In the pride of the wicked doth he hotly pursue the poor: they are seized through the plans that those have devised.
3 Dahil ipinagyayabang ng masasamang tao ang kaniyang pinakamalalim na mga hangarin; pinagpapala niya ang sakim at iniinsulto si Yahweh.
For the wicked boasteth of the longing of his soul, and the robber blesseth himself when he hath despised the Lord.
4 Ang masasamang tao ay nakataas-noo; hindi niya hinahanap ang Diyos. Hindi niya kailanman iniisip ang tungkol sa Diyos dahil siya ay wala talagang pakialam sa kaniya.
The wicked, according to the pride of his wrathfulness, [saith, ] He will not require, There is no God [in] all his plans.
5 Siya ay matatag sa lahat ng oras, pero ang iyong mga makatuwirang mga kautusan ay labis na mataas para sa kaniya; sinisinghalan niya ang lahat ng kaniyang mga kaaway.
Prosperous are his ways at all times; far in the height [remain] thy punishments away from him: all his assailants—he puffeth at them.
6 Sinasabi niya sa kaniyang puso, “Hindi ako mabibigo; hindi ako makahaharap ng pagkatalo sa lahat ng salinlahi.”
He saith in his heart, I shall not be moved; I shall be for many generations, and without adversity.
7 Ang kaniyang bibig ay puno ng pagsusumpa at mapanlinlang, mapaminsalang mga salita; ang kaniyang dila ay nakasasakit at nakasisira.
Of the false oaths is his mouth full, and deceit and fraud: under his tongue is mischief and wickedness.
8 Siya ay naghihintay sa pagtambang malapit sa mga nayon; sa lihim na mga lugar niya pinapatay ang inosente; ang kaniyang mga mata ay naghahanap ng ilang biktimang walang laban.
He sitteth in the lurking-places of the villages; in the secret places doth he murder the innocent: his eyes search for the unfortunate.
9 Siya ay nagtatago ng palihim katulad ng leon sa masukal na lugar; siya ay nag-aabang para humuli ng api. Nahuhuli niya ang api kapag hinihila niya ang kaniyang lambat.
He lieth in wait in a secret place like a lion in his den; he lieth in wait to snatch up the poor: he snatcheth up the poor, as they draweth him into his net.
10 Ang kaniyang mga biktima ay dinudurog at binubugbog; (sila) ay nahulog sa kaniyang matibay na mga lambat.
He croucheth, he bendeth himself, and the unfortunate fall through his might.
11 Sinasabi niya sa kaniyang puso, “Nakalimot ang Diyos; tinakpan niya ang kaniyang mukha; hindi siya mag-aabalang tumingin.”
He saith in his heart, God hath forgotten; he hath hidden his face; he will never see it.
12 Bumangon ka, Yahweh; itaas mo ang iyong kamay sa paghatol, O Diyos. Huwag mong kalimutan ang mga api.
Arise, O Lord; O God, lift up thy hand: forget not the afflicted.
13 Bakit itinatanggi ng masamang tao ang Diyos at sinasabi sa kaniyang puso, “Hindi mo ako pananagutin”?
For what doth the wicked despise God? [why] doth he say in his heart, Thou wilt not require it?
14 Binigyang pansin mo, dahil lagi mong nakikita ang gumagawa ng paghihirap at kalungkutan. Pinagkakatiwala ng ulila ang kaniyang sarili sa iyo; inililigtas mo ang mga walang ama.
Thou hast seen it: for thou beholdest mischief and despiteful acts, to requite it with thy hand: unto thee the unfortunate committeth himself; unto the fatherless hast thou [ever] been a helper.
15 Baliin mo ang bisig ng masama at buktot na tao; panagutin siya sa kaniyang mga masasamang gawain, na akala niya hindi mo matutuklasan.
Break thou the arm of the wicked; and of the bad man—thou wilt inquire for his wickedness [till] thou find none.
16 Si Yahweh ay Hari magpakailanpaman; ang mga bansa ay pinalalayas mo sa kanilang mga lupain.
The Lord is King for ever and ever: nations are perished out of his land.
17 Yahweh, narinig mo ang mga pangangailangan ng mga api; pinalalakas mo ang kanilang puso, pinakikinggan mo ang kanilang panalangin;
The longing of the afflicted dost thou hear, O Lord! thou wilt strengthen their heart, thou wilt cause thy ear to listen:
18 Ipinagtatanggol mo ang walang mga ama at ang mga api para walang tao sa mundo ang magdudulot muli ng malaking takot.
To judge the fatherless and the oppressed, that not farther more shall be arrogant the mortal from the earth.

< Mga Awit 10 >