< Mga Kawikaan 7 >

1 Aking anak na lalaki, sundin ang aking mga salita at ipunin ang aking mga utos sa iyong kalooban.
HIJO mío, guarda mis razones, y encierra contigo mis mandamientos.
2 Sundin ang aking mga utos upang mabuhay at sundin ang aking tagubilin tulad ng mansanas sa iyong paningin.
Guarda mis mandamientos, y vivirás; y mi ley como las niñas de tus ojos.
3 Itali ang mga ito sa iyong mga daliri; isulat ang mga ito sa talaan ng iyong puso.
Lígalos á tus dedos; escríbelos en la tabla de tu corazón.
4 Sabihin sa karunungan, “Ikaw ang aking kapatid na babae,” at tawagin ang kaunawaan na inyong kamag-anak,
Di á la sabiduría: Tú eres mi hermana; y á la inteligencia llama parienta:
5 upang ikaw ay ilayo mula sa mapanuksong babae, mula sa babaeng mapangalunya kasama ng kaniyang mapang-akit na mga salita.
Para que te guarden de la mujer ajena, y de la extraña que ablanda sus palabras.
6 Sa bintana ng aking bahay ay tumitingin ako sa pamamagitan ng dungawan
Porque mirando yo por la ventana de mi casa, por mi celosía,
7 at aking nakita ang karamihan ng batang lalaki na hindi pa natuturuan. Nakita ko sa karamihan ng kabataan ang isang batang lalaking na wala sa kaisipan.
Vi entre los simples, consideré entre los jóvenes, un mancebo falto de entendimiento,
8 Ang batang lalaking iyon ay naglalakad sa kalye malapit sa sulok ng kaniyang kalye at siya ay tumuloy patungo sa kaniyang bahay—
El cual pasaba por la calle, junto á la esquina de aquella, é iba camino de su casa,
9 iyon ay takip-silim, sa gabi ng araw na iyon, sa oras ng gabi at kadiliman.
A la tarde del día, ya que oscurecía, en la oscuridad y tiniebla de la noche.
10 At doon kinatagpo siya ng isang babae, nakadamit tulad ng isang bayarang babae at alam niya kung bakit siya naroon.
Y he aquí, una mujer que le sale al encuentro con atavío de ramera, astuta de corazón,
11 Siya ay maingay at magulo, ang kaniyang mga paa ay hindi mapanatili sa tahanan—
Alborotadora y rencillosa, sus pies no pueden estar en casa;
12 ngayon nasa mga kalye, ngayon nasa pamilihan, at bawat sulok siya ay nag-aabang.
Unas veces de fuera, ó bien por las plazas, acechando por todas las esquinas.
13 Kaya siya ay hinawakan niya at pinaghahalikan, na may katapangang mukha, sinabi niya sa kaniya,
Y traba de él, y bésalo; desvergonzó su rostro, y díjole:
14 natupad ko ang handog ng kapayapaan ngayon, naibigay ko ang aking mga panata,
Sacrificios de paz había prometido, hoy he pagado mis votos;
15 kaya lumabas ako para makita ka, kinasasabikan ko na makita ang iyong mukha, at ikaw ay aking natagpuan.
Por tanto he salido á encontrarte, buscando diligentemente tu rostro, y te he hallado.
16 Inilatag ko ang mga panakip sa aking higaan, mga linong makukulay mula sa Egipto.
Con paramentos he ataviado mi cama, recamados con cordoncillo de Egipto.
17 Pinabanguhan ko ang aking higaan ng mira, mga aloe, at kanela.
He sahumado mi cámara con mirra, áloes, y cinamomo.
18 Halina't, hayaang umapaw ang ating pagmamahalan hanggang umaga; hayaan nating makakuha tayo ng labis na ligaya sa iba't ibang gawi ng pagtatalik.
Ven, embriaguémonos de amores hasta la mañana; alegrémonos en amores.
19 Ang aking asawa ay wala sa bahay; siya ay nasa malayo sa isang matagal na paglalakbay.
Porque el marido no está en casa, hase ido á un largo viaje:
20 May dala siyang isang supot ng pera sa kaniya; siya ay babalik sa araw ng kabilugan ng buwan.”
El saco de dinero llevó en su mano; el día señalado volverá á su casa.
21 Sa kaniyang mapang-akit na salita ay hinihikayat siya, at sa kaniyang mahusay na pagsasalita siya ay mapipilit niya.
Rindiólo con la mucha suavidad de sus palabras, obligóle con la blandura de sus labios.
22 Sumunod siya sa kaniya na tulad ng isang bakang lalaki na papunta sa katayan, o tulad ng isang usa na nahuli sa isang patibong
Vase en pos de ella luego, como va el buey al degolladero, y como el loco á las prisiones para ser castigado;
23 hanggang ang isang palaso ay tumatagos sa kaniyang atay— o katulad ng ibong sumusugod sa isang patibong, hindi alam na ito ang magiging kabayaran ng kaniyang buhay.
Como el ave que se apresura al lazo, y no sabe que es contra su vida, hasta que la saeta traspasó su hígado.
24 At ngayon, ang aking mga anak na lalaki, makinig sa akin; bigyang pansin kung ano ang aking sinasabi.
Ahora pues, hijos, oidme, y estad atentos á las razones de mi boca.
25 Huwag ninyong hayaan ang inyong puso na lumihis sa kaniyang mga kaparaanan; huwag maligaw sa kaniyang mga landas.
No se aparte á sus caminos tu corazón; no yerres en sus veredas.
26 Maraming biktima ang nadala niya pababa; hindi sila mabilang.
Porque á muchos ha hecho caer heridos; y aun los más fuertes han sido muertos por ella.
27 Ang kaniyang bahay ay daan patungo sa sheol; ito ay patungo pababa sa mga silid ng kamatayan. (Sheol h7585)
Caminos del sepulcro son su casa, que descienden á las cámaras de la muerte. (Sheol h7585)

< Mga Kawikaan 7 >