< Mga Kawikaan 31 >
1 Ang mga salita ni Haring Lemuel—ang pananalita na itinuro ng kaniyang ina sa kaniya.
Words of Lemuel a king, a declaration that his mother taught him:
2 Ano, aking anak? At ano, anak sa aking sinapupunan? At ano, anak ng aking mga panata? —
'What, my son? and what, son of my womb? And what, son of my vows?
3 Huwag mong ibigay ang lakas mo sa mga babae, o ang mga kaparaanan mo sa mga naninira sa mga hari.
Give not to women thy strength, And thy ways to wiping away of kings.
4 Hindi ito para sa mga hari, Lemuel, hindi para sa mga hari ang uminom ng alak, ni para sa mga namumuno ang magtanong, “Nasaan ang matapang na inumin?
Not for kings, O Lemuel, Not for kings, to drink wine, And for princes a desire of strong drink.
5 Dahil kung sila ay iinom, makakalimutan nila kung ano ang naisabatas, at mababaluktot ang mga karapatan ng lahat ng mga naghihirap.
Lest he drink, and forget the decree, And change the judgment of any of the sons of affliction.
6 Bigyan ang mga taong nasasawi ng inuming matapang at alak sa mga taong may mapait na kalungkutan.
Give strong drink to the perishing, And wine to the bitter in soul,
7 Iinom siya at makakalimutan niya ang kaniyang kahirapan, at hindi niya maaalala ang kaniyang kabalisahan.
He drinketh, and forgetteth his poverty, And his misery he remembereth not again.
8 Magsalita ka para sa mga hindi nakakapagsalita, para sa mga kapakanan ng lahat ng mga napapahamak.
Open thy mouth for the dumb, For the right of all sons of change.
9 Magpahayag at humatol sa pamamagitan ng panukat na matuwid at ipagtanggol ang kapakanan ng mga mahihirap at ng mga taong nangangailangan.
Open thy mouth, judge righteously, Both the cause of the poor and needy!'
10 Sino ang makatatagpo ng may kakayahang asawang babae? Ang halaga niya ay higit sa mamahaling hiyas.
A woman of worth who doth find? Yea, far above rubies [is] her price.
11 Ang puso ng kaniyang asawang lalaki ay nagtitiwala sa kaniya, at kailanman hindi siya maghihirap.
The heart of her husband hath trusted in her, And spoil he lacketh not.
12 Mga mabubuting bagay ang ginagawa niya para sa kaniya at hindi masama sa lahat ng mga araw ng kaniyang buhay.
She hath done him good, and not evil, All days of her life.
13 Pumipili siya ng balahibo at lana at gumagawa ng may kasiyahan ang kaniyang mga kamay.
She hath sought wool and flax, And with delight she worketh [with] her hands.
14 Katulad siya ng mga barko ng mangangalakal; nagdadala siya ng pagkain mula sa malayo.
She hath been as ships of the merchant, From afar she bringeth in her bread.
15 Bumabangon siya habang gabi pa at nagbibigay ng pagkain sa kaniyang sambahayan, at ipinamamahagi niya ang mga gawain sa kaniyang mga aliping babae.
Yea, she riseth while yet night, And giveth food to her household, And a portion to her damsels.
16 Isinasaalang-alang niya ang bukirin at ito ay binibili, sa pamamagitan ng bunga ng kaniyang mga kamay, nakapagtanim siya ng ubasan.
She hath considered a field, and taketh it, From the fruit of her hands she hath planted a vineyard.
17 Dinadamitan niya ang kaniyang sarili ng lakas at pinalalakas niya ang kaniyang mga braso.
She hath girded with might her loins, And doth strengthen her arms.
18 Nauunawaan niya kung ano ang magbibigay ng malaking kita para sa kaniya; buong gabi ay hindi namatay ang kaniyang lampara.
She hath perceived when her merchandise [is] good, Her lamp is not extinguished in the night.
19 Inilalagay niya ang kaniyang mga kamay sa ikiran, at buhol na sinulid ay kaniyang hinahawakan.
Her hands she hath sent forth on a spindle, And her hands have held a distaff.
20 Ang mga taong mahihirap ay inaabot niya ng kaniyang kamay; ang mga taong nangangailangan ay inaabot niya ng kaniyang mga kamay.
Her hand she hath spread forth to the poor, Yea, her hands she sent forth to the needy.
21 Hindi siya natatakot sa lamig ng niyebe para sa kaniyang sambahayan, dahil ang kaniyang buong sambahayan ay nababalot ng pulang makapal na kasuotan.
She is not afraid of her household from snow, For all her household are clothed [with] scarlet.
22 Gumagawa siya ng mga sapin para sa higaan niya at mga lilang damit na pinong lino ang sinusuot niya.
Ornamental coverings she hath made for herself, Silk and purple [are] her clothing.
23 Ang kaniyang asawa ay kilala sa mga tarangkahan, kapag umuupo siya kasama ng mga nakatatanda sa bayan.
Known in the gates is her husband, In his sitting with elders of the land.
24 Gumagawa at nagbebenta siya ng linong kasuotan, at nagmumula sa kaniya ang mga sintas ng mga mangangalakal.
Linen garments she hath made, and selleth, And a girdle she hath given to the merchant.
25 Ang kalakasan at karangalan ay suot niya, at sa oras na darating, siya ay tumatawa.
Strength and honour [are] her clothing, And she rejoiceth at a latter day.
26 Binubuksan niya ang kaniyang bibig ng may karunungan, at nasa kaniyang dila ang batas ng kabaitan.
Her mouth she hath opened in wisdom, And the law of kindness [is] on her tongue.
27 Binabantayan niya ang pamamaraan ng kaniyang sambahayan at hindi kumakain ng tinapay ng pagkabatugan.
She [is] watching the ways of her household, And bread of sloth she eateth not.
28 Ang kaniyang mga anak ay babangon at tinatawag siyang pinagpala; ang kaniyang asawang lalaki ay pupurihin na nagsasabing,
Her sons have risen up, and pronounce her happy, Her husband, and he praiseth her,
29 “Maraming mga babae ang gumawa ng mabuti, ngunit hinihigitan mo silang lahat.”
'Many [are] the daughters who have done worthily, Thou hast gone up above them all.'
30 Ang pagiging elegante ay mapanlinlang, ang kagandahan ay walang kabuluhan, pero ang babaeng may takot kay Yahweh ay mapapapurihan.
The grace [is] false, and the beauty [is] vain, A woman fearing Jehovah, she may boast herself.
31 Ibigay mo sa kaniya ang bunga ng mga kaniyang kamay, at hayaan mong ang kaniyang mga gawa, sa mga tarangkahan, siya ay papurihan.
Give ye to her of the fruit of her hands, And her works do praise her in the gates!