< Mga Kawikaan 5 >
1 Aking anak na lalaki, bigyang pansin ang aking karunungan; makinig mabuti sa aking kaunawaan,
My son, attend to my wisdom, and incline thy ear to my prudence.
2 upang ikaw ay matuto tungkol sa mabuting pagpapasya, at ang iyong mga labi ay maaaring pangalagaan ang kaalaman.
That thou mayst keep thoughts, and thy lips may preserve instruction. Mind not the deceit of a woman.
3 Sapagkat ang labi ng isang nangangalunyang babae ay dinadaluyan ng pulot, at ang kaniyang bibig ay mas madulas kaysa sa langis,
For the lips of a harlot are like a honeycomb dropping, and her throat is smoother than oil.
4 pero sa huli siya ay katulad ng halamang mapait, humihiwa tulad ng isang matalim na espada.
But her end is bitter as wormwood, and sharp as a two-edged sword.
5 Ang kaniyang mga paa ay humahakbang papunta sa kamatayan; at tumutungo papunta sa sheol. (Sheol )
Her feet go down into death, and her steps go in as far as hell. (Sheol )
6 Hindi niya binibigyang pansin ang landas ng buhay. Ang kaniyang mga yapak ay gumagala; hindi niya alam kung saan siya patungo.
They walk not by the path of life, her steps are wandering, and unaccountable.
7 At ngayon, aking mga anak, makinig sa akin; huwag tumalikod mula sa pakikinig sa mga salita ng aking bibig.
Now therefore, my son, hear me, and depart not from the words of my mouth.
8 Lumayo kayo sa kaniyang landas, at huwag kayong lumapit sa pintuan ng kaniyang bahay.
Remove thy way far from her, and come not nigh the doors of her house.
9 Sa ganoong paraan hindi ninyo ipamimigay ang inyong karangalan sa iba o ang mga taon ng inyong buhay sa isang malupit na tao;
Give not thy honour to strangers, and thy years to the cruel.
10 ang mga taong hindi kilala ay hindi magdiriwang sa inyong kayamanan; ang inyong pinaghirapan ay hindi mapupunta sa bahay ng mga taong hindi kilala.
Lest strangers be filled with thy strength, and thy labours be in another man’s house,
11 Sa katapusan ng inyong buhay kayo ay dadaing kapag ang inyong laman at inyong katawan ay nabulok.
And thou mourn it the last, when thou shalt have spent thy flesh and thy body, and say:
12 Sasabihin ninyo, “Kinapopootan ko ang disiplina at hinamak ng aking puso ang pagtatama!
Why have I hated instruction, and my heart consented not to reproof,
13 Hindi ako sumunod sa aking mga guro o nakinig sa aking mga tagapagturo.
And have not heard the voice of them that taught me, and have not inclined my ear to masters?
14 Malapit na akong ganap na masira sa gitna ng kapulungan, sa pagtitipon ng mga tao.”
I have almost been in all evil, in the midst of the church and of the congregation.
15 Uminom ng tubig mula sa inyong sariling sisidlan, at uminom ng bukal na tubig mula sa inyong sariling balon.
Drink water out of thy own cistern, and the streams of thy own well:
16 Dapat bang ang inyong mga bukal ay umapaw sa lahat ng dako, at ang inyong mga batis ng tubig ay umagos sa mga liwasang-bayan?
Let thy fountains be conveyed abroad, and in the streets divide thy waters.
17 Hayaan na ang mga ito ay sa inyo lamang, at hindi para sa mga hindi kilalang taong kasama ninyo.
Keep them to thyself alone, neither let strangers be partakers with thee.
18 Nawa'y ang inyong bukal ay pagpalain, at nawa'y kayo ay magalak sa asawa sa inyong kabataan.
Let thy vein be blessed, and rejoice with the wife of thy youth:
19 Sapagkat siya ay isang mapagmahal at kaaya-aya tulad ng usang babae. Hayaan ninyo ang kaniyang dibdib ay punuin kayo ng galak sa lahat ng panahon; laging maging bihag ng kaniyang pag-ibig.
Let her be thy dearest hind, and most agreeable fawn: let her breasts inebriate thee at all times; he thou delighted continually with her love.
20 Sapagkat bakit ikaw, aking anak, ay dapat na mabihag ng isang babaeng nangangalunya; bakit mo kailangang yakapin ang dibdib ng isang hindi kilalang babae?
Why art thou seduced, my son, by a strange woman, and art cherished in the bosom of another?
21 Nakikita ni Yahweh ang lahat ng ginagawa ng isang tao at pinanonood ang lahat ng landas na kaniyang tinatahak.
The Lord beholdeth the ways of man, and considereth all his steps.
22 Ang isang masamang tao ay mabibitag ng kaniyang sariling mga kasalanan; ang mga lubid ng kaniyang kasalanan ay pipigilan siya ng mahigpit.
His own iniquities catch the wicked, and he is fast bound with the ropes of his own sins.
23 Siya ay mamamatay dahil kulang siya ng disiplina; siya ay inililigaw ng kaniyang labis na kamangmangan.
He shall die, because he hath not received instruction, and in the multitude of his folly he shall be deceived.