< Mga Kawikaan 9 >

1 Ang karunungan ay nagtayo ng kaniyang tahanan; nag-ukit siya ng pitong mga poste mula sa bato.
Sapientia aedificavit sibi domum, excidit columnas septem.
2 Hinanda niya ang mga karne niya para ihain sa hapunan; hinalo niya ang kaniyang alak; at inihanda niya ang kaniyang hapag-kainan.
Immolavit victimas suas, miscuit vinum, et proposuit mensam suam.
3 Nagpadala siya ng mga paanyaya kasama ang mga lingkod niyang babae at tumatawag siya mula sa pinakamataas na dako ng lungsod:
Misit ancillas suas ut vocarent ad arcem, et ad moenia civitatis:
4 “Hayaan ang mga hindi naturuan na lumapit dito!” sinasabi niya roon sa mga walang alam.
Siquis est parvulus, veniat ad me. Et insipientibus locuta est:
5 “Lumapit kayo, kainin ninyo ang aking pagkain, at inumin ang alak na aking hinalo.
Venite, comedite panem meum, et bibite vinum quod miscui vobis.
6 Iwanan na ninyo ang mga kaparaanan ng kamangmangan upang kayo ay mabuhay; lumakad sa daan ng pang-unawa.
Relinquite infantiam, et vivite, et ambulate per vias prudentiae.
7 Kung sinuman ang magtama ng mangungutya ay nag-aanyaya ng pag-abuso, at kung sinuman ang magtuwid ng masamang tao ay masasaktan.
Qui erudit derisorem, ipse iniuriam sibi facit: et qui arguit impium, sibi maculam generat.
8 Huwag sawayin ang mangungutya, o kamumuhian ka niya; magtuwid ng matalinong tao, at mamahalin ka niya.
Noli arguere derisorem, ne oderit te. Argue sapientem, et diliget te.
9 Magbigay ng gabay sa matalinong tao, at siya ay magiging mas matalino; turuan ang matuwid na tao, at dadagdag ang kaniyang pagkatuto.
Da sapienti occasionem, et addetur ei sapientia. Doce iustum, et festinabit accipere.
10 Ang takot kay Yahweh ang simula ng karunungan, at ang kaalaman sa Isang Banal ay kaunawaan.
Principium sapientiae timor Domini: et scientia sanctorum, prudentia.
11 Dahil sa pamamagitan ko ang mga araw mo ay dadami, at dadagdag ang taon ng buhay mo.
Per me enim multiplicabuntur dies tui, et addentur tibi anni vitae.
12 Kung matalino ka, matalino ka para sa sarili mo, pero kung mangungutya ka, dadalhin mo ito nang mag-isa.”
Si sapiens fueris, tibimetipsi eris: si autem illusor, solus portabis malum.
13 Ang isang mangmang na babae ay maingay— hindi siya naturuan at wala siyang alam.
Mulier stulta et clamosa, plenaque illecebris, et nihil omnino sciens,
14 Nauupo siya sa pinto ng bahay niya, sa upuan ng pinakamataas na lugar ng bayan.
sedit in foribus domus suae super sellam in excelso urbis loco,
15 Tinatawag niya ang mga taong dumadaan, ang mga taong naglalakad ng tuwid sa kanilang daan.
ut vocaret transeuntes per viam, et pergentes itinere suo:
16 “Hayaan ang mga hindi naturuan na lumapit dito” sinasabi niya doon sa mga walang alam.
Qui est parvulus, declinet ad me. Et vecordi locuta est:
17 “Ang ninakaw na tubig ay matamis, at ang tinapay na kinain ng palihim ay kaaya-aya.”
Aquae furtivae dulciores sunt, et panis absconditus suavior.
18 Pero hindi niya alam na nandoon ang mga patay, na ang mga panauhin niya ay nasa kailaliman ng sheol. (Sheol h7585)
Et ignoravit quod ibi sint gigantes, et in profundis inferni convivae eius. (Sheol h7585)

< Mga Kawikaan 9 >